Agad naman siyang sumimangot,
"O ano? Wag kasing assuming, kaya tayo nasasaktan e." Natawa na lang ako ng inirapan niya ako, ay ibuh. Umiirap na! Nginisian at binelatan ko na lang siya atsaka tinuloy yung tinatype ka, nagsearch na din ako sa google para dagdag idea. Nung matapos ko na ito ay sinave ko na agad. Nasa banyo si Anthony, gusto daw muna maligo kaya pagsasamantalahan ko na ang butihin niyang laptop.
Napunta ako sa iba't-ibang folders, nakita ko pa doon ang ibang pictures niya noong bata pa siya kaya hagalpak ang tawa ko. Mukha siyang timang sa ibang pictures niya! Binuksan ko ang facebook ko at pinagsesend yon doon at bumungisngis. Nung magsend na lahat ay nag log-out na ako.
Papatayin ko na sana yung laptop niya nung nacurious ako doon sa isang folder. Nakasulat kasi sa name ng folder is happiness, ano kayang laman nito? Hindi na ako nagdalawang isip at binuksan ko 'yon, agad na bumungad sakin ang mukha ni Lucy... napako ang tingin ko doon, parang bigla akong tinusok ng ilang libong karayom. Nakangiti si Lucy doon at naka peace sign, nakadress siyang kulay puti at puno ng disenyong bulaklak. Bagay na bagay sa kanya, noon pa man ay siya na ang nagturo sa amin ni bessy kung paano maging babae. Halos lahat sa dati naming school ay hinahangaan siya, kaya siguro pati si Jake ay nagustuhan siya.
Inilipat ko iyon at siya ulit ang nasa picture, nakalabas ang dila niya, wacky pose kumbaga, nakailang click na ako ng next at puro picture niya ang nakita ko, so... siya pala talaga ang happiness ni Anthony. Hindi ko maiwasang mainggit, nasa kanya lahat ng mahal ko, una si Jake, tapos ngayon si Anthony. I know, he already said that he's now over with Lucy, but I just can't help to get jealous. Kasi... kasi nandito pa din yung folder na 'to. Ugh! Napaka childish ko na.
Pinindot ko ulit yung next, at mas lalong sumama ang pakiramdam ko sa nakita kong picture. Mukhang selfie ito, selfie nilang dalawa. Nasa bundok yata sila dahil yun yung nasa background, pareho silang nakangiti ng malapad at halatang halata na masaya sila. Pinilit kong pigian ang paghikbi ko kaso hindi ko na iyon mapigil. Kada pigil ko kasi parang mas lalo niyang gustong kumawala.
"Margarette, tama na yan. Let's watch a mov--- oh shit!" Napalingon ako kay Anthony na nagpupunas ng huhok, nakasuot siya ng sando at jersey shorts. Mabilis siyang nagtungo sakin--- sa laptop niya pala atsaka iyon pinatay. Nung mapatay niya na yung laptop ay frustrated siyang tumingin sakin.
Ilang minuto din kaming nagtitigan at nauna siyang umiwas. Ramdam kong kabado din siya, hindi ko tinago na nasasaktan ako. Bakit pa, diba?
Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. Hindi ako gumalaw, niyakap niya ako. Nagulat ako doo pero hindi pa din ako gumalaw.
"Margarette... are you jealous?" Malumanay niyang tanong, kinilabutan ako sa boses niya sa hindi ko malamang dahilan.
Tiningnan ko siya ng masama. "Mukha bang hindi? Halata na nga tapos itatanong mo pa? Bigwasan kaya kita?" Inis kong tinanggal yung pagkakayakap niya atsaka tumayo, kinuha ko yung tray na pinaglagyan ng meryenda atsaka dinala sa kusina, ramdam ko namang sumunod siya sakin pero binaliwala ko lang.
Masama bang magselos? Girlfriend niya ako! Tapos nakita ko yung picture ng ex bestfriend ko na ex-loved niya na gf ng ex ko ngayon, at nakafolder pa with the name of happiness! Anong tingin niya sakin? Ganon kamanhid para hindi magselos? Ugh! Masisiraan na ako ng bait!
Padabog kong nilapag yungvtray sa lababo at muntik pang mahulog iyong baso don. Buti na lang at nasalo ko.
"Margarette naman, pati baso nadadamay na sa init ng ulo mo oh." Lalong kumulo ang dugo ko ng makita kong papalapit sakin si Anthony. Agad kong kinuha yung basong muntik ng mahulog atsaka umaktong ihahagis sa kanya, napahinto naman siya doon.
"Oh. Wait wait, chill!"
"Idadamay ko talaga 'tong baso, at lahat ng nandito sa kitchen kapag lumapit ka sakin!"
"Kalma okay? Let me explain!"
Inirapan ko siya.
"Then explain!"
Lalapit sana ulit siya kaya umakto ulit akong babatuhin siya.
"Okay, okay--- I get it. Hindi nako lalapit, pero ayaw mo bang kahit dalawang hakbang lang?"
"Ginagalit mo ba ako?" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Hindi ah. Ito na nga oh." Bumuntong hininga siya, hindi ko pa din binababa ang baso hanggang sa mag-umpisa na siya sa pagsasalita.
"I'll tell you our story. Lucy was my first love. She used to stay every time I need her, Stephan and the others don't know about her. She knows my secret and I know hers. She never tell me about a guy, kung may nagugustuhan na ba siya o kung may nakapukaw ng interes niya... but she's always telling me about... you."
Napakunot ang noo ko. Me?
"What about me?"
"Lagi ka niyang nakikwento, pati na din ang isa niyo pang kaibigan which I conclude na si Maxine. She said that she's very lucky to have the both of you in her life. Para daw siyang nagkaroon ng mga kapatid sa ibang magulang. Lagi niyang sinasabi kung gaano kayo kabait kahit na maldita at masungit..."
"Tanda mo ba noong tinulak mo siya at nagalit ako sayo? Kasi naalala ko yung mga kwento niya sakin, yung mga kwento niya na nagsasabi kung gaano ka niya kamahal bilang kapatid at kung gaano ka naging mabait sa kanya."
Napatitig na lang ako sa kawalan, totoo ba yon? If that's true bakit niya ako nagawang traydurin?
"But she betrayed me..."
"I know... when you run that time, I talked to her. She did not say what really happened between you and her but she said that it was her fault and not yours. Doon pa lang ay alam ko ng may mali ako. Kaya hinabol kita. "
Tumango ako atsaka tuluyan ng binitawan yung baso.
"...at doon pa lang nakaramdam na ako ng... uh hindi ko alam. Basta yon." Napatingin ulit ako kay Anthony at kitang kita yung pamumula niya na abot hanggang tenga.
"Matapos yon ay tinanong ko siya kung anong nangyari sa inyo. She told me what really happened. Nagalit ako, kasi hindi ko ineexpect na gagawin niya yon. At nasaktan din ako dahil noon ko lang nalaman na may mahal na pala siya."
Napangiti ako ng mapait.
"Kaya ba galit ka na din sa kanya? Kasi may mahal siyang iba?" Nagulat siya sa tanong ko pero agad din iyong nawala.
"Noong una, yun lang ang dahilan, pero nung tumagal napansin kong nagagalit na din ako sa kanya kasi dahil sa ginawa niya, nasasaktan ka. Margarette, listen to me okay? I loved her, past tense. Nakaraan, importante pa din siya sakin ngayon dahil kaibigan ko pa din siya. But I love you, pareho kayong mahalaga sakin pero sige, sabihin na nating umangat ka ng konti."
Agad ko siyang hinampas at sinamaan ng tingin. Gagong to.
"Joke lang. Syempre mas mahalaga ka kasi mas mahal kita. Ikaw ang present ko and I want you too to be my future."
Hindi ko alam pero sa simpleng sinabi niyang yon ay napangiti na talaga ako. Hay, salamat kasi dumating sa buhay ko 'tong baliw na 'to.
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 29
Start from the beginning
