Tumakbo agad ako sa may likod ng school at nang makarating ako ay medyo mataas 'yon. Sinukat ko kung kakayanin ko ba, pero kakayanin ko naman ata.

Napatingin ako sa sarili ko "Ano ba 'yan! Nakapalda lang ako, paano ako nito— hayaan na nga, kaysa naman makita niya ako, saka ngayon lang naman dahil malapit na rin akong ma-late!"

Sinimulan ko na ang pag akyat, at medyo nahirapan ako, mabuti na lang isa ito sa pinagaralan ko. Ngayon ko na ata magagamit lahat ng natutunan ko, salamat kay dad at pinilit akong mag-aral para sa mga ganitong bagay.

Nasa tuktok na ako nang may makita akong dalawang tao sa baba

Si Ream?! May kasama siyang babae at naghahalikan sila.

Dahil sa nakita ko, hindi ko namalayan at nadulas ang isa kong paa— at malalaglag ako!

"Ahh!!!" malakas na sigaw ko, wala na akong magawa at tanggapin na lang na mahuhulog ako. Bahala na!

Nanlaki ang mata ko sa pagkakabagsak ko.

For the second time, nag lapat na naman ang labi namin ni Ream.

Sinalo niya pala ako sa aking pagkakabagsak, at si Ream ang nasa ilalim ko at ako ang nasa ibabaw.

Pati rin siya ay nagulat sa nangyari.

Agad ko siyang tinulak nang malakas, nang makita ko yung babae na nagulat din sa nangyari. Nakita ko sila na naghahalikan kanina tapos, makikiss ko si Ream? Kadiri!

"A-Aray!" napahawak ako sa balakang ko na masakit pero pinilit ko pa ring tumayo at kinuha ang bag ko

"You! Woman! What are you doing there?" Tinuro ni Ream yung inakyatan ko kanina.

"Alam mo naman siguro na may gate tayo diba?" dugtong niya pa. Naalala ko na naman tuloy yung lalaki na nakita ko ng pangalawang beses.

"A-Ahh may humabol kasi sa akin. Sige bye!" Agad akong tumakbo at narinig ko pa ang tawag sa akin ni Ream pero wala na akong pakialam, malapit na nalapit na akong ma-late sa klase ko.

Habang tumatakbo ay pinunasan ko ang labi ko ng scarf na dala ko, kadiri pagkatapos nilang maghalikan, nadamay pa yung labi ko sa karumihan nila.

Napahinga ako ng malalim nang pagdating ko ay wala pa si Mr. Cruz.

Nagpasurprise quiz lang si Mr. Cruz at halos lahat kaming mga classmate ko ay nagreklamo pero wala rin naman kaming nagawa. Mabuti na lamang at may alam ako sa quiz namin kahit papaano.

Halos lutang ako sa klase namin at hindi ko napansin na lunch break na pala, mabuti na lang at nagturo lang ang iba kong teacher.

"That's all for today, class dismiss." Inayos ko ang gamit ko at lumabas na ng room.

Nakita ko kaagad sa labas sina Celestine na nakangiti at si Francine naman na kumakaway.

"Trixy! Sabay na tayo mag lunch." Tumango na lang ako at sumunod sa kanilang mag lakad.

Habang kumakain kami ay nag-uusap lang kami, minsan ay nagtatawanan.

Nakita ko si Steel na naghahanap siguro ng lamesa dito sa canteen. Loaded na kasi kaya wala ata siyang mahanap na table.

Actually hindi naman loaded, may mga table na hindi naman puno, ino-occupy kasi ang isang table kahit dalawang student lang nakaupo ay wala ng makiki-share sa table.

Pero dahil sikat siya, karamihan sa mga babae ay niyaya siya na doon na lang umupo

"Papa Steel dito ka na lang sa table namin!"

"Dito Steel malawak yung table namin, yayain mo pa sila Ream at Nick."

"Bigay na lang namin yung table sa inyo!"

