Chapter 33

834 27 1
                                    

X High
Chapter 33
Clexon's Pov

      "Kailan mo pa aaminin yang feelings mo Clex?" Biglang tanong ni Venuz sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"Fe-feelings...?"

"Feelings mo kay Zylith..." She said with a very serious tone.

"Anong pinagsasabi mo diyan Venuz! I---"

"Tsk! Deny pa eh halata naman na may gusto ka sa kanya. Pormahan mo na. May kutob ako na nanliligaw si Kezno kay Zylith." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Venuz.

Seryoso ba siya? Kaya ba lagi silang kasama ni Zylith at Kezno nung mga nakaraang araw.

Hindi ko rin naman masisisi si Zylith. Isa akong dakilang torpe. And yes, I like her. Pero...takot ako. Takot akong masaktan...

Ganyan naman lagi diba. Takot masaktan...takot na baka hindi niya ako gusto.

"Tulala ka ata?!" Venuz said.

"Wala na akong magagawa. Mukhang masaya na si Zylith kay Kezno. Bagay rin naman sila sa isa't-isa." Napayuko nalang ako sa aking sinabi.

"Suko ka na agad?! Manligaw ka rin sa kanya. Show her that you love her so much. Ipakita mo kay Zylith kung gaano mo siya kamahal. Wag kang nega!" Nakangiting sabi ni Venuz sa akin. Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Thanks for the support Venuz. I'll handle this by myself. Just don't worry. Liligawan ko siya pero di pa sa ngayon. Kailangan ko muna magready!" Napangiti ng malapad sa Venuz sa akin.

"Talagang gusto mo nga siya. Syempre nandito ako para suportahan ka. I'm your best friend!" She said kaya napangiti nalang din ako.

"Thanks Venuz!"

Zylith's Pov

    "Good morning Zy!" Ngiting sabi ni Kezno sa akin. Napangiti naman din ako sa kanya.

Ilang araw nang hindi nagpaparamdam ang 'deadly admirer' pero hangang ngayon kinakabahan parin ako dahil alam kong nandito lang siya sa tabi-tabi. Alam kong nagmamasid lang siya ngayon sa mga kilos ko.

Posible kayang may masamang plano yung 'deadly admirer'...

Paano kung idamay niya na naman ang mga kaibigan ko? Natatakot ako...

"Tulala ka ata?!" Kezno asked kaya natigil ako sa pag-iisip.

"A-ah...may iniisip lang."

"Iniisip mo ako?! Well, ok lang sa akin." Sabi ni Kezno kaya nabatukan ko ang gago.

"Hi guys!" Sigaw ni Clexon di malayo sa kinaroroonan naman. Agad naman akong kumaway sa kanya at mabilis siyang tumakbo papunta sa amin.

"Good morning Zy!" Natulala ako bigla. Te-teka...bakit ang gwapo ata ni Clexon ngayon?!

I mean...bagay sa kanya ang messy hair niya ngayon. He looks so cute.

"Sabay tayo kain Zy!" Nakangiting sabi ni Clexon.

"Sorry pero kasabay ko siya kain ngayon diba Zy?" Sabi ni Kezno at hinawakan ang braso ko.

"A-ah..."

"Lagi kayo sabay kain! Kami naman." Nakapout na sabi ni Clexon at hinawakan ang isa pang braso ko.

"No! Sabay kami!"

"No! Kami!!!"

"Kami!"

"Kami!"

"Kami!!!'

"KAMI!!!"

"KAMI!!!"

"SHUT UP KUNG AYAW NIYO IUNTOG KO YANG MGA ULO NIYO!" Sigaw ko sa kanila. Ang lalakas ng boses eh!

"Sabay nalang tayo kain Zy please!" Sabi ni Clexon at nagpuppy eyes pa.

"No! Sabay kami kakain ngayon."

"Wala! Wala akong kasabay ngayon. Bahala kayo diyan!" Sabi ko at naglakad palayo sa kanila.

"Zy wait!!!"

~*~

     "Hangang ngayon wala parin akong lead kung sino ang 'deadly admirer'. Kahapon inikot ko na buong campus at nagtanong-tanong na rin ako pero lahat sila ay walang alam." Wika ko kay Saquin na nakaupo sa harapan ko.

"Hmmm...mahirap tu!" Wika niya at nagcrossed legs.

"Teka! May na-interview ako kanina. Nakita niya daw ang isang tao na nakahood at mask. Bigla daw niyang kinaladkad si Xiara at bigla nalang daw natulala si Xiara at...parang kinontrol daw ito." Sambit ni Exel.

Tama ang mga hinala ko. Kinokontrol lang sila. Wala silang kasalanan...

"Kaya pala...so ibig sabihin, isang Red Rank Killer ang deadly admirer. Kaya niyang kumontrol ng tao." Seryosong wika ni Saquin.

"Let's investigate the red ranked killers tomorrow." Wika ni Venuz.

"Yeah...let's investigate!" Seryosong sabi ni Saquin.

"Tapos na muna tayo. Bukas natin ipagpatuloy ang pag-iimbestiga." Dagdag ni Saquin at napatango naman kami sa kanyang sinabi.

Kakayahan na kumontrol ng tao. Kumontrol ng tao...

Te-teka...posible kayang si...si Venuz ang may pakana ng lahat na ito. Posible kayang siya ang deadly admirer. Pe-pero bakit?

Sana mali ang kutob ko...

Sana nga...

Someone's Pov

     Tsk...so may plano na pala kayo huh! You think you can defeat me Zylith. Let's see...

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa isang babae na nakaupo at naka earphones. Sorry girl pero kailangan ko tung gawin sayo. Hahaha!

Tinapik ko siya kaya tinanggal niya ang kanyang earphones at lumingon sa akin.

"A-ano ang kailangan mo?" She asked and I just grinned at her.

"Ikaw..."

Unti-unti siyang nalulunod sa kapangyarihan ko.

"A-ano tu...tu-tulong..."

Hangang sa wala na siyang magawa at nakontrol ko na siya. Hahaha! Ang dali ng isang tu di gaya kay Xiara. Ang hirap kontrolin ng punyeta.

Agad akong lumapit sa kanya...

"Patayin mo si Zylith." Bulong ko sa kanya. I smirked...tagumpay na naman ako.

Hindi siya umimik at dire-diretsong lumapit kay Zylith na kakalabas lang sa classroom. Agad niyang inatake si Zylith gamit ang isang dagger. Agad na umiwas si Zylith sa mga atake niya.

Hahaha! Die Zylith! Die!

"Stop! Please stop!" Naiiyak na wika ni Zylith. Ahahaha! Sige! Iyak pa Zylith. Iyak pa!!!

"Please stop!"

Agad na tumulong si Clexon at mabilis na hinawakan ang kamay ng puppet ko.

"Die Zylith!" Wika ng puppet ko. Ahahaha! Ang galing ko talaga.

"Tigilan mo na tu. Kinokontrol ka lang. Please! Hindi ka namin sasaktan please!" Agad na kumawala ang puppet ko kay Clexon saka umatake kay Zylith.

"Zylith ilag!!!"

Hindi nakailag si Zylith at nasaksak siya sa kanang braso niya. Ahahaha! Sige pa! Patayin mo!!!

Biglang tumigil ang puppet ko. Shet! Makakawala na siya sa kapangyarihan ko.

"He-help me..."

I smirked! Silly puppet! Now it's your time to suffer.

"Kill yourself..." Mahinang wika ko at dahan-dahang inangat ng puppet ko ang dagger niya.

"N-no! Stop! Stop!!!"

Huli na dahil nasaksak na ng puppet ko ang puso niya. Ahahaha! You still can't defeat me Zylith...

To be Continued...

Ang tagal tagal tagal tagal tagal tagal tagal kong nakapag ud but anyways please leave a comment and vote on this chapter!!!❤❤❤

X HIGH: School For Aspiring KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon