Marami-rami ‘yon kaya kinuha ko muna ang lahat bago umupo sa kama. Pictures ng ano ba ‘to at bakit hindi nilalabas ni Bryan dito?

    Inilatag ko sa kama ang lahat ng pictures at sabay-sabay na hinarap.

    Bigla ko na lang nailayo ang kamay ko mula roon at dahan-dahan ding nagsalubong ang mga kilay ko matapos makita kung sino, hindi ano, ang nasa pictures.

    “S-Sino ‘to?”

    They are Bryan’s pictures with another woman.

    Kahit na parang nahihirapan akong makita ang mga nakikita ko ngayon, dahan-dahan ko pa ring kinuha ang isa at tinitigan. Karga ni Bryan ang babae mula sa likod. Nakangiti pa ang babae habang si Bryan ay nakatingala para tingnan siya.

    Sweet.

    Tiningnan ko pa ang ibang pictures na puro ka-sweet-an nilang dalawa. Halos manginig na nga ang mga kamay ko habang hinahawakan ko ang mga ‘yon.

    Bakit ganito? Bakit kahit alam ko nang matagal na ang pictures na ‘to dahil bata-bata pa si Bryan, ay nasasaktan pa rin akong makita?

    And to think na tinatago niya pa rin ang mga ‘to hanggang ngayon.

    Napapikit na lang ako at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Dumilat ako at muling tinitigan ang pictures pero nag-focus na ako sa babae.

    Kumunot na naman ang noo ko dahil parang familiar siya sa ‘kin. Pero wala akong maalala.

    Base sa mga pictures, I'm sure na ex-girlfriend siya ni Bryan.

    “Ha, I need to talk to him.”

    Inipon ko ulit ang mga ‘yon at itinago sa lagayan ng side table namin. Tinawagan ko si Angel dahil mababaliw yata ako kung wala akong masasabihan nito.

    “Yes, Cass?”

    “Angel, I saw these sweet and happy pictures of Bryan with another woman.”

    “Ano? Bago lang ba ‘yan?”

    “Hindi. Hindi pa gano’n ka-matured si Bryan dito, e.”

    “Gano’n? Itanong mo muna kay Bryan kung sino ‘yan— or baka ex?” Napatango ako dahil pareho kami ng iniisip. “Tsaka, Cass, kung mukhang matagal na pala ‘yan, you don't have to worry dahil matagal na nga.”

    Napailing-iling ako. “Hindi, e. Bakit hanggang ngayon, nakatago pa rin ‘to rito?”

    “Bawal ba, Cass? Malay mo naman tini-treasure niya lang ang memories nila.”

    “Yes, alam ko ‘yan. Pero bakit iba talaga ‘yung pakiramdam ko? Hindi niya man lang sinabi sa ‘kin ang tungkol sa babaeng ‘yan tapos nakatago pa rito sa maleta niya?”

    “Mag-usap muna kayo ni Bryan about diyan. ‘Yung maayos na usap, okay? Huwag kayong mag-away agad.”

    “Oo, Angel.”

    Maayos naman ako magtanong kay Bryan, siya lang ang hindi maayos ang tono kapag sumasagot.

    Pagkatapos ng tawag namin ni Angel, buong araw kong iniisip ang pictures na nakita ko. Hindi talaga mawala-wala sa isipan ko. Parang ang laki ng impact sa ‘kin no’ng nakita ko ang mga ‘yon.

    Sana magising ako mamaya bago siya dumating. Nag-alarm na lang ako para sure. Hindi ako makapaghintay magtanong. Kung bukas ko pa siya ng umaga tatanungin, siguradong magmamadali na naman ‘yon sa pagpasok.

    Tumunog nga ang alarm ko ng mga 10:30 ng gabi. Binuksan ko ang lampshade at bahagyang umupo para sumandal sa headboard. Narinig ko na rin ang doorbell kaya siguradong nandiyan na siya. Naghintay pa ako ng ilang minuto sa pag-akyat ni Bryan. Natigilan pa siya pagpasok niya nang nakita ako.

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now