Chapter 23: Nightmare (Part 2)

2K 112 0
                                    

JAXELL POV

-----

"Dad , saan po tayo pupunta?"-tanong ng batang lalake na nasa pitong taong gulang sa kanyang ama.

"Dad"-tawag nito. Ngunit hindi sya pinansin ng ama. Patuloy ito sa paglalakad at nakasunod naman sya. Sinenyasan sya nito na sumakay na sinunod nya naman.

"Dad, saan po ba tayo pupunta?"-pangungulit nito sa ama.

"Tumahimik ka na lang dyan. Huwag ka ng maraming tanong. Malalaman mo mamaya"-kalmadong sabi ng kanyang ama kaya nanahimik na ito.

Nagtaka ang batang lalake ng huminto sila sa abandonadong lugar. Bumaba ang kanyang ama sumunod sya rito hanggang sa makapasok sila sa loob. Sinalubong naman sila ng dalawa nitong tauhan.

"Boss nakuha na namin ang bata"-sabi nito na nakapag pangisi sa kanya. Lumapit sila sa kinaroroonan ng bata.

"Sigurado ba kayong anak nya to. "-tanong nito.

"Yes boss! May nunal itong maliliit na tatlo sa gilid ng mata nya"-sabi ng alagad nito na si Black Reaper...

Sinuri nya ang nunal nito. Napakunot noo ito ng may mapansin. Tinignan nya ng masama ang tauhan nya.

"Kumuha ka ng tubig at bulak"-galit na sabi nito na syang kinataka ng tauhan nya. Pero sumunod din.

Kanina pa nagtatakang nakatingin sa mga ito ang batang lalake . Nililibot nito ang paningin nya sa kabuuan ng lugar. Napahinto ang paningin nito sa medyo malayong sulok. Nagtataka ito dahil parang may gumagalaw. Balak nya sanang lumapit dito ngunit tinawag sya ng kanyang ama kaya hindi nya natuloy.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now