Marami pang nagsigawan at si Steel naman ay nalilito kung saan titingin.

Hindi ko alam pero tinaas ko yung kamay ko. "Steel!" nang makita ako ni Steel agad na napangiti ito.

Takang nakatingin sa akin si Celestine at Francine, pati na rin ang mga tao sa loob ng canteen.

"Dito!" sigaw ko pa, lumapit naman si Steel.

Umupo siya sa tabi ko, pabilog yung table namin at kasya ang anim na tao, tatlo lang naman kami kaya pwede na si Steel. Pero nagsisi ako dahil kasama pala ni Steel sila Ream at Nick na may dalang pagkain.

Bigla akong napaiwas ng tingin nang makita ko si Ream, naalala ko yung nangyari kanina

Umupo na sila, ang katabi ko ay sina Steel at Francine, si Francine ay katabi si Celestine, na katabi si Ream, at si Ream naman ay katabi si Nick, na katabi si Steel. Paikot kasi yung table.

Lahat ng tao sa loob ng canteen ay nakatingin sa pwesto namin at yung iba naman ay nagbubulungan.

"Yown! Ang saya nito," masayang sabi ni Steel at kumuha na agad ng pagkain. Kumain na rin yung iba. Ako naman ay tahimik lang na kumakain at iniiwasan na magsalubong ang tingin namin ni Ream.

Siniko ko si Steel sa ilalim ng lamesa kaya taka siyang napatingin sa akin, bumulong ako ng hindi mapapansin ng iba "Steel, hindi mo ako sinumbong?"

Umiling lang si Steel habang may subo-subong fries. Mabuti naman. Tumuloy na lang ulit ako sa pagkain.

Napansin ko si Steel na nakatulala, at sinundan ko yung tingin niya, nakatingin siya kay Celestine. Tinignan ko ulit si Steel at kay Celestine nga siya nakatingin.

Siniko ko ulit siya sa ilalim ng table "Huy! May gusto ka kay Celestine 'no?" bulong ko para hindi marinig ng iba.

"W-Wala ah," pabulong na tanggi niya.

"Sus, wag ako," nakangiti kong sabi, kasi halata naman talaga.

Bumuntong hininga si Steel kaya mas lalo akong napangiti.

"Damn woman, don't smile. Baka isumbong kita na nag gate crash ka." Agad akong napatingin kay Ream na nakatingin sa akin.

"Gate crash? What do you mean, Ream?" takang tanong ni Nick.

Napayuko ako, ano bang nakain nito ni Ream? Sabihin ba naman na nag gate crash ako, sa likod nga ako ng school dumaan at hindi sa gate.

"Bakit hindi mo tanungin si Ms. Buenavista?" Halos patayin ko na sa tingin si Ream, pero ang loko ay ngumisi lang.

"Wow! Ang galing mo talaga Trixy, parang kahapon lang ay ginamit mo yung Rope para makaakyat sa kwa—" bago pa matapos yung sasabihin ni Steel ay sinalpakan ko kaagad ang bunganga niya para tumahimik.

"Anong sabi mo Steel?" tanong ni Francine.

Tinignan ko ng masama si Steel, kaya umiling-iling lang siya. Muntikan na! Baka malaman nila na umakyat ako sa kwarto ni Ream. Ang daldal talaga nitong si Steel.

"Ituloy mo yung sasabihin mo Steel" seryosong sabi ni Ream kaya parang natakot naman si Steel. Hala!

"Baka gusto mong sabihin ko sa kanila na nahalikan mo ako?" Halos kaltukan ko na lang ang sarili ko sa sinabi ko, wala na akong maisip na sasabihin para mawala sila sa sinabi ni Steel kanina.

"What?!!" lahat sila ay napasigaw at si Ream naman ay parang hindi rin makapaniwala sa sinabi ko.

Yeah! Great Trixy! Palagi mo na lang pinapahiya sarili mo.

--

HartleyRoses

I Saw the Future OnceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt