Chapter 03:The Beginning

Start from the beginning
                                    

"Tickets to Canada"-Red, at nagtaas ng baba ng kilay. Sa totoo lang marami na akong collection of car . Pero sayang naman yung galing pa sa Hongkong ,dagdag sa collection din yun.

"Paano kung hindi successful? "-baka may possibilities na hindi ako magtagumpay.

Hinintay ko silang magsalita. Pero nakatingin lang sila sa akin.

"what? "

"Malalaman mo rin kung hindi ka nga successful  , bakit wala ka bang tiwala sa sarili mo dude"-pangangasar ni Red, binatukan ko naman sya "Ang dali naman ng challenge nyo. Watch and learn. Magiging kaibigan ko agad yun"-cool na sabi ko

"So ano , deal? "-sabay na sabi nila.

Ngumisi ako sa kanila "Deal"

MAHGIE POV

Katatapos lang ng klase kaya agad ko ng niligpit yung gamit ko. Sinukbit yung backpack sa kaliwang balikat ko at nagsimulang maglakad palabas ng room. Kailangan kong dumaan sa karinderia para magpasalamat kay Nanay Rosa. Pagkatapos ay diretsyo na akong Goblin para mag over time sa trabaho.

Hanggang sa uwian marami parin ang nakatingin sa akin at sinusundan ang bawat galaw ko. Bakit ba sila tingin ng tingin? Tss. Hindi ko na lang pinansin. Nagtungo na akong parking lot para kunin dun yung bike na gamit ko. Bigay to ni Kuya Acer kahapon peace offering nya daw sa pagkuha ng isang box na cup cake ko. Astig pala ni Kuya minsan nga bibili ako ng limang box baka sakaling kotse naman ibigay nya. Pero okay narin tong bike. Para hindi na kailangan ng gas o kahit ano pa.

Speaking of Kuya Acer? Saan kaya nagsusuot yun at hindi ko nakita sa university. Itatanong ko sana sa kanya kung saan magandang tumambay dito. Kung sa garden kase baka pumunta na naman yung kaibigan nung King Jaxell na yun. Di bale bukas itatanong ko kapag nakita ko sya.

"Mahgie anak. Maupo ka nagugutom ka ba? Gusto mong ipaghanda kita? "

"Hindi na po Nanay Rosa. May kailangan pa po akong puntahan. Hindi rin po ako magtatagal. "

"Ay ganun ba, Maupo ka muna dyan saglit at kukuha ako ng meryenda mo"

Bago ko pa mapigilan si Nanay Rosa ay naka alis na sya. Sa twing pupunta ako dito. Hindi ako nakakaalis ng hindi busog lagi ba naman akong hinahandaan ng pagkain ni Nanay Rosa. Sabi nya ay huwag na huwag tatanggi sa grasya sa halip tanggapin mo ito. Kahit kailan talaga si Nanay Rosa. Kaya minsan ko lang makita dito yung mga kuya's ko eh. Lagi kase silang pinapakaen ni Nanay Rosa ng marami.

"oh eto bauinin mo sa pupuntahan mo anak"

"Nanay Rosa, s-salamat nga pala sa pag pili ng eskwelahan na papasukan ko. Sa totoo po nyan Nahihirapan po akong pumili eh. S-salamat po talaga"

"Walang anuman anak. Dun ang pinili ko para mabantayan ka ng mga kuya mo"

"Pero bakit po kailangan pa akong ban----"

"Para maprotektahan ka nila. Hindi mo pa kabisado ang mga estudyante doon anak. Oh sya diba'y may pupuntahan ka pa? "-tumango ako

"Sige po, Nanay Rosa. Salamat po ulit"

Ngumite ito at sinabing mag ingat ako. Paglabaa ko ng Karinderia ay sumakay akong muli sa bike at nagsimulang mag pidal papunta sa Goblin.

6:00 pm na ng makarating ako. At halos paliparin ko ng iyong bisekleta para huwag akong mahuli. Pinarada ko ito sa gilid at pagkaraan ay pumasok na ako sa loob.

"Hi Mahgie. Overtime? "-bungad ni Cassy at nag reretouch na naman ito.

"Oo"-tipid na sagot ko

Sinuot ko na yung sumbrero Pagkatapos kong magpalit ng damit.

"Waiter"

Lumapit naman ako agad dun at nilista yung order nila.

Binigay ko kay Cassy yung listahan at sya na ang naghanda nito Pagkatapos ay ako ang mag seserve.

"Table 02"

"Table 09"

"Table 18"

Hanggang sa nagsunod sunod na yung mga costumer. At hindi ko namalayang mag aalas diyes na, kalahating oras na lang at matatapos na .

"Mahgie magpahinga ka muna saglit kahit 5 mins lang kanina kapa trabaho ng trabaho eh"-Ronald na akmang kukunin yung iseserve ko pero agad ko itong iniwas.

"No, don't mind me"

At tumalikod na ako. Malapit naman ng matapos bakit magpapahinga pa ako? Sa apartment ko na ibubuhos lahat na pagod ko.

"Ohhh you're here again, Miss? "

Nang mailapag ko yung pagkain ay napatingin ako sa nagsalita.

Tropa ni Jaxell. Yung pula ang buhok. At kasama nya yung isa pang lalake na hindi ko kilala.

"Enjoy the food"-aalis na sana ako... Pero

"Wait"


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pls..Vote & Comment..

Thank you...

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now