“Ma’am? Magluluto po kayo?”

    Napatingin ako kay Ana na kakapasok lang ng kitchen. Malapit na mag-lunch time kaya nandito ako para na rin magluto.

    “Oo. Dadalhan ko si Bryan ng lunch sa office.” Ngumiti ako at tumingin sa loob ng refrigerator.

    “Ha? ‘Di ba po, sabi mo sa ‘kin, sinabihan ka na ni Sir Bryan na huwag mo na siyang dadalhan ng tanghalian kasi baka mapaano ka pa raw do’n?”

    “Minsan na lang naman, e.”

    Hindi na lang sumagot si Ana at tinulungan na ako sa pagluluto. Siya rin ang naging tagatikim ko kung ayos na ba ang lasa. I'm cooking Bryan’s favorite, pininyahan.

    Napatingin ako sa phone kong nasa table lang. Kanina pa ako naghihintay ng tawag ni Bryan. Dati naman araw-araw niya ‘kong tinatawagan every two hours pero kahit isang tawag ngayon, wala pa.

    Baka busy lang siya sa trabaho.

    Nag-thank you ako kay Ana sa pagtulong sa ‘king magluto at mag-ayos ng mga dadalhin ko. Nagpresinta na rin siyang ikukuha na raw niya ako ng taxi sa labas ng Village.

    Hindi ko na rin tinawagan si Bryan tungkol sa pagpunta ko sa office. Baka kasi may ginagawa pa siya.

    “Salamat, Ana!”

    “Ingat po kayo, ma'am!”

    Ngumiti lang ako sa kaniya at sumakay na sa taxi.

    Pinapasok naman agad ako sa kompanya nang nakilala ako ng guard.

    Hindi masikip sa elevator no’ng pumasok ako pero hinawakan ko pa rin ang tiyan ko at iniwasang mabunggo. Pinauna ko na rin ang iba na makalabas na sa same floor na pinuntahan ko.

    Hawak ko pa rin ang tiyan ko habang nakikisabay sa ibang tao.

    “Oh, my—” gulat na sabi ko nang may biglang bumunggo sa akin pero buti na lang at sa braso ko lang siya tumama.

    Tiningnan ko ang babaeng payat, sexy, morena at magandang nakasuot ng pink pencil skirt at tube. Tiningnan niya rin ako at bumaba ang tingin sa tiyan ko.

    “Mag-ingat ka sa susunod, miss,” mahinahong paalala ko na ikinatango niya habang nakatingin pa rin sa tiyan ko.

    “Sorry.”

    Okay na ‘yon. Hinayaan ko na ‘yung babae dahil nag-sorry naman siya.

    “C-Cass!”

    “H-Hey!”

    Nagkagulatan pa kami ni Frenz na nasa pinto ng department nila. Napansin ko ang pagsilip niya sa likod ko kaya napalingon din ako at nakita ulit ‘yung babae kanina na nag-aabang na sa tapat ng elevator.

    “A-Anong ginagawa mo rito?” Bumalik ang tingin ko kay Frenz nang hawakan niya ang braso ko.

    “Si Bryan?”

    “Nasa loob ng office niya, pasok ka.”

    Tumango ako at pumasok na sa loob. Dumiretso ako sa office ni Bryan. Kumatok lang ako nang dalawa at pumasok na sa loob. Malaki ang office niya, may kuwarto pa nga ito.

    “C-Cass?”

    Ngumiti ako kahit na parang nanlaki pa saglit ang mga mata niya. Lumapit ako sa kaniya at napatayo naman siya.

    “Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong niya habang inaayos ang necktie.

    Nilapag ko ang paperbag na dala ko at lumapit pa para ako na ang mag-ayos ng necktie niya. Napatingin ako sa leeg niya at doon ko nakita ang mga namumuo niyang pawis.

    “Mainit ba? Naka-air-con naman dito, ah?”

    Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinigilan sa pag-aayos ng necktie niya. Siya na ang gumawa niyon at tumikhim muna bago tiningnan ang dala kong paperbag.

    Hindi ko na lang pinansin ang ginawa niya at umupo na. “Nagdala ako ng lunch para sa ’yo,” sabi ko at binuksan ito.

    “I told you not to—”

    “Ngayon lang,” agad na sabat ko.

    Bumuntong-hininga siya na ikinakunot noo ko na lang habang inilalabas ang mga pagkain.

    “Look, kung sisiguraduhin mo sa ‘kin na kumakain ka every lunch time, hindi na kita dadalhan dito. Pero see, wala kang pagkain sa lamesa mo at mukhang wala ka pang balak lumabas ng office mo.” Napabuntong-hininga na rin ako at hindi muna siya tiningnan.

    Napatingin din ako sa table niyang medyo magulo. Hindi pantay-pantay ang pagkakapatong ng mga folders, ‘yung ibang papers nahulog pa sa sahig.

    “Okay, hon. I will make sure na kumakain ako rito.”

    Napatingin ako sa kaniya. Tinitigan niya ako nang nakataas ang dalawang kilay, parang sinisigurado talaga sa ‘kin na gagawin niya nga ang sinabi niya. Dahan-dahan na lang akong napatango. Tumikhim siya at hindi na rin nagsalita. Sa kamay niya naman ako napatingin na nakapatong lang sa table niya.

    He was tapping his fingers on the table.

    Kumunot ang noo ko at tumingin ulit kay Bryan.

    Ginagawa niya lang ’yan kapag kinakabahan siya.

    “You looked nervous, why?”

    Napatingin din siya sa ‘kin at tumaas naman ang kilay ko nang itigil niya na ang pag-tap ng fingers niya sa table.

    “Hon?” nagtatakang tanong niya na parang hindi pa alam ang sinasabi ko. “I’m not nervous.”

    Ngumiti lang ako nang tipid at ipinakita sa kaniya ang ginawa kong pagtingin sa kamay niya, napatingin din siya ro’n at napaawang na lang ang bibig. Na-gets niya na yata ang sinasabi ko.

    “I know you, Bryan.”

    Umiling siya at tiningnan ang mga pagkaing dala ko. Ibinigay niya sa ‘kin ang isang baunan at binuksan.

    “Don’t mind me, hon. Bilisan na natin kumain at umuwi ka na.”

    Napangiwi na lang ako at napatitig sa kaniya. One hour naman ang lunch break niya at magiging mabilis lang ang pagkain namin pero pinapauwi niya na agad ako?

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now