Dalawa

16.3K 918 430
                                    

Na alimpungatan ako sa sunod-sunod na pagkatok at pagtawag ni Teri sa pangalan ko, na pa-aray ako sa sakit ng likod at leeg ko nang akma akong tatayo. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako dito sa couch.

"Teri, gising na ako, salamat." Sigaw ko nang marahan tsaka siya tumigil sa pagkatok. Tinignan ko ang oras, maaga pa para makapag ayos ako nang husto at hindi ma-late sa interview ko.

Agad tinungo nang mata ko ang kama kung saan naalala ko na may babae akong niligtas kagabi, natagpuan ko siyang mahimbing pa rin na natutulog.

Grabe siguro ang sinapit niya para mahimbing nang ganito kalalim at katagal. Lumapit ako sakaniya nang dahan-dahan upang tignan siya nang malapitan, saglit akong natigilan. Tila lalo ata siyang gumanda?

"Stop it, Selene." Bulong ko sa sarili ko sabay iling dahil mukha ata akong manyak sa mga iniisip ko ngayon.

Naglakad ako papuntang CR para makapag-ayos na ako at baka mahuli pa ako, nakakahiya naman sa magiging first impression ko sa director ng hospital kung saan ako papasok as resident doctor ng surgery department.

Malaking break para sa akin ito dahil outstanding hospital yung tumanggap sa akin at isa pa, gusto kong maging proud si Don Miguel sa akin, kahit alam ko naman na kahit anong achievement ang makuha ko ay wala lang sakaniya dahil sa sexual preference ko.

Highschool pa lang ako nung nalaman kong kung ano na ang gusto ko talaga at halos palayasin ako sa mansion dahil nalaman nilang may girlfriend ako, ganoon naman talaga ang buhay, hindi lahat tatanggapin ka, hindi tulad ni Papang at Mama ay tanggap ako.

Pinupunasan ko ang buhok ko nang mapaigtad ako sa gulat nang tumunog ang phone ko nang malakas, pagtingin ko, napakarami ng missed call ni Sam. Oh, shit! Nakalimutan ko siyang i-text kagabi!

"H-Hello---" bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya.

"Hoy! Selene Eclipse Quinn! Hindi ba sinabi ko sayong magmessage sa akin kung nakauwi ka na?! Mamamatay na kaming lahat dito sa pag-aalala sayo! Titirisin na kita!" nilayo ko agad ang cellphone ko sa tenga ko dahil pakiramdam ko mababasag ang eardrum ko sa lakas ng boses niya.

"Sam, please lang wag mo ko tawagin sa buong pangalan ko, and calm down! Sa sobrang pagod ko kasi hindi na ako nakatext pa."

"Sabi ni Teri may babae ka daw na inuwi? Ha? Sino yan?" nasamid ako sa tanong niya, bakit para siyang inis?

"Sam, napaka habang kwento. Now, I really need to go to work. Do you have a shooting today?" Tanong ko habang sinusuot ko yung slacks ko.

Huminga muna siya nang malalim bago sumagot, "No, pabalik narin kami sa Manila dahil alalang-alala kami sayo, akala ko--namin na paano ka na and yes, you really need to explain to me everything!" ang clingy talaga niya ever.

"Alright, I will. Pero not now okay, dear? I really need to go." Nagloudspeaker na lang ako ng tawag namin dahil nagsusuot na ako ng white long sleeves ko habang tina tuck-in ito sa slacks ko.

"Okay, okay. I'll drop by your place later. See you, bye!"

"Bye, Sam!" sigaw ko sabay patay ng tawag.

Inayos ko na ang gamit ko pero bago ako lumabas ng kwarto ay tinatawag ko si Teri at siya namang karipas niya paakyat may bitbit pang walis kaya bahagya akong natawa.

"B-Bakit Ma'am Selene?" umiling lang ako.

"Wala, ibibilin ko lang siya saiyo," sabay bukas ng pinto para matanaw niya ang babaeng mahimbing na natutulog.

"Kapag nagising siya ay tawagan mo ako agad, pakainin mo din siya at wag mo siyang iiwan nang mag-isa dito sa kwarto." Sumaludo siya agad.

"Yes, Ma'am!"

MayariWhere stories live. Discover now