Chapter 13: Bonding with my Kuya Hence

2.5K 140 2
                                    

MAHGIE POV

"Sandali! Baby Gie hintayin mo ako. Huwag kana magtampo. Dapat nga ako magtampo dahil -----"

Agad akong Napahinto sa pag alis , lumingon ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin bago nya pa matapos ang sasabihin nya. Tahimik naman na itong naglakad sa direksyon ko.

Umalis na ako dun dahil lahat ng atensyon ng mga studyante nasa amin. Kung makatingin pa yung mga babae sa akin parang laser sa sobrang sama. Tss. Bakit kase sumulpot tong si Kuya Acer.

"Ano ba kaseng  ginagawa mo
dito Kuya? "

"Nagpunta akong room mo para makita ka. Eh wala ka naman dun kaya nagtanong ako sa kaklase mo at sinabing nandito ka sa cafeteria kaya pinuntahan kita"-Napakamot pa ito ng batok habang nagsasalita "Hindi mo sinabi sa akin na Nakauwi na pala si Kuya Hence"-nagtatampong sabi nito. Yun pala ang dahilan kung bakit sinabi nyang sya dapat ang magtampo. Tss. Akala ko kung ano...

"Hindi mo alam? Hindi ba sya dumaan kay Nanay Rosa"-sabi ko at nagsimulang maglakad sumabay naman ito. Hindi ko na lang pinansin yung mga matang nakatingin sa amin. Tss

"Hindi ko pa malalaman na nandito sya kung Hindi ko sya nakita kanina sa dean office na lumabas eh. Akala ko nga namamalikmata lang ako pero bigla syang lumapit kanina at tinapik ako sa balikat at kinakamusta si Mama. Pupunta daw sya sa bahay any time. Busy si Kuya eh"

Ano naman kayang ginawa ni Kuya Hence sa dean office?

"At sinabi nga pala sa akin ni Kuya Hence bago sya umalis. Susundin ka nya mamayang uwian. Kaya huwag mong balaking tumakas kundi susumbong kita sa kanya"

Lagi ko kaseng tinatakasan si Kuya Acer kapag sinabi nyang susunduin nya ako. Pero kay Kuya Hence hindi ko magagawa yun. Diba nga sya ang pinakaclose kong Kuya...

Napangite ako sa isip ko dahil makakasama ko si Kuya Hence. Naalala ko naman na sabado na bukas at sa susunod na araw ay linggo na.

"Oo... Mauna na ako at malapit n yung room ko "-sabi ko

Simimangot ito "Sige... Ingat ka...ayaw mo lang ako kasama eh"- bumulong ito pero narinig ko naman.

Hindi naman sa ayaw ko makasama si Kuya Acer. Pero kasi ang daldal nya at ang kulit. Minsan nga parang ako ang mas nakakatanda sa kanya dahil minsan isip bata din sya. Parehas sila ni Perry...

Si Perry nga pala kanina. Napansin ko yung reaksyon nya ng makita si Kuya Acer. Naiiba kase yung reaksyon nya sa mga reaksyon ng babae kanina. Napansin ko yung lungkot sa mata nya. Hindi ko alam kung bakit... At umalis din sya na parang wala sa sarili.

Ano kayang nangyari sa kanya? Tss.

Pagpasok ko sa loob ng room ay napatingin sa akin ang lahat at yan na naman ang mga tingin ng mga kaklase kong babae na parang laser. Hindi ko ito pinansin at naupo na.

Mabilis na lumipas ang oras at tapos na ang klase. Nagmadali namang umalis si Perry na ikinataka ko pero ipinagsawalang bahagi ko na lang.

Luminga linga ako dito sa parking lot para hanapin si Kuya Hence at nakita ko naman syang nakasandal sa kotse nya at kumaway sa akin. Tumakbo ako papunta sa kanya dahil medyo malayo kung nasaan sya.

Nang makalapit ay agad akong yumakap saglit. Tumawa naman ito at ginulo ang buhok ko. Napasimangot ako pero agad din akong napangite ng...

"Saan gustong pumunta ng Baby Gie ko? "-nakangiteng tanong nito.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now