Kabanata 8.

64.9K 1.6K 113
                                    

SOLD TO THE MONTAGUE

Napaatras ako. Pero bigong lumayo dahil sa patuloy niyang paglapit.

"Ano pa ba ang gusto mo kuya?" Naiiyak na tanong ko. Para bang pinaglalaruan lang ako nito. Kailangan kong labanan dahil kung hindi, ako lang ang masasaktan sa bandang huli.

"Ano sa tingin mo ang gusto ko?" Diretsahan niyang sabi. Napalunok ako. Naramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay kasabay ng pagtulo ng pawis sa noo dahil sa nerbyos.

Tinitigan niya muli ako na tila ba'y hinuhubaran. Kaagad akong nag iwas ng tingin. Pilit na inililihis ang atensiyon. Malinaw na sa'kin ang lahat. Hindi tamang patulan ko muli ang pagbibigay motibo nito. Alam kong walang patutunguhan ang nararamdaman para sa kanya.

Walang patutunguhan dahil isang malaking laro lang ang lahat para dito.
"Aakyat na ako." Nakayuko kong sabi. Akmang aalis na ng hawakan niya ang braso ko. Mahigpit ito at nasasaktan ako.

"You're not. Sa'kin ka ngayong gabi." Madiin niyang sabi. Kumirot ng husto ang puso ko.

"Bakit mo to ginagawa? Nasasayahan ka ba kapag nakikita mo akong nag durusa?" Napakunot noo ito.

"Noong inamin ko sayo na mahal kita totoo 'yon. Totoo ang lahat! Pero wag mo naman sanang gawing daan 'yon para paglaruan ako." Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga ganoong bagay sa kanya.

Lumuwag ang pagkakahawak nito sa'king braso na tila natauhan. Hindi ko na natiis na magsibagsakan ang mga luha ko. Papaanong hindi ako mahuhulog sa gaya niya? Sa lahat ng ginawa at pinaramdam niya sa'kin ay umasa ako kahit na alam kong malabo.

"Mahal kita. Ayaw kitang maging kuya ko dahil masakit dito." Tinuro ko ang bandang puso. Tahimik lang itong nakikinig. Dala na siguro ng malalim na gabi kung kaya't malakas ang loob ko para sabihin sa kanya. Para paulit ulit na aminin sa kanya.

Hinintay kong magsalita ito pero bigo ako. Mas pinili niya ang manahimik at makinig.

"Mahal kita naiintindihan mo ba 'yon? Masakit kasi mahal kita!" Napaiyak na ako ng tuluyan.

"Kalimutan mo ang pagmamahal na yan Alena dahil wala kang aasahan sa'kin." Halos madurog ng pino pino ang puso ko. Tumalikod na ito at umalis. Naiwan akong luhaan at nanghina ang mga tuhod ko.

Ang tanga tanga mo Alena! Bakit mo naman kasi inamin? Inamin mo na mahal mo ang gago na 'yon. Alam mong wala ka talagang aasahan sa kanya. Siya na nga nag sabing gagawin niyang miserable ang buhay mo! At nag tanga tangahan ka naman!

Galit na galit ako sa'king sarili. Bakit ba kasi umasa ako? Ang tanga ko naman talaga.

Kinabukasan, maaga akong nagising para bumaba at sumalo sa almusal. Naabutan ko na ang mama at ang papa. Sila palang dalawa at nag uusap sa hapagkainan.

"Oh hija halika na at sumabay kana." Aya ng mama. Nilingon ko ang aking mga paningin. Nasaan sila kuya?

"Wala ang Kuya Fabio at Matias mo hija." Tila ba nabasa agad ng mama ang nasa isip ko.

"Nasaan po sila?" Takang tanong ko nang makaupo.

"Maagang pumasok ang Kuya Fabio mo hindi na nga nag almusal 'yon. Ang Kuya Matias mo naman may kikitain lang raw." Ani nito. Hindi na ako nag tanong pa at sumubo na ng tinapay. Ang papa nama'y tahimik lang na nagbabasa ng diyaryo.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon