Chapter 5 Cool guys' arrival

169 17 0
                                    

Chapter 5

Cool guys’ arrival

a/n: sa wakas nakarating na din ako sa part na to…so excited na sa paglabas ng mga super gwapong nilalang on earth…(haha… crazy mode)…..kaya lang “its hard to find the missing piece…(teary eyes).,nawala ko kasi ang finished scene para sa chapter na to…but I will try na marecover ang mga yun from my mega brain..so that’s it..masyadong na akong ma-epal..sa uulitin!!!!>.<

Blune’s POV

 Maaga akong nagpasundo kina Jelo at Rhen. Di na kasi ako aabot sa usapan namin kung sasama pa ako sa sasakyan ng ampunan. Ngayong araw kasi namin tuturuan ng leksyon ang mga hambog na gurang na naghamon samin ng karera ng motor kaya lang mataas na ang sikat ng araw at hindi pa rin dumadating ang mga gurang na 'yon.

“Blune tamad lumabas ka nga muna. Ang ganda kaya ng sikat ng araw,” sigaw ni Jelo sa akin.

“Anong sabi mo?” sabi ko pagkalabas ko sabay akbay at sakal sa kanya.

“Ahh, bitiwan mo na ako. Di ako makahinga.”

“Dahil maganda ang sikat ng araw, pagbibigyan kita.” Humakbang ako sa harapan at sabay stretching ng balikat.

Bigla na lang nagtawanan ang dalawang kumag.

“Anong meron?”

“I’m certified GAY!” sabi ni Jelo sabay galaw gaya ng isang bakla. May sira ata 'to ah.

“Sino?” Clueless pa rin ako sa pinaggagawa ng dalawang 'to.

“IKAW!” sabay nilang sabi tapos tumawa na naman sila. Mga sira talaga.

“Ba't kasi nagkaganyan 'yang likuran ng damit mo?” sabi ni Rhen na pinipigilan ang pagtawa.

Tiningnan ko ang likuran ng damit ko, may nakasulat na “I’m certified GAY!” Ashh, saan ko 'to nakuha!? Isa lang naman ang maaaring gumawa nito sa akin kundi yung Gail na 'yun na may gusto kay Doraemon. Di naman 'yun nanalo sa laro namin kagabi sa pagkakatanda ko. Dinaya ata ako no'n. Mga babae talaga ang kikitid ng utak.

“Jelo hubarin mo 'yang damit mo,” utos ko sa kanya.

“Bakit nababading ka na ba at gusto mo nang makita ang abs ko?” pagmamayabang niya.

“Sira! Palit tayo ng damit.”

“Ayaw ko nga.”

“Rhen, anong ginagawa sa taong matigas ang ulo?” Sandali kaming nagtitigan at sabay na dinumog si Jelo at pilit na tinatanggal ang t-shirt na suot niya.

Matapos ang mahabang rambolan, suot ko na rin ang t-shirt ni Jelo. Samantalang siya, topless ang labas ayaw kasing isuot ang damit ko.

Sabi nga niya,

“Mabuti pang idisplay ang abs ko kesa mapagkamalang bakla,” pagmamayabang niya.

“Nandito na pala ang mga totoys,” sabat ng isang pangit na gurang. Sila ang makakalaban namin.

“Harsh mo naman babe, gwapo naman sila, 'di ba girls?” sabi ng isang babae na halos lalabas na ang kaluluwa sa suot niya. Nagdala pa sila ng cheering squad.

“Lalo ka na, Mr. abs,” sabat ng isa pang babae sabay kindat kay Jelo. Eto namang si Jelo nagspa-spark ang mga mata sa papuri. Hay naku, Jelo.

“Wag na ngang maraming satsat, simulan natin nang matapos na 'to,” singit ni Rhen. Parang nag-iinit na rin 'tong si Rhen ah.

“Kung ganun, girls formation!” sabi ni gurang at ang kanilang mga chika babes ay nag-align na rin sa starting point..

“Isa lang ang patakaran dito, kung sino man ang unang makarating sa finished line, grupo nila ang panalo,” paliwanag ni gurang habang nakalinya na kami sa starting point kasama si gurang at ang kanyang mga alipores.

“Ready... get set... GO!”

Kasabay ng pagbaba ng bandana, ay ang ragasa ng mga motorsiklo. Lahat ay walang takot sa matulin na pagtakbo. Lahat desidido pero kailangan may manalo. Kasalukuyang nangunguna kaming tatlo. Wala naman 'tong mga binatbat. Palayo nang palayo ang agwat nila sa amin hanggang makarating kami sa finish line. Obvious naman 'di ba, kami ang nanalo.

“Pa'no ba 'yan, talo kayo,” sabi ni Rhen sa kalaban namin.

“Losers naman pala kayo,” dagdag ni Jelo. Kapal talaga ng mukha ng isang 'to. Mula kanina hanggang ngayon nakatopless pa rin.

“Sinuwerte lang kayo,” sabi ni gurang sabay sakay sa kanyang motor.

“Girls, tara na,” sabi niya na parang naiinis.

“Sorry, darling, dito na lang kami sa mga papables at hot boys na 'to,” sabi ng malanding babae na kumakapit kay Jelo.

“Bahala kayo.” Umalis na silang lahat maliban sa mga babaeng dumudumog sa amin ngayon.

Nang makatakas kami ni Rhen, kay Jelo na sila kumakapit. Samabtalang si Jelo hirap na makaalis. Ayan napapala ng pagiging makapal ang mukha magtopless.

“Jelo, bahala ka na riyan,” sigaw ko.

“Alis na kami, Jelo,” sabi ni Rhen sabay suot ng helmet.

“Uy, intayin n'yo naman ako,” sigaw niya habang pinipilit na makalayo sa mga babaeng kumakapit sa kanya.

“Paano ba 'yan, 'di na kami makahintay.” Sabay kaming natawa ni Rhen tapos pinaandar na namin ang motor saka umalis. Ganito talaga kami ni Rhen, nagkakasundo sa pag-iwan kay Jelo. Bye-bye, Jelo.

A/N: hello readers if meron. comment naman kayo para alam ko kung saan kayo nagandahan o napangitan na part for improvement ng story na rin..---l.a.d.y.

He is Mr. DoublesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon