Chapter 1 Meeting the doubles

1K 31 12
                                    

Sa fitting room.

Gail's POV

Ako nga pala si Abigail "Gail" Sarmiento. Nandito ako ngayon sa harap ng salamin. Nakasuot ako ngayon ng mahabang wedding dress. And you're all invited sa kasal ko ngayon with my prince charming.

Ano!?

Ay panaginip lang pala.

Daydreaming din pag may time.

Nakalimutan ko pala model nga pala ako ngayon. Ito kasi ang theme ng photoshoot ngayon.

"Ano ba 'to Wenie, ang bigat sa pakiramdam. Ako ba talaga itong nasa salamin? Ba't saang anggulo ko tingnan 'di ko makita ang sarili ko?"

"Lokaloka ka talaga! Kumalma ka nga. Remember ito ang una mong photoshoot kaya pagbutihin mo nang hindi tayo mawalan ng trabaho."

Nagtatrabaho nga pala ako dito bilang baguhang model ng Laurento Group of Companies. Napasok ako dito dahil sa kaibigan kong bakla na si Wenie. Siya lang kasi ang kaibigan ko dito sa labas ng ampunan. Tama ang nabasa niyo lumaki ako sa ampunan. Hindi ko na rin nakilala ang mga magulang ko dahil maliit pa ako ng mapunta sa ampunan. Ang kompanya din ang major sponsor ng ampunan kaya kahit hindi ako kagalingan sa trabahong ito napasok pa rin ako dito.

"Next model na! Pakibilisan lang!" sigaw sa akin ng masungit na staff dito.

"Oh, Gail ikaw na, magrelax ka lang at isipin mo kung bakit ka nandito. Okay?" sabi ni Wenie sa akin para palakasin ang loob ko. Swerte talaga ako dito sa friend kong 'to kahit nakakainis minsan ang kabaklaan nito.

"S-sige! kaya ko 'to. AJA!"

Pagkalabas ko, namangha talaga ako sa daming decoration sa loob. Parang totoong kasal talaga.

"Miss umakyat ka na ng stage at nang masimulan natin 'to," sabi sa akin ng masungit na photographer. Pati pala photographer dito ang susungit.

"Okay po."

Umakyat na ako ng stage ng biglang natapilok ako dahil naapakan ko ata ang suot-suot kong wedding dress. Nagulat nalang ako ng may sumalo sa akin.

"Ang clumsy mo naman," ngiting sabi sa akin ng lalaking nasa harap ko.

"Miss, smile ka naman," sabi ng photographer sa akin. Agad naman akong natauhan.

"Ahhh... opo..."

"Okay, good. Ikot naman kayo na para bang sumasayaw," singit naman ulit ng photographer.

"Ha? Ano raw? Meron bang photoshoot na gumagalaw?"

"Meron! Ganito lang naman oh." Sabay hila sa akin ng lalaking 'to.

"Ikot... Ikot... Ikot... Ikot... Ikot." Siya na talaga ang nagdadala sa katawan ko ngayon. Nagiging komportable na ako sa kanya nang biglang nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

He is Mr. DoublesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora