Noong una nagalit ako kay daddy kasi pinagpalit niya kaagad si mommy, pero kalaunan ay unti unti ko din naman silang natanggap at pinatawad. Pero bakit ako hindi nila magawang mapatawad sa kasalanang hindi ko naman ginawa?

"Who are you?" Nabalik ako sa realidad ng madinig ang maarteng boses ng step mom ko.

"D-dad... m-mom.. si Anth---" naputol ang pagsasalita ko ng itaas niya yung kamay niya.

"I'm not talking to you, Venice. So shut up." Malumanay pero may diing sabi niya, napayuko na lang ako. Gustong gusto ko siyang sagutin pero may respeto pa din naman ako kahit papaano.

Nabigla ako ng hawakan ni Anthony yung kamay ko, napatingin ako sa kanya pwro diretso lang ang tingin kina daddy... anong..

"Good evening Mr. And Mrs. Park, I'm Mark Anthony Lee. Your daughter's boyfriend."

Hindi na ako nagulat nung magpakilala siya, ipapakilala ko din naman siya ngayon sa kanila pero nakaramdam ako ng kaba nung ngumisi ang step mom ko. Hindi ko gusto ang ngising iyon. Samantalang tahimik lang naman si daddy pero nakataas na ang kilay niya ngayon.

"Bessyyyy! Nandito na kami! Sino ba yang kasama niyo at dito pa kayo sa labas nag-uusap? Tara sa--- oh my god! T-tito!" Agad na umayos si Maxine ng makita sila daddy, humalik siya sa pisngi nito at inirapan niya naman si Auntie. Sanay na si daddy sa ganyang trato ni Maxine kay Auntie, alam niya namang umpisa pa lang ayaw na ni bessy dito. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi ko din yon magawa lalo na sa harap ni daddy. At kapag ba nagawa ko 'yon, hindi siya magagalit sa akin?

-
Nandito na kami sa hapag ngayon, mabuti na lang at dumating si bessy kaya medyo gumaan ng konti yung atmosphere. Siya lang naman kasi ang nagsasalita at kumakausap kay daddy, minsan ay si Anthony at Stepham din. Samantalang tahimik lang naman ako at ganoon din si Auntie.

Ramdam ko na nagtitimpi lang siya dahil nandito si daddy, alam kong kanina niya pa kami gustong sampalin ni bessy. Kung sanang una pa lang nalaman ko na yung totoo niyang kulay, sana ay napigilan ko si daddy sa pagpapakasal sa kanya. Hindi naman siya ganon kaganda, duh. Wala pa nga siya sa kalingkingan ni mommy! Nakita ko na sa picture si mommy at sobrang ganda niya. Syempre kanino pa ba ako magmamana.

"So tito buti po at nakauwi kayo ngayon, may business po ba kayo dito sa pinas?" Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko pero nakikinig din ako. Gusto ko din kasing malaman kung bakit umuwi sila dito.

"No. We'll stay here until christmas."

Christmas? Umuwi ba sila para... para magcelebrate ng christmas kasama ko?

"Nice! Mukhang magiging masaya po ang christmas ni Venice! You know naman po kasi na mag-isa lang na nagcecelebrate si Venice ng Christmas.." tumango lang si daddy, bakit kaya... dito nila maisipang antayin ang pasko?

"Buti tito napapayag niyo yang masungit niyo-- aray naman bessy! Ba't ka ba naninipa?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. Kahit kailan talaga ang babaeng to ang tapang tapang. Kay Steohan lang yata to tumiklop ng minsan, kaso sinampal niya din kaya wala din.

Tumahimik na lang siya atsaka nagkibit balikat. Ramdam ko naman ang tagusang tingin ni Auntie.

"Well, Stephan, so base sa pagkakakwento ng malditang yan, you're her boyfriend.." tumango naman si Stephan sa tanong ni Auntie, napansin kong nagkasalubong yung kilay ni Maxine kaya agad ko siyang hinawakan sa kamay para pakalmahin.

"So, anong nakita mo sa kanya at nagustuhan mo siya?"

Ano nanaman bang gustong mangyari ni Auntie?

"Auntie---"

"Venice, hindi ka ba tinuturuan sa Akademya ninyo na bawal makisali sa usapan ng iba?"

"Violet. Don't talk to my daughter like that."

Napatikom naman ang bibig niya nung magsalita si daddy. Hindi ko alam pero unti unti akong napangiti doon.

"Sorry, so... back to what am I saying, what did you see to your girlfriend? Aware ka naman siguro sa kasamaan ng ugali niya hindi ba?"

"Mas masama naman ang ugali mo kumpara sakin..."

"Maxine."

"Sorry tito, sumosobra na kasi yan. Kung makapagsalita akala mo kung sinong malinis."

Umirap lang si Auntie at tumutok ulit kay Stephan. May gusto ba to kay Stephan?

"Yun nga po ang nagustuhan ko sa kanya..."

"What?"

"Hoy Stephan, hindi masama ang ugali ko ha! Mas masama ugali niyan kaysa sakin!"

Napailing na lang si daddy at ganoon din si Anthony, napabuntong hininga naman ako.

"Kahit po madaming nagsasabi na masama ang ugali niya wala akong pakialam, wala naman tayong magagawa kung yun yung totoong siya, ang importante ay nagpapakatotoo siya at mahal ko siya kahit na ganyan siya. After all she's Maxine Veronica Ariessa, hindi siya si Maxine kung hindi ka niya sasagutin, hindi siya si Maxine kung hahayaan niya lang ang kaibigan niyang mapahiya sa harap ng kahit na sino."

Napanganga si Auntie. Literal. Gusto ko tuloy matawa dahil sa reaksyon niya. Ayan, ayan ang napapala mo.

"Woot woot. Boyfriend ko yan, o ano tito? Pasado na po ba sa inyo?" Natatawang sabi ni bessy kay daddy. Bwisit to, naiinggit na nga ako kasi kinakausap siya ni daddy. Ugh! Humanda ka talaga mamaya bessy!

"Don't know, mas mabuting ang daddy mo ang tanungin mo tungkol dyan." Napatikom naman ang bibig ni Maxine at ngumuso kaya bahagyang napangiti si daddy. Kung gaano kaclose si daddy kay Maxine, ganoon naman kalayo ang loob niya sa daddy niya, at ganoon naman ako kaclose kay tito. Ewan ko ba at nagkabaliktad.

"Anyway, you young men. Anong nagustuhan mo sa anak ko?"

Oh hell... napatingin sakin si Anthony atsaka ngumiti. Shit, kinakabahan tuloy ako!

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now