Humigpit ang kanyang hawak sa patalin na may gigil. Basang basa pa ito ng tubig dahil sa lakas ng ulan sa labas.

"Sino ka!" Nabigla ang isang lalaki nang bigla nitong sinaksak sa leeg ang kasamahan. Nawala ang kalasingan nito at bubunot na sana ng baril ng ibaon mismo ni Fabio ang patalim sa dibdib ng kalaban. Oo, si Fabio nga ang misteryosong lalaki na siyang palihim na sumalakay sa mansion ni Lazaro.

Umikot bigla ang CCTV papunta sa gawi ni Fabio kaya't mabilis niyang hinila ang dalawang patay na katawan at itinago sa gilid. Napasandal pa ito sa pader dahil kamuntikan na siyang mahagip ng camera.

Matapos umikot ng CCTV ay nagpatuloy ito sa pag kilos. Kinapa niya ang susi sa nakahigang lalaki at nag babakasakaling ito ang susi sa loob ng mansion. Napangiti ito habang nanlilisik ang mga mata nang tumugma ang susi sa dulong pintuan. Pagkapasok niya'y sumalubong ang mamahaling mga sasakyan. Nasa garahe siya mismo ng mansion. Sumilip siya sa babasaging pinto at nakita ang ilang mga bantay. May humigit kumulang sampong armadong kalalakihan ang nakikipag halikan sa mga bayaring babae na nagbibigay ligaya.

Kita pa ang kalat ng pinong pinong shabu at alak, upos ng sigarilyo maging ang syringe na ginamit pang turok ng droga.  Malakas din ang base dahil sa pinapatugtog ng mga ito na para bang nasa isang party. Maraming babae ang hubo't hubad na sumasayaw at ang iba pa dito'y kung saan saan mo matatagpuan na nakikipagtalik. Ganito ang buhay ng mga sindikatong kabilang sa Black Organization, ang Black Estate.

Nasilayan pa nito ang lalaking tadtad ng tattoo sa katawan, ang kanang kamay ni Lazaro habang nakikipag tawanan at nag pupunas ng mamahaling baril. Hango sa alak habang ang dalawang babaeng nasa paanan ay nakatuwad na para bang ginawang aso dahil sa nakakabit na bakal sa leeg.

May napansin si Fabio, minorde ang ilan sa mga kababaihan dito at mukhang binihag nila. Bakas ang takot sa mga mata ng ilan habang ang ilan nama'y mukhang sanay ng sikmurahin ang pambababoy ng mga sindikato.

Isinuot niya muli ang hood at kumatok. Madilim ang kanyang mukha kung kaya't hindi ito masisilayan. Binuksan ng isang lalaking malaki ang pangangatawan kasama ang babaeng nakalantad ang hubad na sarili ang pinto. Napakunot noo ang lalaki at pasimpleng bumunot ng baril.

"Anong kailangan mo?" Tanong nito.

"Dumating na ba ang delivery boy?" Sigaw pa ng isang lalaki sa may likurang banda nito.

"Ikaw ba ang deli-" Naputol ang sasabihin nito ng iturok ni Fabio ang patalim sa may bandang kili kili ng lalaki. Nanlaki ang mata ng babae at sumigaw ng malakas. Bumulagta ang katawan sa sahig habang nangingisay.

Natahimik ang lahat at isa isang bumunot ng baril.

"Tarantado ka! Teritorya pa talaga namin ang napili mo!" Maangas na ani ng kanang kamay ni Lazaro.

"Sino ka?" Hindi sumagot si Fabio sa tanong nito at nakayuko lamang.

"Sabing sino ka!" Sigaw ng tauhan ni Lazaro. Sumenyas ito sa isang kasama na lumapit kay Fabio.

"Subukan mong manlaban papakainin kita ng bala!" Ani pa ng lalaki. Bigla namang tinanggal ng nasa likod ang hood na nakatabong sa ulo ni Fabio. Natigilan ang lahat.

Mas lalong nandilim ang aura nito at dahan dahang nag angat ng tingin.

"Montague! Isang Montague!" Naginginig na ang  boses ng isang armadong lalaki nang makilala si Fabio. Hindi nakagalaw ang kanang kamay ni Lazaro na si Big boy ang alyas. Nagkagulo naman maging ang mga prostitute at nagsipag takbuhan ng magsimulang magpaputok ng baril si Big boy at ang mga tauhan nito. Maraming nasawing mga prostitute dahil wala itong pakialam sa paligid, habang si Fabio ay mabilis na nakaiwas at nakapag tago sa gilid ng makapal na pader. Binunot ang dalawang baril at nag bibilang sa utak kung gaano niya katagal mauubos ang kalaban.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon