Chapter 08: Her Past about Friend

2.7K 128 0
                                    

MAHGIE POV

Tatlong araw na ang nakakalipas ng tanungin nila ako tungkol sa pakikipagkaibigan. Para sa inyo siguro OA ako mag react pero hindi. Ayaw ko talagang magkaroon ng kaibigan. Hindi ako madaling magtiwala sa isang tao.

Walang nakakatagal sa aking kaibigan. Nagsimula ito noong grades school pa lang ako. Maraming gustong makipag kaibigan sa akin noon . Dahil bata pa ako. Tuwang tuwa ako at lagi akong sumasama sa kanila. Ngunit napansin ko isang araw na may nawawala sa gamit ko. Yung bigay sa akin ni Kuya Acer na Cute na Relo. Umiyak ako non baka sakaling ibalik dahil naawa sa akin. Ngunit walang bumalik. Pinapatahan naman ako ng mga kaklase ko.

Sumunod na araw, Nawawala na naman yung Pera ko. Isang daan yun at allowance ko ng isang linggo. Again, umiyak ako ng umiyak. Pero walang bumalik. Hindi sana mawawala yun kung lagi kong dinadala yung bag ko. Pero sinabi kase ng mga kaibigan ko na hassle daw ang pagdala ng bag kaya lagi ko ng iniiwan sa room.

Next day again. Nagulat ako nung pagpasok ko sa classroom pinagbibintangan ako ng kaklase ko na kinuha ko yung mamahalin na pencil case nito. Sinabi ko naman na wala akong kinukuha. Pero biglang kinuha ni Rinne sa balikat ko yung bag ko at hinalukay ang laman non. Pinigilan ko sya dahil wala naman talaga. Pero nagulat ako ng makitang nandun nga sa loob ng bag ko yung pencil case ni Rinna. Alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga kinuha yun. Tinuring ko silang kaibigan pero nagtataka ako nun kung bakit nila nagagawa sa akin yun.

Hindi pa dun nagtatapos, Grade 5 ako nun at lagi na akong ilag sa mga kaklase ko at tanging si Gem ang nag iisang kaibigan ko nun. Sabay kami mag snack, mag lunch at umuwi. Napag isip isip ko nun na hindi na ako makikipagkaibigan kahit kanino.
Ngunit nagbago ang tingin ko sa kanya ng...

Nagulat kaming lahat nun ng pagpasok ni ma'am ay umiyak sya at galit na galit ang itsura . Lalapit sana kami  pero agad syang sumigaw..

"MAY GUMALAW BA DITO SA TABLE KO"-sigaw nya at tinignan kami isa isa.

Kinakabahan ako at Hindi ko alam kung bakit...

"UMAMIN NA KAYO, SINONG NANGUHA NG KWINTAS KO DITO SA CABINET KO"-galit paring sigaw nya. Takot na takot na kami non. Dumating na rin ang ibang teacher at pinapatahan si ma'am.

"Ma'am s-si Mahgie p-po n-naki-kita ko p-po syang lu-lumapit sa table nyo k-kanina bago po ako umalis"-napatingin ako sa nagsalita at ganun na lang ang gulat ko ng...

Si Gem ito...

Napansin ko ring ngumiti ito na parang demonyo. Natulala ako at Hindi makapaniwala na pati sya. Walang pinagkaiba sa iba laging ako na lang ang tinuturo.

"Totoo ba yun Mahgie? Ha? "-tumingin sa akin si ma'am medyo kumalma na ito ngunit may bahid parin ng galit ang tono ng boses nya.

Umiling ako ng umiling "Ma'am hindi po ako ang kumuha. Hindi ko po kayang gawin yun"-nakatingin ako ng deretsyo sa mata ni ma'am habang sinasabi yun.

"Hindi ma'am nakita ko po sya. Baka po nakatago sa bag nya. "-sinamaan ko ng tingin si Gem pero ayun na naman ang ngiti nitong demonyo. Lumapit ito sa kinalalagyan ng bag ko at kinalat sa sahig lahat ng gamit ko.

Mas lalo akong nagulat at natulala ng makita ko ang kumikinang na kwintas ni ma'am na nahulog galing sa bag ko at sa pagkakaalam ko nagkakahalaga ito mahigit daang libo.

Naguidance ako nun at pagdating sa bahay ay imbis na pagalitan ako niyakap ako ni Nanay Rosa at pinatahan sinasabi nya sa akin na hindi ko kayang gawin lahat ng pinagbibintang nila. Nagpasalamat ako kay Nanay Rosa at niyakap ko sya ng mahigpit habang iyak ako ng iyak.

Bata pa lang ako nun pero wala akong nakilalang totoo kong mga magulang kundi si Nanay Rosa at ang tatlo kong kuya na anak nya na tinuring akong kapatid.

Simula ng mangyari ang lahat ng yan nung grade school ako. At pagtungtong ng Grade 6 . Wala na talaga akong pinapansin na kahit na sino. Naging malamig ang pikikitungo ko sa kanilang lahat.

Ngunit dumating ang araw ng graduation namin at duon nalinis ang pangalan ko.

Pagkatapos kaseng mapanood sa projector ang pictorial namin biglang may lumabas na video.

Nag umpisa ang video nung mawalan ako ng Relo at nagulat ako ng si Rinne ang kumuha nito.
Nalipat ulit ng scene. Ito naman yung nawala yung isang daan ko at Nakita kong nag uusap usap si Rinne, Rinna at Gem. Kinuha at binuksan nila yung bag ko at pinaghatian nila yung isang daan. Luminga pa sila at nagpatay malisya ng may dumating.

Sunod naman ay yung pencil case na nilagay ni Rinne sa bag ko. At tumawa silang tatlo

Nakaramdam ako ng matinding galit sa mga ito. Nakipagkaibigan lang para siraan ako.

At ang last na scene ay si Rinne at Gem ang nag uusap. Tumayo si Gem at lumapit sa table ni ma'am binuksan nya ang cabinet at maingat na nagkalkal dun. Ngumiti ulit ito ng mala demonyo. Ng makuha nya yung Silver Necklace ni ma'am.

"What do you think Rinne? "-nakakalokong tumingin ito kay Rinne.

"That's a very great idea. Dali ilagay mo na sa bag nya habang wala pa si Ma'am "

Nilagay nga nila sa bag ko ang kwintas...

Hindi pa natatapos yung video ng biglang tumayo si ma'am at naglakad palapit sa tatlo na ngayon ay umiyak na. Pinagalitan sila ni ma'am pati na rin yung mga magulang nila na napanood ang ginagawa nila. Nakayuko silang tatlo habang patuloy na umiiyak.

Dahil dun ay humingi sila ng tawad sa akin lumuhod pa sila sa harap ko. Tinignan ko sila ng malamig at tinalikuran . Hindi ko sila kayang patawarin ng ganon ganon lang.

***

Napahinto ako sa pag pidal ng mapansing nalagpasan ko na yung apartment ko.

Tss!

Sa kakaisip ko hindi ko namalayang pauwi pala ako at nalagpasan ko nga yung apartment ko. Umikot ako at nag pidal pabalik . Malayo layo rin ang nalagpas ko ah.

Tss!

Humiga ako sa kama. Katatapos ko lang kumain at mag shower .

Napaisip akong muli. Kung sino nga ba yung nag video yung mga pangyayari na yun. Wala kaseng CCTV sa school dahil hindi pa uso ang ganon. Pero ngayon pati poste may nakakabit na CCTV

Tss!

Kung sino man yun nagpapasalamat ako sa kanya. Dahil baka hanggang ngayon ay mabigat parin ang loob ko dahil gragraduate ako nun ng may ganung kasalanan na dinadala na hindi ko naman talaga ginawa.

*Ding-Dong*

8:28 pm na.. Sino naman kaya yun?

Hinintay ko ulit mag doorbell kung sino man yun pero hindi na nasundan pa.

Isa lang ang kilala kong isang beses mag doorbell. Napatayo ako bigla. At nagtatakbo sa pinto para buksan yun.

"KUYA HENCEEEE"

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now