"Alyana." Nagulat ako sa pag lapit sa akin ng babae. Tama ba ang narinig ko? Alyana ang pangalan niya? Minsan ko ng narinig ang pangalan niya nang mag pang abot ang Kuya Matias at Fabio. Ito ba ang babaeng matagal ng minamahal ni Fabio?

Bakit?

Bakit malaki ang pagkakahawig ko sa babaeng ito? Hindi kaya ginamit lang talaga ako ni Fabio dahil nakikita niya sa akin ang dating minamahal na si Alyana?

"Tara kumain na tayo." Masayang ani ng mama ngunit nanatili ang masamang tingin ko sa kanilang dalawa. Nakita ko naman ang pag hawak ni Alyana sa braso nito. Kamuntikan pa akong mawalan ng balanse dahil sa biglang pagkahilo.

Kaagad na hinawakan ni Fabio ang aking braso at bumakas ang pag aalala nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin at saka itinaboy ang kanyang kamay.

"Hija are you okay?" Ani ng papa dahil sa pagkahilo ko.

"I'm okay maybe na stress lang ako sa school." Dahilan ko. Iniwas ko na ang tingin sa dalawa dahil sumisikip lang ang dibdib ko. Hanggang kailan ba ako parurusahan ng lalaking ito? Hanggang kailan mag dudusa?

Lumabas na kami ng mansion at nag tuloy sa garden kung saan naka handa na ang mga pagkain. Nasa tabi naman ang mga tauhan ng papa at naka bantay. Nasa isang parihaba kaming mesa. Katapat ko si Fabio at si Alena habang nasa gilid ko ang Kuya Matias na kanina pa tahimik. Nasa magkabilang sulok naman ang mama at papa. Hindi ko alam  ang magiging reaksyon. Ni hindi ko nga malasahan ang kinakain dahil sa lalim ng iniisip.

Nanatiling walang imik at seryoso lamang si Fabio habang nag kukwentuhan ang mama at si Alyana. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti ni Alyana ay siya namang pag kulo ng dugo ko. Hindi ko na alam kung makakayanan ko pa ba ang nakikita ko sa mga oras na ito.

"Magkaibigan lang po kami ni Fabio." Napaangat ako ng tingin sa binitawang salita ni Alyana. 'Yon lang ang nadinig ko sa pag uusap nila ng mama. Napakagat ako sa labi at muling tumingin kay Fabio. Mas nagulat ako dahil nakatingin na pala ito sa akin. Humigpit ang hawak ko sa tinidor nang makita ang pag tawa ni Alyana at pag hampas ng bahagya sa braso ni Fabio.

"Magkaibigan lang ba hija? Diyan nagsisimula ang lahat." Pagbibiro ng mama na siyang pumitik sa ugat ko sa ulo at nawalan na ng kontrol.

"Kaibigan nga lang diba? Ikaw ba ang magdedesisyon para sa kanila?" Natigilan silang lahat sa sinabi ko.

"Alena hindi ka namin pinalaki na maging suwail!" Ani ng papa. Hindi ko na matigilan pa at hindi ako nakapag timpi. Hindi ba at kagustuhan naman talaga nila ang lahat kung bakit naging ganito? Hindi ako naniniwalang wala silang alam sa nangyayare ngayon kay Fabio.

Masaya ba silang makitang nasasaktan ako? Mga wala silang kwenta! Gustong gusto kong isumbat sa kanila ang lahat ng 'yon. Gusto kong isisi sa kanila kung bakit kami nag hiwalay ni Fabio.

"I'm sorry, pagod lang ako. Excuse me." Kaagad akong tumayo at naramdaman ko pa ang pag hawak ng Kuya Matias sa kamay ko. Nabigla ako nang gawin niya ang bagay na 'yon. Nagkatitigan kaming dalawa. Duon lang niya ako tinitigan ng matagal at ganoon din ako sa kanya.

"Bitawan mo siya." Baritonong boses na ani ni Fabio. Napalingon ako dito at ngayo'y masama na ang tingin sa Kuya Matias. Nanatili kami sa ganoong posisyon, tila na estatwa ako dahil sa pagkabigla.

Montague Series 1: Sold to the Montague |R18| ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon