Chapter 03: Red

287 6 3
                                    

Francis Miguel Gonzales -->

Chapter 03: Red

Third Person’s Pov

 

Nagtatakang sinundan ni Miguel si Hershey palabas ng condo niya. Nakita niyang naglalakad si Hershey papunta na sa kanyang condo kaya mabilis niya itong hinabol at hinawakan sa kamay.

“Don’t touch me.” She said coldly.

Ano bang problema nito?! Naiinis na tanong ni Miguel sa sarili.

“I’m sorry.” He said after a few seconds of silence.

“Sorry? For what?” she asked icily.

He mentally slapped himself. Bakit nga ba siya nagsosorry? Hindi niya alam kung para saan yung sorry niya. Dahil ba sa hindi niya pagpansin? O dahil sa pagkakamali niyang ginawa kanina? Hindi niya alam na nakabili na pala ng bagong cellphone si Hershey at mas lalong hindi niya inaasahang magkapareho sila ng phone kaya ang akala niya ay sa kanya yung pinapakialaman ni Hershey kanina sa school.

“Nevermind.”Tanging nasabi ng binata. He wants to kick his own ass for being such a jerk. Tinignan lang siya ng masama ni Hershey bago inalis ang kamay niyang nakakapit sa braso niya.

“Okay.” She said and went to the door. Nabuksan na niya ito at akmang isasarado nang pinigilan siya ni Miguel gamit ang kanyang mga kamay.

“Wait.” He said quickly.

“What?” she asked while looking at him.

Damn. Kung nakakamatay lang ang titig, baka pinaglalamayan na ako.He thought to himself.

“May sasabihin ka ba o wala?” she asked again. Nakataas ang isang kilay nito at halatang wala sa mood makipag-usap.

“Ano... Ah eh.. Kasi—”

“Kthanksbye.”

Napatalon sa gulat si Miguel nang marinig ang isang malakas na pagsara ng pinto. She slammed the door infront of him. Hindi niya inaasahang sisiraduhan siya ni Hershey dahil madalas ay siya ang gumagawa ng ganon tuwing binubulabog siya ng babae. Bumalik nalang siya sa condo niya at tinuloy ang pagluluto.

***

Inis na inis si Hershey habang naghihintay ng taxi sa labas. Halos 30 minutes na siyang naghihintay ng masasakyan pero laging may laman ang mga taxi’ng pinapara niya. Lunes na lunes pero late siya. How exciting.

Finally! May taxi na!masayang sigaw ni Hershey sa isip niya. Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa nang huminto sa harap niya ang taxi.

“Manong, sa University po.” Nawala ang ngiti niya nang marinig ang boses na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Miguel nga ’yun!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Last WishWhere stories live. Discover now