Chapter 13

1.1K 31 0
                                    


X High
Chapter 13
Clexon's Pov

  "Of course! Nag-aalala ako kasi kaibigan kita!"

Ye-yeah...I'm just her friend. Bakit ko ba nakalimutan ang bagay na yan?! Pero damn...masakit!

Hindi niya ba talaga ako naaalala? Hindi niya ba ako namumukhaan? Pano kung sasabihin ko sa kanya...

"Ye-yeah...thanks for your concern my friend..."

Argh! Bakit ba ako naiiyak?! Lalaki ako pero...KAINIS! Agad akong umiwas ng tingin kay Zylith dahil parang mabibiyak na ang puso ko sa sakit.

I'm just her friend...but I like her since I was a kid. Hindi niya ba talaga ako naaalala. Paano kung itatanong ko sa kanya...

Nagulat ako nang tumulo bigla ang luha ko. Argh! Ako na talaga ang pinakamahina na lalaki pagdating sa ganito.

Kanina parang gusto kong sapakin sarili ko nang makita si Exel at Zylith. Bakit ba kasi ang torpe ko!

"Clex!!! Okay ka lang, bakit ka umiiyak?!" Gulat na sabi ni Zylith. Heck! She saw my tears.

Mabilis akong tumayo. Saka umiwas ng tingin kay Zylith.

"Wa-wala...okay lang ako!" Nauutal na sabi ko at mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko.

Nahiga ako sa aking kama at napabuntong hininga. Alam ko kung ano talaga so Zylith...alam ko kung bakit siya napunta dito. Alam kong siya yung batang babae...

Pero bakit parang hindi niya ako naaalala?

Zylith's Pov

  Bakit ganun...bakit umiiyak si Clexon? May problema ba?

Biglang lumapit sa akin si Venuz saka ito umupo sa tapat ko. She smiled at me kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"I saw his tears..." Seryosong wika ni Venuz.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Nakita niya pala...

"But don't worry Zylith. He'll be alright. But...I know ikaw ang nagpaiyak sa kanya." Hindi ko marinig ang huling salitang sinabi niya. Her smile became a mischievous one. I suddenly feel a chill...bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya.

"Try to make him cry again...or else you'll die!" Bulong niya saka siya tumayo at ngumiti sa akin. Hindi ko marinig ang kanyang sinabi pero alam kong...may pagbabanta sa kanyang mukha.

"Sorry Zylith! Creepy lang talaga ako minsan. Lalo na sa mga nagpaiyak sa kanya." Hindi ko marinig ang huling sinabi niya.

"O-okay l-lang..." nauutal na wika ko. Hindi parin nawawala ang takot na nararamdaman ko kay Venuz. She looks so serious...

"Wag kang matakot sa akin Zylith! We can be friends if you want to." Nakangiting sabi niya.

"O-okay! Thanks!" Nakangiting sabi ko pero hindi parin nawawala ang nararamdaman ko sa kanya. Nandun parin ang kaba at takot ko...

She's a red ranked killer. She can hypnotize me...she can kill me anytime and anywhere.

"You're welcome!" Nakangiting sabi niya saka naglakad palayo sa akin. Napahinga ako ng malalim...bakit bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at takot kay Venuz?

Ano ang mga binulong niya sa akin kanina? Bakit parang gusto niya akong patayin...

At isa pa si Clexon. Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan ko siyang tanungin kung ano ang kanyang problema...

~*~

  "So, alam na natin na ang target ay isang mafia. Nalaman namin ni Saquin ang apat na kasabwat niya." Seryosong wika ni Zelan saka pinakita sa amin ang apat na papel na naglalaman ng picture at impormasyon ng kasabwat ni Rodel...buti naman at wala doon ang ina at ama ko.

"Ang apat na tu ay may malalaking posisyon sa gobyerno. Ang apat na tu ang uunahin natin saka natin papatayin ang main target." Tumango lang kami sa sinabi ni  Saquin.

"Gusto ko hatiin natin ito. Ako at si Saquin ang papatay nitong isang kasabwat. Venuz at Exel, kayo sa isang tu. Clexon at Zylith, kayo naman sa isang tu. Edge at Waze, kayo sa huling kasabwat." Seryosong sabi ni Zelan at inabot sa amin ang mga papel.

Nagulat ako nang makita ang papel na hawak ko.

Si Mayor Bernard...

Hindi ko aakalaing kasabwat pala ang mayor na ito sa isang gang. Kaibigan rin siya ng ama ko. Mabait naman siya at sa katunayan lagi ko siyang nakikitang nakangiti.

Isa din siyang mabuting mayor at marami na din siyang natulungang mahihirap na tao.

Matapos ng meeting ay sabay kami ni Clexon na umalis sa hotel at sumakay sa isang kotse. Kami lang dalawa ang magkasama at ang tahimik niya. Wala siyang imik at seryosong nagdradrive.

Hindi ko magawang makapagsalita. Ang awkward masyado ng feeling. Nakakabingi masyado ang katahimikan.

"Ummm...san nga pala tayo pupunta Clex?" Sabi ko kay Clexon.

"Sa target...sinusunod ko lang ang nandito sa mapa." Seryosong sabi ni Clexon.

Hindi ko alam kung ano ang problema niya pero parang ang cold niya ata sa akin ngayon. Galit ba siya sa akin? May nagawa ba akong mali sa kanya...

"Clexon...ok ka lang ba?" I asked him with my serious tone. Huminto bigla ang kotse.

"Nandito na tayo..." He said with a cold tone.

Tumango ako at lalabas sana ako sa kotse nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya and he stared at me seriously.

"Just stay. Dito muna tayo. Obserbahan muna natin ang target." Seryosong sabi ni Clexon and I nodded.

Inayos ko ang pagkakaupo ko pati si Clexon.

Napalingon ako sa kanya na nakapikit. He looks so cute...

Nagulat ako nang idilat niya ang kanyang mata at seryosong tumingin sa labas. Napalingon nalang din ako sa labas at nakita ko si Mayor na parang hindi mapakali at nagmamadaling pumasok sa kanyang bahay.

"Ano na ang gagawin natin?" I asked.

"Let's be cool. Maghintay muna tayo ng ilang oras." Seryosong sabi ni Clexon at tumango nalang ako. Bumuntong hininga nalang ako.

"Ummm...kanina Clex---"

"I'm alright! Don't worry about me." Seryosong pagpuputol niya sa sasabihin ko.

Tumango nalang ako.

"I'm tired. Bukas nalang natin yan patayin." Seryosong sabi ni Clexon.

"Babalik nalang tayo sa hotel." Sabi ko.

"No. Hindi pwede kasi mapapagalitan tayo ni Zelan. Dito nalang muna tayo." He said then he closed his eyes.

Napatango nalang ako saka inayos ang sarili ko. Makalipas ang ilang oras, hindi parin ako nakakatulog.

Napalingon ako kay Clexon na nakapikit at ang himbing ng tulog. He really looks cute when sleeping...

Hindi ko matatangging gwapo si Clexon. He have his white skin, his red and kissable lips and his cute dimples when he smile. He also have his blue eyes.

What if tatangalin ko ang kanyang salamin? Mas gwapo kaya siya kung tatanggalin ko ito!

Linapitan ko si Clexon and I smiled. Saka ko hinawakan ang kanyang eyeglass.

Baka magalit siya? Or baka mapatay niya ako?

Bahala na! Tulog naman tung lalaking tu!

Dahan-dahan kong kinuha ang salamin niya. He looks...so handsome!!!

Wait...

He looks familiar...

Suddenly, nagulat ako nang dumilat ang mga mata ni Clexon. I was shocked...

Ewan ko pero bakit parang pamilyar ang mukha niya. Bakit parang nakilala ko na si Clexon noon...

May nakalimutan ba ako...

To be Continued...

X HIGH: School For Aspiring KillersWhere stories live. Discover now