"Para saan ang mga 'yan?" Tumingin lang ako sa gawi kung nasaan si Fabio at Alyana ay magkasama. Hindi naman na sumagot pa ang kuya at nag lakad papunta dito at pinigilan ko siya.

"Kuya wag na maaabala lang natin si sila."

"Sila?" Lalo pang nagsalubong ang kanyang kilay. Tumikhim at iniwas ang sarili sa pagkakahawak ko. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman sa patuloy na pag iwas sa akin nito.

"Kuya..."

"Sinabi ko na sayo Alena, wag mo akong hahawakan." Striktong pagkakasabi nito at inayos ang damit. Paalis na ito at sumunod naman ako.

"What?" Iritableng ani niya.

"Bakit ka ba umiiwas kuya? Nasasaktan ako." Nasasaktan akong isipin na hindi na maibabalik pa ang dati naming samahan bilang magkapatid.

Hindi ito kumibo at nanatiling tahimik. Inilapag ko ang mga dala dala at hinawakan ang magkabilang mukha nito.

"Kuya, bumalik na tayo sa dati. Please?" Pagsusumamo ko. Tinitigan lang niya ako sa mga mata.

"Alena!" Dinig kong sigaw sa pangalan ko. Napalingon kami parehas ni kuya at si Fabio ang bumungad sa aming dalawa. Salubong ang kilay nito at masama ang tingin sa kuya. Napansin ko naman si Alyana sa bandang likuran nito at muling pumasok sa isip ko ang nangyare kanina.

Inilayo ko na ang tingin sa kanilang dalawa para umiwas. Masasaktan lang ako kung ipagsisisikan pa ang hindi na dapat. Tama nga ang hinala ko na nakikita lang niya sa akin si Alyana dahil sa malaki ang pagkakahawig ko dito. Minsan ko ng narinig ang kanilang usapan, may relasiyon sila noon pa man at ayoko ng makigulo pa.

Hindi na ako nag salita pa at tuluyan na silang tinalikuran. Nakaramdam ng sakit at inis sa sarili. Kung bakit ba naman kasi binabayaan ang sariling mahulog sa maling tao.

Lumabas ng silid ang mama kaya't napahinto ako. Bakas ang pagkabigla at tuwa dito nang kanyang makita si Fabio. Naluluha itong tumakbo at sinalubong ng yakap.

"Saan ka ba nanggaling anak? Alam mo bang halos mabaliw ako kakaisip kung ano ba ang nangyayare sayo?" Ani ng mama. Nanatiling tahimik si Fabio. Walang kaalam alam ang mama sa mga nangyayare.

Napakunot noo kaming lahat nang biglang mag salita ang mama at nag iba ang pag uugali nito. Hinahaplos niya ang mukha ni Fabio at may binabanggit na pangalan.

"Arman."

Patuloy niyang binabanggit ang pangalan ng ama ni Fabio.

"Mama?" Maging ang Kuya Matias ay naguguluhan sa pag iiba ng ugali ng mama. Naoberbahan namin ang lahat, madalas ay tulala ito tila nasiraan na ng katinuan.

Lumapit ako sa mama at hinawakan ito sa mga balikat niya. Malungkot ko siyang pinagmasdan habang ito nama'y tulala muli sa isang sulok. Tanghaling tapat, matapos kong makapag handa ng makakain ay nilapitan ko ito. Hindi nag babago ang kanyang ekspresiyon.

"Mama?" Tinatawag ko ito nang lumingon siya sa akin na tila nagugulumihanan.

"Sino ka?" Kumirot ang puso ko. Tuluyan na nga itong nasiraan ng bait. Tumulo ang mga luha kong pinang masdan ang mama. Masakit para sa aking makita ito sa ganoong kalagayan.

Nakapag desisyon na kami para sa ikabubuti ng mama. Umuwi galing America ang iba naming mga kaanak at gustong kupkupin ang mama para sa madaliang gamutan. Si Tita Milan, ang pinsang buo ng mama ang siyang nag alok ng tulong. Mas mapapaganda at mapapabuti ang sitwasiyon kung sa Amerika muna ito mamamalagi.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Where stories live. Discover now