Chapter 10: JERK

2.6K 126 3
                                    

THIRD PERSON POV

"May improvement na ba? Close na kayo? "-tanong ni Ark sa pinsan na si Jaxell. Nakatambay silang apat sa rooftop at nag uusap usap.

"Wala pa"-bored sa sagot nito.

"Masyado syang mailap sa tao. Si Perry nga napapansin ko kapag kinakausap nya si Mahgie para syang tanga dahil hindi sya pinapansin ni Mahgie"-Red, nakatanaw ito sa mga studyanteng dumadaan sa baba.

"Sinabi mo pa. Tsk"-Jaxell

Pinag uusapan nila ang pakikipagkaibigan kay Mahgie. Ngunit dahil nga ilag sa tao si Mahgie nahihirapan ang mga ito kung paano ito pakikisamahan.

Nagtataka na nga minsan ang mga estudyante dahil ang X-5 laging sumusunod sa transfer student na si Mahgie. Si Perry rin ay nagtataka sa kinikilos ng mga ito. Kilala nya ang mga ito at hindi sila basta basta nakikipagusap kung kani kanino. Pero si Mahgie...

"Let's go. Mag iistart na ang klase"-Sike, tahimik itong nag babasa ng libro ngunit malapit ng mag simula ang klase kaya kailangan na nilang pumasok.

Tumayo naman ang mga ito at sabay sabay na naglakad patungong room.

Habang naglalakad  sila sa hallway hindi maiiwasan na mapatingin at magsigawan ang mga babae sa paligid nila. At ito ang ayaw na ayaw ni Jaxell ang Maingay. Kaya bawat sisigaw ay sinasamaan nya ng tingin tatahimik ang mga ito ngunit dahil kay Red na bawat makita nyang maganda ay kinikindatan nya kaya muling iingay ang mga ito. Napailing si Jaxell at binilisan ang paglalakad.

Pagdating ni Jaxell at Sike sa Room ay agad na tumahimik ang mga student dahil dumating na ang mga ito. Kung kanina ay ang lalakas ng mga boses nila ngayon ay bulungan na lang kung sila ay mag usap, kung kanina ay kung saan saan sila nakapwesto ngayon ay nagsiayos at nagpuntahan sila sa sari sarili nilang upuan . Napangisi naman si Jaxell dahil sa asta ng mga ito. Bago ito umupo ay sumulyap ito kay Mahgie na nasa bintana ang tingin.

At sa Hindi Malamang dahilan ay na dissapointed ito. Dahil inaasahan nyang sa kanya ito nakatingin ngunit hindi.

Ano bang tinitignan nya dun? Tsk-sa isip nito

Napailing iling ito...

Ano bang pakealam ko?

Bumaling ito sa harap ngunit maya maya lang ay nakatingin na ito kay Mahgie na ngayon ay nakatingin na sa harap.

Bigla ulit itong napatingin sa harap dahil dumating na ang teacher nila sa English. Si Mr. Steve Torre. Kilala din itong terror teacher at maraming student ang takot sa kanya dahil kapag tinanong ka nito at hindi ka nakasagot ng tama. 1 hour squat ang parusa. Kapag hindi mo nakalahati ang quiz . You have a remedial class. At marami pa. Ganun sya kahigpit.

Lumapit ito sa teacher table at nilapag ang chalk at libro na dala nya. Tumayo ito sa harap. Tinignan nya sa mata ang mga estudyante na agad namang umiiwas ng tingin. May yumuyuko, kunwaring nag susulat, at titingin sa ibang direksiyon.

Nang mapahinto ang tingin nya kay Mahgie na bored itong nakatingin sa kanya. Walang mababakas na takot sa mata nito.

"You! Stand up "-nagulat ang mga student sa boses nito. Talagang Nakakagulat ang boses nito. Malakas at nakakatakot ang tono ng pananalita nito.

Dahil nakatingin ito kay Mahgie ay nakahinga ng maluwag ang mga ito at nagdarasal na wag silang matawag. Bored naman na tumayo si Mahgie.

"What's your name? "

"Mahgie "

"FULL NAME"-sigaw nito, agad na natakot muli ang mga estudyante, ngunit hindi manlang natinag si Mahgie sa pag sigaw nito.

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now