"Doon tayo sa may bench! Umupo muna tayo," sabi ko na sinangayunan nilang lahat.

Pang tatluhang tao lang bawat bench, kaya kaming tatlo nila Celestine at Francine ang magkakasama sa isang bench, at yung tatlo naman ay sa kabila.

Nag usap-usap lang kaming tatlo, at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng tatlo sa kabila.

Nagulat kami nila Francine at Celetine nang lumapit si Steel sa amin. May dala-dala ito.

Napatingin kami sa bagay na binigay ni Steel. "Ano ito?" sabay-sabay naming tanong.

"Headband?" Napakamot pa si Steel sa kanyang batok.

"Alam namin!" sabay-sabay na naman naming sabi na medyo pasigaw pa. Napataaas ang dalawang kamay ni Steel na parang sumusuko.

"Hindi naman ako yung bumili niyan eh, bakit sakin kayo galit!" medyo sigaw rin ni Steel na nakanguso dahil sa pag-akusa namin sa kanya. May suot din siyang headband at may pabilog ito sa itaas na para siyang angel. It's a halo headband.

Napatingin naman kami sa dalawang kill joy nang lumapit ito sa amin, may suot din itong mga headband na katulad sa suot ni Steel.

"Susuotin niyo 'yan, o susuotin niyo?" Napairap ako sa sinabi ni Ream.

Hustisya naman kasi! Yung headband kasi namin may pasungay, at kapag sinuot namin ito magmumukha naman kaming demonyo.

"Bakit kasi ito yung binili niyo?! Ano kayo batas?" sigaw na tanong ni Francine.

"Yan lang ang natira. Alangan namang suotin namin 'yan? Hindi naman kami demonyo." Mas lalo akong napairap sa sinabi ni Nick, like sila kaya itong mga demonyo!

Pero sa huli wala kaming nagawa at sinuot namin ito. Kaming dalawa lang ata ni Francine ang nagh-hesterical dahil sa headband namin, at si Celestine naman ay tahimik lang, pero suot na rin ang headband.

Napatingin ako sa tatlong lalaki, na parang nagpipigil ng tawa. At napanganga ako dahil pati si Ream ay napapangiti. Ito ata yung first time ko na makita siyang ngumiti! I can't believe it!

"Hindi ka ba nagagalit Celestine?" tanong ni Francine.

Umiling si Celestine at tipid na ngumiti. "Appreciate na lang natin, at least binilhan at binigyan nila tayo."

Sumangayon ako sa isip ko dahil sa sinabi ni Celestine. Pasalamat nga kami at binigyan kami, pero... kainis lang talaga, demon headband talaga?!

Tumingin ako ng masama sa mga lalaking nagbigay ng headband sa amin na humihagikhik pa. Bakit ba kasi yung may sungay yung binili nila! kainis talaga! Nakakapang init ng dugo.

May narinig din kaming mga tao na nagbubulungan sa amin.

"Aww, they're cute." Anong cute sa amin? Sagot ng isip ko sa narinig ko sa mga bulungan. Hindi ko na lang pinansin ang mga tao na pinaguusapan kami.

"Sakay na tayo ng rides!" excited na sigaw ni Steel.

Pumunta na kami sa mga iba't ibang rides... At yung mga sinakyan muna namin yung mga mild lang muna, yung hindi nakakatakot.

"Carousel? Seriously Steel?" bagot na tanong ni Celesine.

"Syempre! Huwag natin sayangin yung ticket, kahit anong rides pwede nating sakyan 'no, saka mahaba pa yung oras." Wala naman kaming nagawa at sumunod kay Steel. Sumakay kami sa may Carousel, yung may mga kabayo tapos iikot lang ito. Karamihan ay mga bata ang nakasakay, may mga kaedad din naman namin na sumakay kaya hindi na nakakahiya.

Simple lang naman ang rides na ito, pero nakangiti ako dahil sa mga batang nagsisigawan sa saya, and kasama din nila ang mga magulang nila sa tabi na nakatayo.

"Hindi halata na gusto mo ang mga bata 'no?" tanong niya, nagulat naman ako. Siya kasi itong katabi ng kabayo ko. Napairap na naman ako.

"Pakialam mo ba?" mataray na sabi ko.

"Cute." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Ream. Umiwas na siya ng tingin sa akin, kaya napakagat na lang ako sa aking labi.

Palagi na lang niya akong ginugulat sa mga ginagawa at sinasabi niya. Muli na namang tumibok ng malakas ang aking dibdib, at mabuti na lamang maingay kaya walang makakarinig ng kabog ng aking puso.

Natapos na ang rides namin sa Carousel at nakatulala pa rin ako.

"Hoy! Bakit ka ba katulala diyan Trixy?" Napalingon ako kay Celestine.

"A-Ah wala. Ano palang next na sasakyan nating rides?" tanong ko na lang para hindi na magtanong si Celestine, alangan namang sabihin ko sa kanya na sinabihan ako ni Ream na cute ako—Argh! Baka mamaya nag a-assume lang ako, siguro hindi ako yung sinabihan niya ng gano'n, kasi may cute akong katabi rin sa Carousel na bata. Oo tama! 'yon yung sinabihan niya!

"Oh, nakatulala ka naman," sabi ni Celestine na tumawa, tapos inayos pa ang kanyang salamin.

"Ha? A-Ano nga ulit yung next na  sasakyan natin?" Napailing na lang si Celestine habang tumatawa.

"Sabi ko yung Frisbee." Napatango na lang ako. 'Yon yung ride na nakakaexcite... kasi thrilling talaga yung ride na 'yon, umiikot yung mismong gondola tapos iikot yung swing ng back and forth.

Hindi ko namalayan na kami na pala yung next na sasakay sa frisbee, nakapila na kasi kami kani-kanina pa.

"Kayo na lang ang sumakay," sabi ni Nick.

"Oo, kayo na lang," sang-ayon ni Ream.

Nanliit yung mga mata ko sa kanila, huwag mong sabihin na natatakot sila? Hmm??

"Baka natatakot kayo?" sabi ko na may paghimas pa sa baba ko na nakatingin sa dalawang KJ.

"Oo nga!" sabi ni Francine

Nagulat ako nang mauna pa ang dalawa na umupo doon sa may tinatawag na Gondola ng rides na Frisbee. Tapos na pala yung rides ng mga nauna kanina.

Natatawang napapailing na lang ako. Tignan natin kung takot talaga itong dalawa, hahaha. Umupo na rin kami sa Gondola

So yung mga naging magkakatabi ay...

Si Ream tapos ako sunod sa akin ay si Nick saka si Francine, sunod ay Celestine na katabi si Steel na nasa dulo.

Dapat katabi ko si Francine at Celestine. Bakit naging si Ream at Nick yung kababi ko?

Magrereklamo na sana ako pero nakaayos na yung seatbelt namin, at magsisimula na.

Napansin ko na tahimik lang yung dalawa kong katabi. Bakit kaya? Hmm...

Excited na ako sa rides, at the same time sa magiging reaksyon ng mga katabi ko.

Mukhang maganda yung mapapanood ko ngayon, sayang walang popcorn.

Napailing na lang ako sa naisip at napangisi.

--

HartleyRoses

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now