chapter seventeen

Start from the beginning
                                    

"Ano namang i eexplain ko?"

"Ano yun? Bakit karibal ko ata ang mga half sisters ko sa iyo. You look exactly like Emily Fields in real life that time."

"Its just a misunderstanding, Shay. Wag ka ng mag over think dyan masyado."

"Misunderstanding? Wag akong mag over think! God! Glaiza, pinagsasabay-sabay mo kami! Pinaglalaruan! Wala kang pinagkaiba sa Ama namin na ayaw pang sumalangit o suma impyerno nalang, good thing at babae ka, hindi ka makakapag punla ng sperm sa aming mga babae mo. Imagine kung nakakabuntis ka, magkakapatid na magpipinsan ang magiging mga anak naming magkakapatid sayo."

Bahagya niyang nailayo ang cellphone sa tenga niya dahil sa lakas ng boses nito.

"Ano? Bakit hindi ka na nakaimik dyan?"

Napakamot siya sa kanyang ulo kahit hindi naman makati.

"Shay! Please calm down first." Pagpapayapa niyo dito. "Second, wala naman talaga akong dapat i explain sayo dahil una pa lang ay sinabi ko ng walang tayo."

"Bakit ka pumayag na samahan ako sa mga lakad ko noon. Para saan ang mga kisses and hugs natin? Pinaasa mo lang pala ako! Ang sama-sama mo, Glaiza." Umiiyak na sigaw nito.

"Shh! Im sorry kung iniisip mong pinaasa lang kita. Pero hindi yun ganoon, Shay. Wag ka naman ng umiyak o."

"Ewan ko sayo! Magsama kayo ng mga mang aagaw kong kapatid!" Sabi nito pero hindi pa din naman pinapatay ang tawag. Rinig niya ang walang tigil nitong pag iyak at ang paminsan-minsang pagsinghot at paghikbi.

Napabuntong-hininga nalang tuloy siya.

"Tahan na, Shay. Mag usap nalang tayo kapag okay ka na, ha." Hindi ito umimik kaya naman siya na ang pumutol sa tawag nito.

Muli siyang napabuntong hininga bago muling nahiga. Naisip niyang tila nga ata mali ang interpretation ni Shay sa mga ikinilos niya noon dito. Napabuntong-hininga nalang siya ulet at saka nagtabon ng malaking unan sa mukha. Aayusin niya iyon pero sa ngayon ay matutulog na muna siya.

-------------

Rhian's POV

Pagkahatid sa kanya ni Glaiza ay agad na siyang nagtungo sa kanyang kwarto. Nagbabad siya ng ilang minuto sa bathtub habang iniisip niya ang magandang kinalabasan din naman ng pag si set-up sa kanila ni Krystal. Hindi pa nga lang ganoon kalinaw kung sila na ba ulit ni Glaiza basta ang alam lang niya ay okey na sila. Willing naman pati siyang maghintay. Kinuha niya ang kanyang cellphone at idinayal niya ang number ni Glaiza pero busy tone lang ang sumagot sa kanya. Inulit pa niya iyon ng ilang beses pero busy talaga. Kaya naman hinayaan na lang niya ito gaya ng dati.

-----------

Krystal's POV

Even though na de virginize ang mga mata niya sa nakita sa dalawa niyang Unnies ay masaya siya dahil kahit paano ay worth it ang ginawa niyang pagsisinungaling. Nakangiti at magaan tuloy ang pakiramdam niya na pumasok sa hotel room nila.

"Wow! Appa, Omma, someone is happy." Sabi ng Unnie Jessica niya sa kanilang parents.

Nakaupo ang mga ito sa sala at nanonood ng interview ng grupo niya sa Arirang.

"Come here, Soojungie baby." Inilahad ng Appa niya ang kamay nito sa kanya, pinatatabi siya nito sa mga ito.

Agad naman siyang lumapit dito. Kahit naman kasi nalaman niyang hindi ito ang biological father niya ay ito pa din ang kinilala niyang Ama sa napakahabang panahon at hindi magbabago iyon. Sumiksik siya ng yakap dito.

"Naku naman! Naglalambing yata ang bunso ko, ah."

"Appa, sarangghe." Aniya.

Hinalikan siya nito sa ulo. At maya-maya pa ay sumali na din sa yakapan nila ang Omma at Unnie Jessica niya. Tahimik pero masaya lang silang nag group hug na apat.

Masaya at buong pamilya √
Matagumpay na career at mga loyal na fans √
Bonus na mga Unnies at additional Appa √
Mababait at supportive na mga kaibigan √

Wala na siyang mahihiling pa. Ay, mayroon pa pala, world peace para sa ibang mga Unnies niya na parang may bumabalot na mga maiitim na enerhiya. 😄😅

-------------

Shay's POV

After siyang pagpatayan ni Glaiza ay galit siyang tumingin sa mga litrato nito na nakakapit sa isang panig ng kanyang kwarto.

"Hindi ako papayag na mapunta ka sa kahit na sinong babae! Akin ka lang, Glaiza! Akin!" Pagkausap niya sa mga stolen shots nito.

Saka siya tumawa ng tumawa habang lumuluha.

----------

Si Jamie at Daniella naman ay nag toast after nilang ma finalize ang kanilang so called evil plan. Pareho pang nakangisi ang mga ito.

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now