Kabanata 14.

54.3K 1.3K 48
                                    


SOLD TO THE MONTAGUE

ALENA:

Nagpakalayo kami ni Fabio at napadpad sa Campo Islam. Isang maliit na bayan dito sa Zamboanga. Nagbago ang takbo ng buhay namin simula ng lisanin ang mansion. Naka hold ang lahat ng pera ni Fabio at kagagawan ito ng papa.

Nanirahan kami sa isang maliit na kubo. Simple man ang buhay probinsiya'y masaya ako dahil kasama ko ang taong mahal ko. Nagtatrabaho si Fabio bilang trabahador ng mga Acosta. Isang pamilyang napaka yaman dito sa bayan ng Islam. Ang mga Acosta rin ang nagpapaaral ng mga bata dito bilang ganti ng pagiging tapat ng mga trabahador.

Maaga palang ay gising na ako. Wala pa akong alam na gawing lutong bahay kundi ang mag prito ng itlog at mag sangag ng kaning bahaw.

Abala si Fabio sa pag aayos ng mga gamit na gagamitin sa pagsasaka.

"Kumain ka na muna." Ani ko at lumapit dito at inayos ang simpleng damit pang itaas nito. Tahimik lang ito at nakatitig sa'kin.

"Oh bakit?" Hinawakan naman niya kaagad ang mga kamay kong may talsik ng mantika.

"Sabi ko naman sayo ako na ang magluluto." Pag aalala niya. Natawa naman ako ng mahina at saka ikinawit ang magkabilang kamay ko sa batok niya. Inilagay naman nito ang dalawang mainit na kamay sa aking bewang.

"Kapag ikaw naman ang nag luto baka masunog lang." Natatawang sabi ko. Napakunot noo naman ito ngunit bandang huli ay natawa na rin. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng totoo. Iyong tawa na masaya at hindi nakakaloko.

"Don't stress yourself." Pag aalala nito. Hindi naman ako napapagod dahil alam kong hindi niya ako pinababayaan.

"Kaya ko Fabio. Ikaw alagaan mo ang sarili mo at wag magpapakapagod. Alam kong mahirap ang pag sasaka at pag tulong sa hacienda ng mga Acosta." Hinawakan niya ang mag kabilang pisngi ko. Hinaplos at saka hinalikan ang magkabila.

"Papasok na ako." Ani niya at ipinagdikit namin ang aming mga ulo.

Nagpaalam na si Fabio para pumasok. Hindi na nga niya nagalaw ang inihanda kong pagkain at kape lang ang ininom. Napansin ko ang pangangayayat ng kanyang pangangatawan at alam kong dahil iyon sa tindi ng trabaho.

Dalawang buwan na kaming nakatira sa bayan na ito. Ang alam ng mga kapitbahay ay bagong kasal kami ni Fabio at piniling manirahan sa tahimik na bayan.

Nagsimula na akong maglinis ng aming maliit na tahanan. Binuksan ko ang maliit na bintana para pumasok ang sariwang hangin at saka nagsimulang mag bunot ng sahig. Matapos ang nakakapagod na paglilinis ay kinuha ko na ang mga damit ni Fabio para labhan.

Inilagay ko na ito sa planggana at saka bumaba. Naabutan ko naman si Aling Sena isa sa mga nakakatandang babae dito na naglalaba. Patapos na ito kaya't nilapitan ko na.

"Magandang umaga Aling Sena." Bati ko. Napangiti naman sa'kin ang matanda at bumati pabalik.

"Nako hija magandang umaga. Pumasok na ba ang asawa mo?" Tanong nito. Napatango naman ako at inilapag ang planggana sa lupa at nag igib na ng tubig sa poso.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon