Napabuntong hininga ako. Ipipikit ko na sana yung mga mata ko nung napansin ko yung paligid. Umiilaw, napuno ng mga glow in the dark na stars at planets yung kwarto ko, oh my god. Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko yung glow in the dark na nasa ceiling. Walang hiya tong si Anthony!

"Anthonyyyyy!" Pagkapasok niya ay agad ko siyang pinagsasapak. Bwiset!

"Nakakainis ka! Kainis! Kaasar!"

"A-aray! Kalma Margarette! A-aw--teka..."

Agad niya akong niyakap at kinulong niya yung mga kamay kong nanghahampas sa kanya. Sasapakin ko to!

"Kalma..." nanghihina ako sa bulong niya. Bakit ganito...

"Will you be my girlfriend, Margarette Venice Park?"

This is the second time that somebody ask me that kind of question, but this is the first time that I feel some kind of butterflies inside my stomach. Darn it!

Hindi ko alam kung mangkukulam ba si Anthony o kung pinapakulam niya ba ako para mahulog ako ng ganito kalalim sa kanya. I know, nakalimutan niya na si Lucy, ramdam kong ako na lang. At alam ko din sa sarili kong handa na ulit akong magmahal. Siguro naman ito na yung oras na kailangan ko ding pasayahin yung sarili ko.

Nandito na din sina bessy at nakangiti sila sa amin. May alam kaya si bessy dito?

"I'm waiting Margarette.."

Napasimangot na lang ako, kahit kailan tong si Anthony napakamainipin. Pero di nagtagal ay napalitan din yung simangot ko ng ngiti.

"Oo."

"Ha?" Hay nako. Pinagmamadali niya ako tapos ngayon magbibingi-bingian siya. May topak e.

"Sabi ko, oo, girlfriemd mo na ako kaya humanda ka ng ma-under," nakangisi kong sabi. Ngumisi din naman siya,

"Damn! I'm ready, always ready."

Nagtawanan na lang kami atsaka niya ako niyakap. Hindi ko akalaing makikilala ko siya, hindi ko akalaing magmamahal ulit ako ng higit pa sa una. At hindi ko akalaing magiging corny ulit ako.

Matapos nung araw na 'yon ay nagkaayos na din sina Stephan at bessy, nasa ligawan stage na din ang dalawa. Lagi na din kaming magkasama ni Anthony. Sinusundo niya ako kapag uwian, hinahatid niya din ako sa school tuwing umaga.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Nakakamiss ang presensya nila, kapag nandyan sila sobrang ingay namin at puro tawanan, ngayon naman kahit kaming tatlo na lang ang magkakasama maingay pa din pero iba kasi kapag andyan sila. Hirap mang aminin pero nakakamiss sila ng sobra.

"Bessy, kumusta pala kayo ni Stephan?" Bukas ko ng topic, napahinto naman siya sa paglamon atsaka tumingin sa amin, katabi ko kasi si Lisa.

"Pinapahirapan ko pa din," nakangisi niyang sabi.

"E bakit mo pinapahirapan? Nagkaaminan na nga kayong gusto niyo ang isa't isa diba?" Inosentemg tanong naman ni Lisa.

"Syempre! Duh, para hindi naman ako easy to get gaya ng iba niyang babae sa past niya no! At least mahihirapan siyang makuha ako kahit na gusto ko siya at syempre mahihirapan din siyang kalimutan ako pag you know. Dumating sa puntong maghiwalay kami." Tuloy tuloy niyang sabi, nagkatinginan naman kami ni Lisa atsaka parehong nag make face.

"Hoy! Seryoso ako no!"

"Whatever,"

Ipinagpatuloy na lang namin yung pagkain namin, may klase pa kasi kami at may long quiz doon. Naiistress nanaman ako.

Pagkatapos naming kumain ay pinauna ko na sila sa room, dadaanan ko pa kasi yung libro ko sa locker ko. Iniiwan ko lagi yon doon dahil ang bigat bigat.

Pagdating ko sa locker area ay may iialng estudyante pa doon na kumukuha din ng gamit, agad akong dumiretso sa locker at binuksan yon, kinuha ko yung libro ko, isasara ko na sana ang locker ng may papel na nahulog mula doon.

"Kanino galing 'to?" Kinuha ko na lang yung sulat atsaka sinara yung locker ko. Habang naglalakad ako sa hallway pabalik sa room ay binasa ko yung paper.

To: Margarette Venice Park
From: LJ

LJ? Wala naman akong kilalang LJ e? At talagang alam niya ang buong pangalan ko ah. Stalker ko ba siya? Binuklat ko na ng tuluyan yung paper atsaka ulit iyon binasa,

Mag-iingat ka, gumagawa na sila ng hakbang para mawala ka...

Kinilabutan ako sa nabasa ko at muntik ko na 'yong mabitawan kasama na ang librong hawak ko. Ugh! Sinong bwisit ang magpaprank sakin ng ganito? Balak ba talaga nila akong patayin sa gulat at takot!? Imbyerna.

Sa panahon ngayon wala na talagang pinipiling gender ang pagiging bully, mapababae o lalaki nambubully na e. Pag talaga to nakilala ko, nako. Pagcocommunity service ko yon ng isang linggo. LJ, LJ, LJ-in ko mukha non e.

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon