Chapter 2 Double kulitan

345 22 2
                                    

Chapter 2

Double kulitan

                      

Blune’s POV

Para atang tinutusok ng karayom ang buong katawan ko. Ano bang ginagawa ng babaeng  iyan? May pagkamangkukulam ata.

“Aray!” Pati tawa niya may pagkatunog witch din.

“Parang awa mo na. Aray, ang sakit ng buong katawan ko!”

Hay, salamat panaginip lang pala. Akala ko katapusan ko na. Napaaga tuloy ang gising ko. Kahit anong gawin kong pikit ng mata di parin ako makatulog kaya bumangon na lang ako. Nadatnan ko naman ang kakambal kong si Skye na nakahiga sa sofa habang naka-earphone. Parang ang lalim ata ng iniisip niya dahil hindi niya man lang ako napansin na umiinom ng juice sa katapat na mesa. Mayamaya lang, napansin kong napahawak siya sa kanyang pisngi. Maasar nga at nang mapansin niya ako.

“Skye, ano ba iyang ginagawa mo? Huwag mong sabihing—"

“Na ano!?” Halatang naiinis na siya sa sinabi ko.

“Na nababakla ka na…” dire-diretso kong sabi sa kanya.

“Gago! Ako mababakla!? Ang gwapong ‘to!?” Sabay hagis niya ng unan. Mabuti na lang at nasalo ko. Ganito talaga kami, nagkokompetisyon sa kagwapuhan. Gwapo kasi eh, wala na tayong magagawa.

“Akala ko kasi nababakla ka na at nang wala na akong kakompetensya sa kagwapuhan.” 'Di ko talaga mapigil ang pagtawa.

“Tumigil ka nga diyan. Ba’t nga pala ang aga mong gumising ngayon? Binangungot ka ba?” Aba plano pa atang bumawi kaya lang di ko siya bibigyan ng pagkakataon. Magpapaka-in denial muna ako.

“Ano ba iyang pinagsasabi mo!? 'Di ba pwedeng gumising nang maaga?” palusot ko sa kanya.

“Nga pala, ikaw muna pumalit sa akin. Ikaw nang umattend sa outreach program ng agency. Bibisita lang naman kayo sa bahay-ampunan. Alalahanin mo may utang ka pa sakin.” At nanakot pa ang sira.

“Oo na, wala naman akong pagpipilian. Saan pala ang lakad mo?”

“Pupunta ako sa Myfanwy dahil pinatatawag ako ng chairman ng department.”

“Yung baklang chairman ng department?” ngiti kong loko.

“Ano na naman!?” Nainis na naman si Mr. Sungit.

“Hala ka, may gusto 'yun sa iyo. Lagot ka.” pananakot ko sa kanya.

“Loko ka talaga, kung anu-ano na lang ang pumapasok diyan sa utak mo. Umalis ka na nga diyan.”

“Opo, maliligo muna ako.”

Ayun nagpunta ako ng banyo kaya lang parang minamalas ata ako. Nadulas ako ng papunta na ako. Ang masaklap ay nakita pa ni Skye.

“Yan nakarma ka tuloy. Wag kasing makitid ang utak.” Patuloy pa rin siya sa pagtawa. Nakaisa 'to sa akin ah.

“Bat ba kasi kumakapit ang kamalasan sa akin ngayon?” Napakamot na lang ako sa ulo. why oh why?


Blune’s POV

“Ano kaya ang gusto ng mga bata rito?”

Nasa tindahan ako ng candies ngayon. Medyo matagal-tagal na nga rin ako rito kaya lang wala pa rin akong napipiling pasalubong para sa mga bata. Ganito pala kahirap mag-isip na parang bata, parang gusto ko lahat ang nandito, nalilito na tuloy ako.

“Sir, ano po ba ang hinahanap n'yo? Tulungan ko na po kayo,” sabi sa akin  ng sales lady dito. Nahalata siguro niya na kanina pa ako paikot-ikot dito.

“Ah ano ba rito ang kadalasang binibili ng mga bata?”

“Yun po ba, ito pong candy na hugis hayop,” ngiting sabi nya

Siyempre binili ko ang sinuggest niya sa akin. Pagkatapos kong mamili, pumunta na ako sa pinagkasunduang tagpuan papuntang outreach. Akala ko mauubusan na ako ng mauupuan kasi halos puno na ang van. Mabuti na lang ay may isa pang bakanteng upuan.

“Miss, may nakaupo ba rito?”

“IKAW????” sabay naming sabi. Akalain bang yung babaeng may crush kay Doraemon ang makikita ko rito. gagamitin ko pa naman sana ang aking power charm kaya lang parang wala itong effect kasi mas pipilin pa nito si Doraemon kesa sa gwapong katulad ko.

“Anong ginagawa mo rito?” sabay ulit naming sabi. Akalain bang magiging kakambal ko pa ito. Gaya nang gaya, di ba?

“Edi, sasama sa outreach!” Oh ako na rin ang sasagot sa tanong ko, di ba.

At siyempre umupo na rin ako sa tabi niya.

“Uy, umalis ka nga diyan, may nakaupo riyan!” Ang ingay talaga ng babaeng ito, putak nang putak. Kwak, kwak.

“Wala naman akong nakikitang nakaupo rito ah. Otherwise, may katabi kang multo,” sabi ko sa kanya habang nakapikit. Naspeechless ata, hindi na sumasagot.


Gail’s POV

          Naiinis talaga ako sa lalaking ito. Panggulo, akala ko babalik na ang swerte sa buhay ko sa araw na ito, babalik ako sa lugar kung saan ako lumaki… sa bahay ampunan. Matapos akong lumabas sa ampunan ngayon pa lang ako makakabalik kaya dapat positive at good vibes lang ako.

Mahigit dalawang oras na kaming bumibyahe ngunit wala pa rin akong nakakausap ng matino. Lahat sila busy na busy sa kanya-kanyang ginagawa. ang iba naman ay natutulog gaya ng isang ito sa tabi ko. Makatulog na rin nga. Sabi nga nila, “Just go with the flow”. Ilang sandali pa lang mula ng pinikit ko ang mga mata ko, bigla kong naramdaman na may sumandal sa balikat ko. Pagmulat ko ay laking gulat ko dahil ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Gulong gulo na ang utak ko. My brains says,

“Kung itulak ko kaya ito at nang mauntog at matauhan?”- me, myself and i

“Huwag na lang siguro, baka isipin pa nilang basagulera ako, diba?”-si konsensya? Parang ako pa rin pero inner self ko. Siguro tingin niyo nababaliw na ako nuh?

Dahan-dahan kong itinulak ang ulo niya palayo sa balikat ko. At pagkatapos, bigla na lang...

“Aray! Anong nangyari?” Sabay kamot ng ulo niya

Nakahandusay kami ngayon sa sahig ng van, nahulog kasi kami nang biglang lumiko yung van. Mabuti na lang walang nakapansin sa amin dahil nasa likuran kami.

“Oh anong ginagawa mo riyan?” Wow naman, parang walang alam kong bakit kami nalaglag sa kinauupuan namin at saka kanina pa kaya ako nasa harap niya. Nabulag ata pagkatapos malaglag. May temporary loss of sight siguro.

“Obvious!! Nahulog lang naman!” Sabay tayo ko.

“Ahh, ganun pala. Akala ko kasi tinulak mo talaga ako para mapaalis dito.” At tumayo na rin siya.

“Anong akala mo sa akin ganun na lang kasama?”

“Kaw na rin nagsabi niyan at hindi ako.” Nang aasar talaga toh.

“Bahala  ka nga sa buhay mo!”

Na naman!? Kung kanina malayo ang agwat namin, ngayon one inch apart na lang ako sa kanya matapos kung patapilok at mapunta sa harapan niya. Bat kaya ako laging minamalas, siguro mula ng isinilang ako kakambal ko na si kamalasan kaya iniwan ako sa ampunan ng mga magulang ko. Pwedeng good vibes naman?

Matapos ang eksena kanina bumalik na kami sa aming upuan. Di ko talaga matagalan tong katabi ko. NAKABWISET.

“Yan kasi nagagawa ng katarayan, kung ako sayo bawas-bawasan mo yang katarayan mo nang di kumapit si kamalasan.” May pangiti-ngiti pa ang loko. Good suggestion di nuh? Kung siya na lang kaya lumayo sa akin baka siya may kakambal na kamalasan at nadamay pa ang inosenteng katulad ko. Kawawa naman ako, di ba?

He is Mr. DoublesWhere stories live. Discover now