CHAPTER XVI: Insist

63 15 6
                                    

MIGUEL

"Bakit parang ang sama ng pakiramdam ko?"

Hindi ko mawari kung saan ba nanggaling to. Pagbangon galing sa kama, nagbihis ng damit upang mas maging kaaya-aya. Tumingin sa salamin at napagtanto kung anong nangyayari sa aking mga mata. Pulang-pula na para bang namamaga ata.

Lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina, nagluto ng almusal para kakain na. Hindi mahagilap sina papa at maging si tita Cora, maaga nga palang umalis para sa kanilang business trip sa Cebu at babalik rin sa Linggo.

"Tamang-tama wala sila Papa." ani ko sa sarili ko na para bang nae-excite sa araw na ito.

"Tawagan ko nga si Carlos." sabi ko sabay patay ng range kung saan ako nagluluto. Kinuha ang telepono at sinimulang tawagan si Carlos.

"Hello pre, busy ka ba mamaya?" pagtatanong ko kay Carlos sabay kuha ng plato at baso.

"Uy pre, di naman, wala naman kaming gig mamaya. Bakit ba?" sagot ni Carlos at nagtanong kung bakit.

"Wala kasi sila Papa rito may business trip sila sa Cebu..." pagpapaliwanag ko sa kanya sabay lapag ng kanin sa mesa.

"Tapos?" pagtatanong niyang muli.

"...House party? Haha. Don't worry nagpaalam naman ako, promise hindi kayo madadale." pagpapatuloy ko.

"Sure ka ba diyan? Baka magagalit na naman si tito sa akin niyan?" pag-aalala niya.

"Hindi nga and kilala naman kayo ni Papa, isabay mo rin sina Daniel at Hannah, actually di naman talaga house party. Dito lang tayo kumbaga hahaha." pagpapaliwanag kong muli kay Carlos.

"O~kay? Sige, pupunta kami diyan, around six." ani naman ni Carlos.

"Sige pre, salamat." sagot ko sabay pagbaba sa telepono at nagpatuloy sa pagkain ng almusal.

Inilagay ang plato at baso sa kusina sabay hugas ng kamay at ipinunas sa basahan. Dali-daling umakyat papuntang kwarto. Hindi talaga mawala sa isipan ko ang pagsakit ng katawan ko na para bang ang bigat-bigat ng nararamdaman ko.

Pinaandar ang electric fan at tumingin muli sa salamin. Tila bang may kulang sa aking sarili, kitang-kita pa rin ang pamumula ng aking mga mata.

"Umiyak ba ako kagabi? Ba't ang pula?"

Ipinikit ang mga mata at tila bang walang nagbago. Nagsimulang mag-ayos ng aking hinigaan at napaupo nalang bigla. Hinahanap ang tuwalya upang maligo nalang.

Hinubad ang damit at ibinalot ang tuwalya sa may bewang papuntang CR. Pinaandar ang shower habang nag-iisip pa rin kung bakit ang bigat pa rin ng aking nararamdaman.

Hindi ko maggawang maging tulala sa tuwing may maaalala akong di maganda. Hinugasan ang mga mata sapagkat ito'y namumula pa rin.

Basang-basa ang buhok sa pagpasok sa aking kwarto, tiningnan muli ang mukha sa salamin kung kaya't nagbabakasakaling wala na ang pula sa mga mata.

Tila bang na aninag ang aking damdamin nang nagsimulang gumaan ang aking nararamdaman, nawala na rin ang pamumula sa aking mga mata at pinunasan ang mukha ng malinis tuwalya.

Habang nagbibihis at nag-aayos, biglang tumunog ang aking telepono at para bang ayaw tumigil sa pagtunog. Kinuha ang telepono at sinagot, it was Garrie.

"Uy Garrie napatawag ka? May problema ba?" pagtatanong ko kay Garrie.

"Ay kuya, wala man kanang namiss ra dyud ka ni mama (Ay kuya, wala naman, namimiss ka raw kasi ni mama.)" pagpapaliwanag ni Garrie na para bang tuwang tuwa sa pagtawag sa akin.

A Sinner DestinyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu