[3] The help of Tina

Magsimula sa umpisa
                                    

“Gaga! Ang OA mo! Ang sabi niya lang sa text ‘Hello po! Good Evening’ “

Huh? Paano naging ‘Hello po! Good Evening’ yun? Aish. Hinablot ko na lang yung cellphone ko sa kanya at nagtext.

“Ay? Kinuha kaagad yung phone. Mukhang ayaw mo siya paghintayin ng matagal sa reply mo no? Ayiiiiee!” Sabi ni Besh habang sinusundot sundot yung bewang ko. Praning talaga to.

“Che!”  Umalis na lang ako at baka masaktan ko pa si Besh. Baka magaway pa kami. Rereplyan ko na lang tong jejemon na to.

To: 09*********

Who’s this?

Sent! Syempre kahit halata na na si jejemon yun kailangan ko pa ring makasiguro para may evidence ako na ipapakita sa pulis kung sakali.

Ilang saglit lang ay nagreply na siya. Kumuha muna ako ng tissue bago ko basahin yung message.

From: 09*********

AquOh Pfue cHii BhOxSz ZhUpL@d!tO Mh@CoOLeTxz Ve!nTe UnO (^_^) Uno PhOur ShOrTxSz

Ugh. Di ko keri to. Pumunta na lang ako ulit kay Tina para ipabasa ulit sa kanya ito. Naabutan ko siyang kumakanta at sumasayaw. Ang pangit na nga niya sumayaw ang pangit niya pa kumanta.

“SHT! MANAHIMIK KA NGA CRISTINA MORAN!” Singhal ko sa kanya.

“Bakit ka ba nagrereklamo sa boses ko?! Ikaw na nga lang nakikinig ikaw pa choosy!” Ay.. Bipolar teh? Siguro na’disappoint din siya sa boses niya?

“At tigilan mo nga yang pagmumura mo! Parang di ka babae!” Grabe ang sungit. Ganun pala siya pag nadidisappoint siya sa boses niya.

Hindi na lang ako sumagot at iniabot ko na lang sa kanya yung phone ko.

“Oh nagreply na yung jejemon. Di ko maintindihan yung text niya. Patranslate naman oh.” Sabi ko sa kanya. Bigla namang nagbago ang mood niya. Parang kinikilig nanaman na ewan. Ang hirap magkabestfriend na bipolar.

Hinablot naman niya yung phone ko at binasa yung text. Habang binabasa niya ay kitang kita na nahihirapan siya sa pagbabasa.

Kumukunot ang ulo niya at butil butil na yung pawis niya sa noo. Mukha siyang nagsosolve ng math equation.

“Uhmm. Sabi niya ‘Ako po si Boss Supladito Makulets Bente Uno. Uno for Short’ Tama ako besh! Si bhoxsz chuchu yung nagtext. Yiiiee! Diyan nagsisimula yan, sa patext text hihihihi!” Bakit ba siya kinikilig pag nagtetext si jejeboy? Siguro type niya yun?

“Umamin ka nga Besh! Crush mo ba yung jejemon na yun?” Tanong ko sa kanya. Aba dapat malaman ko para iatras ko yung mga kaso na ilalaban ko sa jejemon na yun. Ayoko maging hadlang sa pagiibigan nila.

“Gaga! Wala akong balak agawin ang lovey dovey mo no! Atsaka wag mo nga siyang tawaging jejemon! Uno na lang daw. Uno for short.” Nang aasar na sabi ni Besh. Srsly. Lovey Dovey? Eww.  At Uno? Masyadong pa’cool yung name niya. Di bagay sa kanya.

“Tigilan mo nga ako! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi ako papatol sa mukhang criminal na yun?”

“wag ka magsalita ng tapos Katie! You will never know what will happen next!” May mapang asar na ngiti pa siya habang nagsasalita. Ugh.

That Jeje GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon