Chapter 17

1K 29 0
                                    


X High
Chapter 17
Zylith's Pov

     "Please! Just leave her alone!" Sigaw ng isang batang lalaki.

"Do-don't tell them.." Sigaw naman sa isa pang batang lalaki.

"Run! Zylith! Run!!!" Sigaw naman sa isa ring batang lalaki.

Teka...Zylith? Bakit magkapareho kami ng pangalan?

Suddenly, nagsidatingan ang kay daming tao na nakahood at mask.

"Don't touch her!!!"

"Run Zylith!!!"

"Don't let them catch you!!!"

Nagpanic ang batang babae at agad itong tumakbo nang biglang binaril ito ng isa sa mga taong nakahood.

"NOOO! ZYLITH!!!"

"Hey! Gising na!!!" Malakas na sigaw ni Saquin sa akin at tinapik ang braso pati ulo ko.

Agad akong nagising. Ang weird ata ng panaginip ko...

"G-good morning!" Sabi ko at nag-unat ng kaunti.

"Good morning and bihis ka na dahil babalik na tayo sa X High. Our mission is done." Nakangiting sabi ni Saquin.

Dahil sa mga nangyari parang nakalimutan ko na kailangan pala naming bumalik sa impyern---este paaralan na yun. Tumango nalang ako saka mabilis akong naligo.

Nang matapos kami ni Saquin sa mga routine namin ay mabilis naming dinala ang mga bag papunta sa sasakyan. Nakita naman ako ni Exel at nagmagandang loob ito na siya nalang ang magdala.

"Thanks Exel!" Pagpapasalamat ko kay Exel.

"No probs." Nakangiting sabi niya at napangiti nalang din ako.

Agad akong pumasok sa loob ng van at nandoon si Clexon na nakangiti at kumakaway sa akin. Agad akong umupo sa dati kong pwesto.

"Babalik na tayo!" Excited na sabi ni Clexon.

Heh! Sila lang ata ang excited na excited bumalik sa impyern---este paaralan na yun.

"Oh? Ba't hindi ka ata masaya Zy?"

"Paano ako magiging masaya kung babalik na tayo sa impyern---este paaralan na yun." Nakasimangot na sabi ko at kinurot naman bigla ni Clexon pisngi ko.

Agad ko naman siyang nasuntok sa braso. Tumawa lang ang gago kaya mas lalong sumimangot mukha ko.

"Hahaha! Dapat maging masaya ka Zy dahil matatanggap na natin ang sweldo natin. Woohooo!!!" Masayang sabi ni Clexon.

Talaga?! Magkano!

"Woooaah! Magkano?"

"Ten thousand pieces!!!" Nakangiting sabi ni Clexon at hindi ko mapigilang mapangiti. TEN THOUSAND!!! Wow!!! Worth it naman pala pero sana sa susunod dagdagan naman nila. Ang hirap kaya pumatay ng tao!

"San natin makukuha sweldo natin?"

"Sa principal!" Sagot naman ni Venuz na nasa harap namin.

"Yung judge na nasa Killing Tournament noong nakaraang araw?" I asked.

"Nope! Yung judge na nasa killing tournament noong nakaraang araw ay ang owner and founder ng X High. Siya din ang nagtatag ng X High pati ang mga rules. Wala ring alam ang gobyerno sa X High. X high is a secret school for killers." Sagot naman ni Saquin na nasa tabi ni Venuz.

Napatango nalang ako sa sinabi ni Saquin. Bakit kaya nakahood at mask yung owner ng X High noong nakaraang araw? Pangit ba siya? May skin disease? O may tinatago lang siya sa mukha niya? Ewan pero yan pumasok sa isip ko eh.

Makalipas ang ilang oras sa pagbiyahe ay narating na nga namin ang X High. Napabuntong hininga nalang ako. GUSTO KO NA SANANG HINDI BUMALIK SA LUGAR NA TU?!

Sinundan ko lang silang Clexon at pumasok nga kami sa principal's office. Infairness ang linis!

"Good morning Principal Diana!" Ngiting bati ni Venuz sa isang babae na nakaupo habang umiinom ng kape.

Pakshet! Yan ang principal? Sigurado ba sila? Parang naligaw na model at ginawang principal! Heck! She looks like a goddess!

"Oh! Nagawa niyo ba ng maayos misyon niyo?" Nakangiting sabi ng principal.

"Kami pa! By the way, here's Zylith. Bagong student and bagong member ng team namin." Sabi ni Saquin sabay turo sa akin.

"Yeah I know! She's so cute and pretty. Mas maganda pa siya kesa sayo Venuz and Saquin!" Sabi ng principal at halos lumuwa mata ko sa sinabi ng principal.

"Yeah I know!" Sabay sabi nilang Saquin at Venuz. Sumang-ayon pa sila!!! Nakakahiya tu!!!

"Hehe! Hi-hindi naman!"

"No! I'm not kidding kidoo! I'm always serious at hindi ako nagjojoke." Nakangiting sabi nung principal. Sus ko lord!!!

"Well, here's your prize for making your job done!" Isa-isa niyang inabot sa amin ang envelope na may lamang pera. Waaah! Finally!

"Thanks po!"

"No! Wag kang mag-po sa akin. Sa matatanda lang yan! Say thanks Principal Diana, Miss Diana or Madame Diana." Ay! Ang arte ni ateng.

"O-ok! Thanks Miss Diana!" Nakangiting sabi ko.

"Good girl! Pwede kayong umalis." Nakangiting sabi ni Miss Diana kaya tumango nalang kaming lahat.

Lalabas na sana ako nang tinawag ni Miss Diana ang pangalan ko. Agad naman akong napalingon sa kanya.

"Yes, Miss Diana?"

"Your name is Zylith?" Tumango nalang ako sa sinabi ni Miss Diana.

"May masama ba sa pangalan ko?"

"Nothing! Parang nakalimutan mo ata..."

"Po?" Hindi ko marinig ang huling sinabi niya.

"A-ah. Nothing! You can leave my office now. Nag-po ka na naman sa akin." Hays! Ayaw niya talaga sa 'po'. Ayaw niya ata na rinerespeto. Hmph!

"O-ok! Thanks Ms. Diana." Sabi ko at lumabas na sa office niya.

Naghintay pa talaga si Clexon sa akin. Nakangiti siyang kumakaway sa akin kaya agad akong lumapit sa kanya. Kasama niya din si Zelan, Exel Venuz at Saquin.

"Tara shopping tayo Zy!" Nakangiting sabi ni Saquin .

"Aabsent tayo?"

"Asus! Ok lang naman. Excused naman tayo dahil kagagaling lang natin sa isang misyon." Sabi naman ni Exel.

"Ok! Tara!!!" Nakangiti kong sabi at sabay kaming pumunta sa mall.

Napalingon ako kay Zelan na seryosong-seryoso lagi ang mukha.

Hmm...pamilyar talaga ang mukha niya. Teka...

"WAIT! IKAW?!" Gulat na sabi ko sabay turo kay Zelan.

Siya lang naman yung lalaki na bumangga sa akin noong first day ko dito. Hindi pa siya nagsorry sa akin!

"What?!" He said with a cold tone. Napalunok laway tuloy ako.

"Ikaw yung bumangga sa akin. Magsorry ka sa akin dahil hindi ka nagsorry nun." Nakapamewang at mataray na sabi ko. Muntik ko nang makalimutan yun ah!

"Tsss...hindi ko sinadya yun. Pero okay! Sorry!" Walang ganang sabi niya.

"Good!" Nakangiting sabi ko.

Pero hindi pa rin...parang kilala ko na si Zelan noon. A-at pati si Clexon at Exel.

Tuwing nakikita ko sila ay parang umiiba ang nararamdaman ko lalo na si Clexon. It feels like...nakilala ko na sila noon pa.

Bakit ganito...nagka-amnesia ba ako?

To be Continued...

X HIGH: School For Aspiring KillersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon