Chapter 32

908 29 2
                                    


X High
Chapter 32
Zylith's Pov

           "Kuya nooo!!!" A little girl shouted at mabilis na tumakbo papunta sa kanyang kuya. Agad siyang humarang sa kanyang kuya...

*Bang*

Malakas na putok...at tumama ito diretso sa ulo ng batang babae.

"N-nooo...Nooo!!!" A little boy shouted.

Agad akong napabangon at halos hindi ako makahinga dahil sa napaginipan ko. Ano ang ibig sabihin ng panaginip na yun?

Agad akong dumiretso sa kusina at uminom ng tubig. Ang dami ko atang problema sa mga nakaraang araw. Ang dami kong iniisip...nalilito na ako at naguguluhan.

Agad akong naligo at nagbihis upang pumasok ng maaga sa klase. Nang biglang may kumatok sa pinto. Agad ko naman itong binuksan at bumungad si Kezno na may dalang tsokolate at bulaklak.

Isa pa tu si Kezno. Hindi ako makapaniwala na seryoso siya sa kanyang mga sinabi. He's wearing his sweet and heart melting smile.

"Ang aga mo Kez ah!" Sabi ko sa kanya saka niya inabot ang bulaklak at tsokolateng hawak niya.

"Because I want to see you." He said then he stared at me.

"You look so beautiful as always." Dagdag niya sa kanyang sinabi. Nanginit tuloy pisngi ko sa puri niya sa akin.

"A-ah! Tara na Kez. Malelate na tayo nito." Sabi ko then he chuckled and smiled at me. Shet! Ang gwapo ng manliligaw ko!!!

"May suklay ka pa nga sa ulo. Haha!" He said then he chuckled.

"Wha-what?! Waaah!" Sabi ko at mabilis na inilagay ang suklay sa bag ko.

"Ta-tara na..." Ang awkward ng feeling. Nakakahiya!!! May suklay pa pala sa ulo ko.

"Good morning Zy!" Bati ni Exel sa akin.

"Good morning!"

"Zylith! Alis na ako ah! Susunduin kita dito at sabay tayong kumain. Okay ba?" He said with a very sweet smile.

"O-okay."

"Great! See you!" He said then he winked at me.

Naupo nalang ako sa aking pwesto habang si Exel ay nakakunot noo sa akin.

"What?"

"Bakit sasabay ka sa kanya kakain? Diba sabay tayong tatlo kumain ni Clexon ngayon? Nakalimutan mo ba?!" Nakapout na sabi ni Exel at umiwas ng tingin sa akin.

A-ah...oo nga pala! Nakalimutan ko ata sa dami ng iniisip ko.

"Oo nga pala. Sabay nalang tayo apat kumain. Ok lang ba sa inyo yun?"

"Sinong ikaapat?" Sulpot na tanong ni Clexon sa akin.

"Si Kezno!" Sagot ko at tumaas kilay nila sa sinabi ko.

"Kezno? Pero dapat tayong tatlo nalang. Wag nalang natin isama si Kezno." Sabi ni Exel.

"Why?"

"A-ah! Isama nalang natin si Kez. Sabay nalang tayo kumain apat. Okay!" Nakangiting sabi ni Clexon sa akin.

"Okay! So saan tayo kakain?" I asked.

"Sa mall, pwede?" Sabi ni Exel at napatango naman kami ni Clexon.

"Sige! This Lunch ah!" Sabi ni Clexon at napatango naman kami ni Exel. Suddenly, someone shouted my name.

Don't tell me...

"ZYLITH! May naghahanap sayo sa Gym!" Hays! Akala ko ganun na naman ang mangyayari. Yung may sisigaw sa pangalan ko tas aatakehin ako tapos sa huli papatayin lang pala nila ang kanilang sarili.

Nakakasawa na kasi...

Mas naguguluhan lang ako sa may nangyayari. Pero teka...sino naman kaya ang posibleng maghanap sa akin. Sa gym pa...s-sounds suspicious...

"Sigurado ka?"

"Yup! Nandito sa sulat eh! Tignan mo!" Sabi ng kaklase ko at inabot ang isang sulat.

Nagulat ako nang makita ang sulat. S-si...Deadly Admirer ang nagpadala ng sulat na tu. Gusto niya ako makita...

"Wag kang pupunta. Kami bahala!" Sabi ni Clexon at mabilis na hinablot ang sulat.

"Pe-pero..."

"Kami na bahala Zy. Kay namin tu!" Wika ni Exel.

Pero...problema ko tu. Ako dapat ang umayos nito.

"Hindi! Makakaya ko tu. Problema ko tu at ayaw ko kayong idamay. Gusto kong alamin kung sino nga ba si Deadly Admirer." Seryosong wika ko sa kanila.

"No! Sama nalang tayo. Tara na sa Gym!" Sabi ni Exel at mabilis kaming kinaladkad palabas ng classroom. Ewan ko kung pwede ba tung ginagawa namin. Cutting class na tu eh!

"Wait...diyan lang kayo. Ako na papasok." Sabi ko sa kanila nang makarating na kami sa Gym.

"But---"

"Dito lang kayo. Kaya ko tu! Trust me okay!"

"O-okay! Back-up kami! Sumigaw ka kung may umatake sayo!" Sabi ni Exel at napatango nalang ako.

"Be safe and be careful! Okay?" Sabi naman ni Clexon sa akin.

"Kaya ko tu. Wag masyado mag-alala!" Sabi ko at pumunta na sa loob ng Gym. Kumuha sa atensyon ko ang isang piraso ng papel na nasa sahig.

I took the paper at binasa ang isang sulat...

So...nagustuhan mo ba ang mga pasabog ko. Wag kang mag-alala...mas pasasabugin ko utak mo kakaisip. At pag sumabog na ito...PATAY KA NA!!! Ily bye!

- deadly admirer

Nagulat ako sa aking binasa nang makarinig ako ng putok mula sa aking likuran. Agad akong humarap at mabilis kong nasalo ang bala na tatama sana sa ulo ko. Nakita ko sa di malayong direksyon ang isang tao na nakahood at mask.

May hawak siyang baril at sunod-sunod niya itong pinaputok. Agad kong nasalo lahat ng bala saka dumating sina Clexon at Exel.

"Habulin natin siya!" Sabi ni Clexon. Agad naming hinabol yung taong nakahood. Ang bilis niya tumakbo kaya hindi na namin ito nahabol pa.

Pero sino yun?!

Siya ang deadly admirer. Siya ang totoong may balak na patayin ako. May inosente siyang dinamay...lalo na si Xiara. Pero pano niya ginawa yun. May gayuma ba siyang ginamit kay Xiara at sa iba.

Hangang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Pero ngayon ay alam ko na iisa lang ay may balak na patayin ako. Walang balak silang Xiara at yung...nadamay lang sila.

Malalaman ko rin kung sino ka deadly admirer at pag malaman ko na kung sino ka...humanda ka sa higanti. Humanda ka sa higanti sa pagdamay kay Xiara at ibang inosenteng estudyante dito. Humanda ka...

Someone's Pov

           "So Lailenee...alam mo ba, kaunting araw nalang at matutuloy na ang plano ko. Ayaw mo bang sumuporta?" Wika ko kay Lailenee habang ako'y nakaupo. Napataas kilay niya sa akin at tinignan ako ng masama. I just smirked at her.

"Master please! Gumising ka! Walang patutunguhan yang plano mo. Wag mo nang ituloy. Maraming estudyante ang mawawalan ng buhay dahil diyan sa plano mo!!!" Galit na sabi ni Lailenee then she slammed my table.

"Oh? Ganun ba? Sorry Lailenee. Di ko ata alam yan. Unfortunately, hindi ako kagaya mong duwag. Isa kang duwag MY SISTER!" I said and grinned at her.

"You are not my brother anymore kaya wag mo akong tawaging SISTER!!! Hindi ka na gaya ng dati KUYA..."

To be Continued...

Nawala akong ng ilang linggo tas....tas...

X HIGH ACHIEVED #38 IN MYSTERY THRILLER!!! WAAAH!!!

Thanks for reading X High. Please vote! Lovelots!

X HIGH: School For Aspiring KillersKde žijí příběhy. Začni objevovat