"Libre na kita ng ice cream."

"Hindi ko kailangan ng libre mo, kaya kong bumili." I rolled my eyes at him, ano tingin niya sa akin? Walang pambili?

"If you say so." Aba't bastos talaga 'tong lalaki na ito.

Bumili siya ng ice cream niya at nang makuha niya 'yon ay umalis na siya. Paiba-iba ng ugali!

Napailing na lang ako at bumili na rin ng ice cream ko, sayang naman yung pag punta ko rito 'no.

Nang makuha ko yung ice cream ko, tumambay muna ako sa may bench para makakain.

Kasalukuyan akong kumakain nang mabitawan ko yung ice cream na hawak ko at nanlaki ang mga mata na nakatingin sa hindi kalayuang tao.

"N-No! P-patay na siya," bulong ko sa sarili ko. Bakit bigla siyang nagpakita?

Bumalik ako sa bike ko at agad-agad pinaandar para makaalis na sa lugar na ito at makalayo sa kanya.

Binilisan ko yung pagpapatakbo ko sa bike ko, at nang makauwi sa apartment ko ay sinira at ni lock ko kaagad yung pintuan na para bang may sumusunod sa akin.

"K-Kailangan 'tong malaman nila mom at dad," sabi ko sa sarili ko habang habol pa rin ang hininga.

Nag gabi na at wala akong ibang ginawa at inisip lang ang nangyari kanina, yung lalaking muling nagpakita. Akala ko patay na siya, 'yon ang sabi nila mom at dad pero hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkamatay niya.

Napailing na lang ako sa naisip ko. May plano pa pala ako ngayon na gagawin, nawala sa isip ko bigla.

Hinanda ko na yung mga gamit na kakailanganin ko at umalis sa aking apartment para pumunta sa bahay nila Francine at Ream.

Nag bike lang din ako papunta kila Ream, kaya ko naman makapunta sa subdivision nila gamit ang bike ko.

Mabuti na lang at nakapunta na ako sa mansyon nila Francine at nakilala na ako ng guard at hindi na ako nahirapan makapasok sa village.

Nang makarating sa kanila ay napatingin ako sa pintuan ng mansyon nila. Makikita nila ako kung doon ako dadaan.

Ang plano ko ay kailangan kong makakuha ng ebidensya baka sakaling pwede ko itong magamit kapag sasabihin ko na sa kanila na nakita ko na sila sa future.

Huminga muna ako ng malalim, uumpisahan ko sa kwarto ni Ream. Doon din ako dadaan, may terrace kasi yung kwarto ni Ream. Aakyatin ko 'yon.

Marunong akong umakyat, dahil kumuha si daddy ng tao para turuan ako, hindi lang 'yan pati ang pag depensa ko sa sarili ko ay pinag aralan ko rin. Para raw maging handa ako sa lahat, lalo na't wala pa sila sa tabi ko. Hindi ko alam na magagamit ko pala 'yon ngayon.

Kinuha ko yung rope sa bag ko at hinagis 'yon sa terrace ni Ream, ito yung gagamitin ko para makaakyat. Nilagyan ko muna ang kamay ko ng powder na binili ko kanina para hindi ito madulas.

Huminga muna ako ng malalim bago ko hawakan ang rope.

Tuluyan na akong nakaakyat sa terrace ni Ream at agad na pumasok sa kwarto niya.

Ang daming nakakalat na mga metal sa lamesa niya at may computer din siya.

Hindi na ako nag aksaya ng oras at kumilos na ako para maghanap.

Ang dami ko na atang hinalungkat at wala pa rin akong nahahanap.

Pero may nakita ako at agad ko yung tinignan. Kinuha ko yung bag ko at inilabas yung chips na nagpakita sa akin ng isang beses sa future

"Huli ka!" nabanggit ko nang makita ko na yung gusto kong mahanap

Blueprint 'yon kung paano gawin ang chips, hindi pa nila ito nagagawa. May plano ata talaga si Ream na gawin ito dahil alam niyang magagamit niya 'yon.

At nagamit niya na nga talaga ito, dahil nakita ko na ang future.

Agad kong nilagay sa bag yung blueprint, itatago ko muna ito pansamantala.

Paalis na sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ni Ream, agad akong nagtago sa gilid ng cabinet niya.

Napabuntong hininga ako, muntikan na.

"Kainis naman si Ream, ako pa talaga pinakuha nito." Bahagya akong sumilip at nakita ko si Steel na nakanguso na para bang inapi.

Mabuti na lang at paalis na ulit si Steel, pero bigla ko na lang nasagi ang kung ano na bagay na nag cause pa ng ingay.

Oh, oh! Bakit ngayon pa?! Halos gusto kong kutusan yung sarili ko sa katangahang ginawa ko.

"Hala! May multo sa bahay ni Ream?" takot na takot na sabi ni Steel.

Huminga ako ng malalim, pero halos kagat labi na akong nagpipigil para hindi matawa sa reaksyon ni Steel, pero hindi ko kinaya at bigla akong tumawa medyo mahina lang naman pero alam kong narinig 'yon ni Steel dahil sobrang tahimik lang naman ng kwarto.

Another katangahan ko na naman, wala na nahuli na ako.

"Trixy?!" medyo pasigaw na sabi ni Steel dahil sa gulat nang makita niya ako.

Patay! Ang tanga ko talaga.

"Steel." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Anong ginagawa mo rito sa kwarto ni Ream?"

--

HartleyRoses

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon