"T-Takot ka sa matutulis na bagay?" Tumango lang ako sa sinabi niya.

Mabuti na lang at kumalma na ako, ayoko na ulit maramdaman ang naramdaman ko kanina. Nanghihina ako.

"S-Sorry Trixy."

"Ayos lang."

Hindi naman alam ni Francine na may phobia ako roon, kaya ayos lang sa akin. Huwag na lang sana maulit.

"Bakit ka nga pala takot sa mga matutulis na bagay?" umiling-iling ako.

"H-Hindi ko rin alam. Wala akong maalala," 'yon lang ang nasagot ko at tumahimik na lang si Francine, siguro napansin niya yung takot sa mata ko kanina.

"Punta lang akong CR," pag papaalam ko sa kanila at tumayo ako sa aking pagkakaupo at pinagpaggan ko ang uniform ko.

"Samahan ka na namin."

"Dito na lang kayo, aayusin ko lang ang sarili ko. Babalik din ako kaagad."

Agad akong naglakad at pumunta sa CR ng girls. Habang nasa loob ako ng isang cubicle ay may narinig akong pag bukas ng pinto ng CR at may mga panibagong pumasok rin sa loob.

Paglalabas sa cubicle ay nag hugas lang ako ng aking kamay at naghilamos ng mukha para mahimasmasan kahit papaano.

"She’s here, right? Subukan nga natin yung nakita natin na nangyari sa kanya. Ang kapal ng babaeng 'yon, makalapit-lapit siya sa Ream ko," narinig kong sabi ng isa sa mga babae at bigla akong nilingon.

Nakaharap ako sa salamin at nakita ko ang apat na babae, pamilyar yung isa sa kanila, siya yung nakita kong kahalikan ni Ream, noong umakyat ako sa likod ng school para makapasok pero nahulog nga ako.

Nakatingin sila sa akin ng masama, lalo na yung babaeng nakahalikan ni Ream

"Hoy babae! Ang kapal ng mukha mo na lumapit-lapit kay Ream at kinaibigan mo pa talaga yung kambal niya, ang landi mo talaga, para-paraan ka rin 'no. Alam mo bang akin lang si Ream?" Taka akong napatingin sa mga mukha nilang mukhang coloring book.

Bakit inaagaw ko ba sa kanya si Ream?

"Saksak mo sa baga mo si Ream," mahinahong sabi ko habang binabasa ko ang kamay ko sa gripo.

"Aba't! Girls, now!" may inilabas sila sa kanya-kanya nilang bulsa. Ballpen 'yon.

At ngayon ko narealize na nakita nilang ang nangyari kanina sa amin ni Francine. N-No! Ayoko na ulit mangyari 'yon.

Napaatras ako ng binukasan nila ang takip sa ballpen at unti-unting itinapat sa mukha ko.

N-No! Trixy kaya mo 'yan! Huwag kang kakabahan. Nagsisimulang manginig ang katawan ko

"Girls! It's working!" sigaw ulit ng babaeng nakahalikan ni Ream, na parang siya ang leader sa grupo nila.

Patuloy pa rin silang lumalapit at pati na rin ang mga ballpen nila.

Napaupo na ako ng pader na ang nasandalan ko.

"N-No! Ilayo niyo sa akin 'yan!" Patuloy pa rin sila sa paglapit ng ballpen. Sobrang lapit.

May naalala na naman ako, mga grupo ng doctor na may hawak na syringe

Umiling-iling ako. Masakit yung turok nila sa akin. Parang nawawala na ako sa aking sarili.

"Mommy! Daddy! H-Help me! Ayoko rito, ayoko! Sinasaktan nila ako!" Hindi ko napansin at tumulo na pala ang luha ko.

Hinang-hina na ako, hindi ako makahinga. Narinig ko ang mga tawanan nilang mga babaeng kaharap ko, pati na rin yung mga doctor na may hawak ng syringe.

Napatakip ako sa aking tenga para hindi marinig ang mga tawanan nila.

"Ayoko na! T-Tama na po, m-maawa kayo sa akin" patuloy lang ako sa pagmamakaawa.

Narinig kong nagtawanan ang mga babae "Wala, mahina pala ito girls. Nang dahil sa ballpen? Let's go na nga, sinasayang lang natin ang oras natin sa kanya."

Narinig ko pa ang tawanan nila, hanggang sa makaalis na sila ng Cr.

Gumapang ako sa sahig para makalabas at makahingi ng tulong, nandito pa rin ang takot sa akin.

Nagmamakaawa pa rin ako, hindi ko alam kung bakit. Natatakot ako, ayokong mag isa.

"T-Tulungan mo ako." May nakita akong isang lalaki at hinawakan ko yung pants niya.

Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. "Trixy?! Ano nangyari sayo?" si Nick 'yon.

"A-Ayoko r-rito, t—tulong." Hindi pa rin ako nakakabalik sa aking sarili, parang nandoon pa rin ako sa lugar kung saan maraming mga doctor o mga taong naka lab gown... I don't know.

"Trixy!" Huling narinig kong sigaw ni Nick.

Naramdaman ko pa ang pagsalo niya at pagbuhat sa akin, bago dumilim ang aking paningin at mawalan ng malay.

--

HartleyRoses

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now