Chapter 4 Let's flip coin

202 19 1
                                    

Chapter 4

Let’s flip coin

Blune’s POV

Nakakapagod naman ang araw na 'to. Sabihin na lang natin na pinagod ako ng babaeng ewan, minsan mataray, minsan naman may pagkabaliw. Pwede na siguro ang loka-loka sa kanya.

Mabuti na lang ay nakabawi ako sa kanya. Inasar ko siya na may gusto sa akin at ayun lumabas ang pagka-amazona. Pwede na nga siyang ilagay sa zoo. Ang masama pa ay binabato iya ako ng kung anu-ano. Syempre ano pa ang gagawin ko, edi ang tumakbo. Ang sakit kaya matamaan at higit sa lahat, mahirap na baka masira pa ang wholesome at gwapo kong mukha.

Pagkalabas na pagkalabas ko, agad kong hinanap ang van na sinakyan namin kanina kaya lang parang di ko ata makita.

“Oh, bat ka natigilan?” Nasa may likuran ko na pala siya.

“Nakita mo ba 'yung sinakyan natin kanina?”

“Diba andyan lang yun.” Turo niya sa may harapan namin.

“Eh, asan na 'yun?” Parang masama na 'to ah.

“Bat andito pa kayo? Kaaalis lang ng sasakyan n'yo,” sabi ng isang sister sa amin na nagsara ng gate.

“ANO!?” sabay naming sabi.

“Ano na ang gagawin natin?”

“Ano pa, edi tumakbo. Maaabutan pa siguro natin 'yun,” sabi niya sa akin habang nag-uumpisa nang tumakbo. Pambihirang babae, padalos-dalos.

Wala  na akong nagawa kundi sundan siya. Aba ang layo ata ng natakbo niya. Kaya lang, hindi pa rin siya nakaabot.

“Ano na?” Sa wakas ay naabutan ko na rin siya. Halos maubos na ang lahat ng hangin sa katawan ko sa kakatakbo! Kelangan ko na ata ng mouth-to mouth. Wag na lang nga parang ang laswa ata nun.

“Wala na... naiwan na tayo rito.” Para naman siyang binagsakan ng langit at lupa. Kawawa >.<

“Arf… arf… arf... arf.” Ay aso lang pala akala ko kung ano na.

“Arf... arf.” What? ASONG ULOL. At naglalaway pa. Parang kumakain ata ng buhay ang asong 'to. Teka lang parang may katulad ang nakakatakot na mata ng asong 'to ah. Saan ko nga ba yun nakita?

Loading ………loading 100% complete.

“Hoy lalake, ano pang tinutunganga mo riyan? Gusto mo bang makain ng asong 'yan?” Siya na ata ang sagot sa tinatanong ko?

“Uy hintayin mo ako!” Di pa kaya ako ready maging karne. Humanap na lang kaya siya ng botcha. Sariwang-sariwa pa kaya ako.

Malayu-layo na ata ang natakbo namin at parang wala na ang asong humahabol sa amin kasi tumigil na siya sa pagtakbo.

“Wala na, wala na!” Para naman 'tong batang nagdadabog pa habang naglalakad.

“Ano bang pinoproblema mo? Pwede naman tayong sumakay sa iba. Mag-commute na lang tayo?” Todo pa naman ang smile ko at titig lang inereply niya sa akin.

“Bat ganyan pa rin ang mukha mo? Di ka ba masaya sa brilliant idea ko?”

“Di mo ba alam na walang pampasaherong sasakyan na dumadaan dito? Malayo kaya 'to sa lungsod.”

“Ano!? Ba't ngayon mo lang sinabi?”

“Nagtanong ka ba?”

“Wala na talaga, wala na, wala na.” Ba't niya ba 'yan paulit-ulit na sinasabi?

“Wala na, wala na, wala na.” Parang nahahawa na ata ako sa kanya. Sabay pa kaming nagsasalita habang naglalakad pabalik sa ampunan.

Paano na 'to? Kailangan na akong makabalik bukas, may lakad pa kami na dapat tapusin. Tama, dapat ko nang tapusin.

He is Mr. DoublesWhere stories live. Discover now