a future

228 21 101
                                    

IMPORTANT NOTE:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

IMPORTANT NOTE:

NONLINEAR po ang story so hindi po magaganap ang story ng sunod-sunod. Magsisimula po siya somewhere sa timeline tapos babalik sa past, tapos babalik sa mas recent na past, tapos babalik sa recent, babalik sa future, etc. Take note of the titles to know po kung asaan tayo currently. Iyon lamang, tenchu.

--------------------------

(P.S. Play the music po while reading and if you want to loop, i-right click lang po natin ang video at may loop na pong option, altho baka 'di niyo na po kailanganin at less than 1k naman po siya)

--------------------------

You are my hero for you dare to be honest

You are my hero for you are just as weak as I

Come and help me, I need you again, again, again

Kent, Vinterknoll2

--------------------------

Siniko si Alaric ni Diode dahil kanina pa siya hindi mapakali dahil sa kaba. Pinandilatan niya ang kaibigan at napasapo sa tinira nitong parte ng katawan. "Bastos ka, pre. Kinakabahan na nga, maniniko ka pa."

"Ano pa ba kasing drama 'yan, pre? Ikakasal ka na nga pero sa mukha mo palang parang gusto mong tumakbo at umalis na lang, ah." Busangot ang mukha nito dahil sabay-sabay na inatake na naman ito ng mga girlfriend nito nang may nakaalam na naman sa ginagawa nitong kabulastugan.

Paanong hindi? Gayong plano ata nitong imbitahan ang mga girlfriend nito bilang date sa kasal niya. Siya na naman tuloy ang pinagbubuntungan nito ng ka-badtrip-an.

"Inggit ka lang sa akin, 'no?" Nakangising tanong naman niya at agad siyang umiwas bago siya masuntok ni Diode. Hindi naman itinuloy ng kaibigan, pabiro lang nitong itinaas ang kamao. Napapailing na lang siya rito. "Sabi ko kasi, magtino ka na. Ikakasal na nga ako, babaero ka pa rin."

"Huwag mo nga akong matulad sa'yo--"

May sasabihin pa sana ito pero maagap niyang pinigil ang kaibigan.

"Subukan mong insultuhin si Thea at ako na mismo ang maghahatid sa'yo palabas," medyo napatigil siya dahil hindi rin talaga siya sanay na tawagin sa sariling pangalan ang magiging asawa. He was so used to Rooftop Girl that it sounded weird. Pero nagpatuloy pa rin siya sa paglilitanya. "Alam ko best friend kita kahit kolokoy ka pero isang salita talaga."

Natahimik si Diode at umakto pang i-zi-zipper ang bunganga. Ngumiti siya at pinasalamatan na rin sa utak ang kaibigan dahil kahit konti ay naibsan naman ang pagka-nerbyos niya.

He still couldn't believe that he was getting married today.

He couldn't believe that she even agreed to marry him.

Isang taon lang silang naging magkasintahan. Sinabihan pa nga siya nitong excited nung nag-propose siya the year after. But, he couldn't possibly let the very person that gave him hope go.

Pero, hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Baka kung may suot na siyang wedding ring ay doon lang siya matatauhan.

Nagsimula na ang wedding march at napatingin siya sa entrance. Nagsipasok na ang mga taong dapat magsimula ng prosisyon pero mas naka-focus lang siya sa panaka-nakang pagsilip sa magiging asawa.

Hindi nagtagal ay ito na rin ang naglalakad papunta sa kanya. Wala sa sariling napangiti siya. Namumuo na rin ang mga luha sa kanyang mga mata.

Just looking at her in a beautiful wedding gown with a serene expression in her face made his heart warm. Parang pwede na siguro siyang mamatay bukas o mamaya dahil sa sobrang saya. Ano bang problema mo? Bakit ang morbid mo mag-isip sa sarili mong kasal?

Nang makarating na ito ay natatawang inabot nito ang mukha niya at pinunasan ang mga luhang hindi niya napansing kanina pa pala tumutulo.

"Ano ba 'yan, Alaric? Iyakin ka talaga," natutuwang sabi ni Thea, the former Rooftop Girl. In her wedding gown and simple makeup, she was practically glowing with life. "Sobrang tuwang tuwa ba?"

Hindi muna siya nagsalita, kinuha niya lang ang kamay nito at hinalikan. Bahala na sila kung anong iisipin nila, basta iiyak na lang siya sa tuwa. "Ikakasal na ba talaga tayo, Thea? O nanaginip lang ako?"

"Kuh," mahinang pinisil nito ang ilong niya. "Hindi, nanaginip ka lang. Ayos lang 'yan."

"Talaga? Sige, hindi na ako magigising."

"Kahit kailan talaga..."

At sa ikinagulat ng lahat, tinanggal nito ang suot na belo at walang kyemeng hinila siya pababa gamit ang suot niyang necktie. Hindi na siya nakahinga nang bigla siya nitong siilin ng halik. Agad naman siyang humawak sa bewang nito at tinugon ang halik ng magiging asawa.

Pero bago pa mas lumalim ang paghahalikan nila ay pinaghiwalay na sila ng maid of honor na si Reina at ng best man na si Diode. Parehas lang namang ngiting-ngiti si Alaric at si Thea na parang wala silang ginawang kakaiba.

"Grabeng excitement iyan ah, mga anak. Nauna na yung 'You may kiss the bride', 'di pa nga nagsisimula yung ceremony," natutuwang sabi naman ng pari na magkakasal sa kanila ng hawak kamay na silang lumapit dito. "Tiis tiis lang ng konti, matatapos rin ang wedding ceremony."

Parehas silang tumango pero hindi na maalis ang malawak na ngiti sa kanilang mga labi. Tama nga si Thea, ikakasal na nga talaga sila.

THE END

--------------------------

P.S. #2 = This is the end of TRG pero hindi ko pa po siya i-ma-mark as complete, will update later for the extras for this beloved story of mine.

Anyways, iyon lamang, have a great day ahead :D

Anyways, iyon lamang, have a great day ahead :D

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Rooftop Girl ꞁ ✓ [ PUBLISHED AS PART OF THE ILYWAMHAK ANTHOLOGY ]Where stories live. Discover now