Chapter 01: Irresistible

396 9 15
                                    

Chapter 01: Irresistible

Oh can't you see it baby?

You don't have to close your eyes

'Cause it's standin' right before you

All that you need will surely come

I turned off the music as I walked towards our college building. Wala ng music na tumutugtog sa tenga ko pero hindi ko parin inaalis ang headset dahil wala lang. Trip ko lang. Hindi ko nalang pinapansin yung mga taong nakatingin sakin habang naglalakad ako sa hallway. Akala siguro nila hindi ko sila naririnig dahil may headset ako. But they’re wrong.

Headset: ON. Music: OFF.

That’s my style.

Hindi ko alam kung bakit sila nakatingin ng ganyan sakin. Ano bang kakaiba sa ginagawa ko? Isa lang naman akong normal na 3rd year college student. Average lang ang kaya ng utak ko. Hindi naman mayaman. Aminado rin naman akong hindi ako sikat. Wala rin namang kakaiba sa suot ko. For pete’s sake, isang simpleng V-neck shirt at faded jeans lang naman ‘to eh. Pero bakit sila ganyan kung makatitig? Napatingin ako sa hawak ko. Ah, baka dahil dito. But Geez...

Ngayon lang ba sila nakakita ng isang lalaking may dalang bulaklak?

“Wow, Pre! Ba’t meron ka niyan?” one of my friends asked me. Kasama niya ang isa ko pang katropa, pero hindi ko nalang sila pinansin.

“Edi galing sa manliligaw niya!” sagot naman nung isa. Tss.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Ano nanaman bang problema ng mga ugok na yun at ako ang naisipang pagtripan? Napailing na lang ako. Pasalamat sila dahil kaibigan ko sila. Tss. Pagdating ko sa classroom, biglang natahimik ang mga kaklase ko at agad naman akong tinignan ng masama ng guro namin. Ibig sabihin ba nun late ako? Obviously, idiot. I mentally slapped myself.

“Mr. Gonzales! Late ka nanaman! At ba’t may dala kang bulaklak?” hindi pa ako nakakaupo,  sinermunan na ako ng professor namin. Tss. Akala naman niya kung ang galing ng subject niya, hindi naman.

Hinagis ko muna sa basurahan yung bulaklak bago umupo sa pinakadulo.  Galing nanaman kasi yun sa isang secret admirer ko. Kung maganda edi yun ang tawag ko sa kanya. Pero kung panget, edi galing sa stalker ko.

“Palagi ka nalang late! Hindi mo ba alam na bawal sa klase ko ang late! At bawal rin sa klase ko ang may suot na headse—“

“Why don’t you just continue with your lessons...SIR?” putol ko sa sasabihin pa niya. Hindi na nagulat ang mga kaklase ko sa narinig nila dahil ganito naman talaga ako sa halos lahat ng prof. sa school na ito. “Hindi ka naman manok, pero putak ka nang putak. Tss. Makaalis na nga lang.”

“Aba’t—Hoy! San ka pupunta? Late ka na nga tapos aalis ka agad! Gusto mo bang bumagsak sa sub—“

“Nyenyenye.” There goes my line again.

The Last WishWhere stories live. Discover now