~Because of wine~

Start from the beginning
                                    

 

 

"Harvey ano gagawin ko? Lagot ako!" Naiiyak na talaga ako nagulat ako ng bigla syang tumayo

 "Ok! Sige tara na! Uuwi na tayo. Tuyo naman na siguro yung mga damit natin." tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

 Kinuha nya na sa labas ang mga damit namin

"Ito na yung damit mo isuot mo na agad bilisan mo para kasing uulan ee! Malayo pa byahe natin ."at agad naman akong nagpunta sa banyo para magbihis.

 Nang matapos kaming magbihis umalis na kami agad

Kanina pa nga kami paikot-ikot dito ee! Sa malaking lugar na to. Ang daming puno at masyadong madamo.

 "Harvey natatandaan mo ba kung saan mo pinark yung kotse mo??"

 

 "Oo nandito lang yun! Sigurado ako"

 

 "ayun! o nakita ko na !!"

 Nang malapit na kami sa kotse naramdaman kong may pumatak na tubig sa katawan ko

"Aliyah bilisan mo at baka abutan pa tayo ng ulan dito." pumasok na agad ako sa loob ng kotse.

 "Harvey mukha atang lalakas pa ang ulan! Wag na lang kaya tayo tumuloy delikado!" Sabi ko sa kanya pero patuloy pa rin sya sa pag mamaneho.

 "Hindi naman siguro kung hindi tayo tutuloy baka lalo ka lang  mapagalitan malapit na ring gumabi!"

 

 Kunsabagay tama sya bahala na nga kaya tumahimik na lang ako..

 Nakakaramdam na rin ako ng lamig dahil sa lakas ng ulan hinihipan ko na nga yung mga kamay ko para uminit.

"Isuot muna tong jacket! Baka magkasakit ka lang" sinuot ko na agad yung jacket ang lamig kaya.

 "Eh! Ikaw paano ka ?"

 

"Meron pa akong isa dyan di pa naman ako nilalamig." sabi nya

Habang nasa biyahe kami tahimik lang kami hanggang sa napatigil sa pagda drive si harvey

 "Bakit may problema ba ?" tanong ko

 "Shit! Hindi tayo makakadaan  nito  may banggaan ata! Maghahanap na lang ako ng ibang pwedeng daanan don’t worry makakauwi din tayo."

 

Hinawakan ko sya sa kamay

 

 

 

"Harvey wag na! baka mapahamak lang tayo bumalik na lang tayo sa tree house" sabi ko sa kanya pero hindi sya nagsasalita tumingin ako sa kamay nya na hawak ko pa rin kaya inalis ko agad nakakahiya naman.

 "S-sorry ! h-hindi ko sinasadya" sabi ko na lang sa kanya pero nakita ko syang namula

 "O-ok lang! Pero sigurado ka ba?"

 

 "Oo naman no! Kaysa mapahamak pa tayo may valid reason naman ako kung bakit di ako nakauwi" ngumiti na lang ako kaya iniikot nya na yung kotse pabalik.

 Hayy! Andito na ulit kami sa tree house siguro nagsumbong na si kuya kina mommy.

"Gusto mo bang kumain?"  Umiling ako hindi pa naman ako nagugutom

 Nakita ko sya nagsasalin ng wine sa baso may wine pala dito!

 "Pahingi naman ako nyan!" Sabi ko sa kanya "Para kasing gusto ko magpa-init."

 "Bahala! Ka kumuha ka na dyan pero dahan- dahan ka lang nakakalasing rin yan kapag naparami ka."

 

 "Ok!" kumuha ako nung baso at nagsalin din. Dapat konti lang muna.

Ngayon lang ako makakatikim nito. Ayaw na ayaw kasi ng Mommy at Daddy ko na umiinom ako without their permission. Hay! nako

"Ang sarap naman pala nitong wine! " Sabi ko at tinugga ko ang baso ko ng diretso

" Sinasabi ko sayo nakakalasing yan! Baka sabihin mo pa sinadya kitang lasingin ha!"

 

"Sus! Hindi kaya." ngumiti lang ako ng super tamis.

Light my fireWhere stories live. Discover now