"Hindi pa kayo nasanay diyan kay Louise. Kilala niya iyon. Late sa lahat ng bagay." sagot ni Maddie na inagree'han namin ni Leen. Yep, kahit dati pa lagi talagang late iyang si Louise. Wala ng bago.

"Uy! Si Louise iyan na yata." sabi ni Leen. Sakto namang natanaw agad namin ang kotse ni Louise.

"Tama. Siya na nga iyan." sagot ko. Nagpark ang kotse sa tabi ng kotse ni Leen. Iniluwa non ang babaitang si Louise.

"Hi! Guys, sarreh I'm late!" sabi nito sabay nag-ayos pang buhok. Agad kong kinuha ang cheetos sa bag ko para panoorin ang magiging eksena. Dahil for sure magsasagutan itong dalawa. Mwahaha!

"Nagtext ka sa amin. Ang sabi mo Don't be late. Tapos ikaw pala mismo late? Ano ito? Lokohan?" irap ni Maddie.

"Ay! Sarreh nga di ba?! Sarreh okay?! Sarreh!" sagot ni Louise.

"Manahimik ka nga diyan at don't imitate Steffi Cheon's famous lines ang sagwa kasi sa'yo, hindi bagay sa'yo." sabi ni Maddie. Napairap si Louise.

"Whatever! Mas maganda naman ako doon." sagot naman ni Louise.

"Pwede ba? Kaysa mag-asaran kayo diyan pumasok na tayo sa loob ng school at hanapin ang room natin?" suhestisyon ni Leen. Napatango-tango ako sabay kain ulit ng cheetos.

"Mabuti pa nga!" sabi ni Louise at nauna ng magmartsa papasok sa main building.

Pagpasok namin sa pinto bumungad sa amin ang mga estudyante ng Eastwell na nagkalat sa hallway at nag-iingay. Mga may kaniya-kaniyang business. May ibang napapatingin kasi bago kami dito. Meron namang deadma lang.

Pero habang naglalakad kami nahulog ang mga libro ni Leen. Kaya nga yumuko siya para pulutin iyon. Tinulungan siya ni Maddie kasi ako busy sa pagkain. Si Louise naman busy sa pagsasalamin at paglilipstick.

Nang biglang may dumating na isang grupo ng mga lalaki. Apat sila like us. Yung isa mala-boy nextdoor ang itsura pero mukhang baliw naman dahil tawa ng tawa, yung isa naka-headset at nakapoker face. Haha! Maddie lang ang peg?

Yung isa naman nakasalamin tapos ang haba ng bangs. Haha! Harry Potter? Nagbabasa siya ng libro. Book of spells yata. Mwahaha!

Nang makalapit sila sa amin ay napatigil sila. Eh paano kasi nakaharang sila Maddie at Leen na busy pa rin sa pagpupulot ng libro.

"Tsk. Ano ba yan. Ang laking harang." singhal nung lalaking naka-headset na mukhang sing sungit ni Maddie.

"Wait mga brad! Hahaha! May naisip ako. Watch me!" natatawang sabi nung lalaking mala boy nextdoor ang peg. Nanlaki na lang ang mata ko nang hawakan niya yung likod ni Maddie at tinalunan ito na parang luksong baka. At dahil hindi inaasahan ni Maddie iyon, medyo napasubsob siya sa sahig. Na-out of balance siya. Napasubo ako ng sunod-sunod sa cheetos dahil sa intense na mangyayari.

Nagtawanan naman yung mga lalaki nang dahil sa nangyari. Oh no! Wrong move boys. Not Maddie. Bully'hin niyo na lahat wag lang ang babaing ito.

Inis namang tumayo si Maddie at tinitigan yung lalaking tumalon sa kanya.

"Bakit mo ginawa yun ha?" galit na sigaw ni Maddie sabay kinuwelyuhan si Mr. Boy Nextdoor. Pero nagkibit balikat lang ito at tila na-amaze pa sa palaban na si Maddie.

"Hmm. Dahil mukha kang baka?" nakangiting sabi ni Mr. Boy Nextdoor na parang hindi man lang natakot kay Maddie. Nagtawanan ulit ang mga boys.

"Baka pala huh?!" tinadyakan ni Maddie sa tuhod si Mr. Boy Nextdoor kaya napasigaw ito sa sakit. Napangiwi naman ang mga kaibigan niya.

"Ano? Sinong baka ngayon ha?" taas kilay na tanong ni Maddie habang nakapamewang pa. Napansin ko namang pinagkatitigan ni Mr. Boy Nextdoor si Maddie na akala mo eh walang pananadyak na nangyari sa kaniya.

"Hmm. Ang ganda mo pala no? Pwede kang ligawan?" diretsahang sabi ni Mr. Boy Nextdoor. Natawa naman ako. Hahaha! Nagandahan lang ligaw agad-agad? Lakas din ng trip nito.

Kumunot ang noo ni Maddie sa sinabi nito. At nang magprocess sa kaniya ang binitawang salita nung lalaki ay tinadyakan niya ulit ito ng malakas sa tuhod.

"Aish! Sobra ka na ah! Transferees lang kayo pero kung makaasta akala mo matagal na kayo dito ah?" sabi ni boy. At napainda sa sakit ng tuhod niya. Inirapan naman siya ni Maddie.

"Hindi naman porque bago lang kami dito ay pwede niyo na kaming pagtrippan. Dahil mali ka ng binangga mo." sabi ni Maddie at lumayas sa harap nila.

"Huy! Maddie! Saglit." sigaw ko pero nakaalis na si gaga. Hindi man lang kami hinintay. Like, hello? Kasama niya kami.

Yayayain ko na sana sila Leen kaso napansin kong may hinahanap pa siya.

"Nawawala yung isa kong libro." sabi niya. Kaya nakitulong na din akong luminga-linga sa paligid.

"Is this what you're looking for?" biglang sabi nung lalaking mukhang masungit tulad ni Maddie.

"Ahh. Oo. Iyan nga. Sala--" akma ng kukunin ni Leen ang libro sa kamay nung lalaki nang ilayo ito sa kaniya.

"Next time. Wag na kayong haharang-harang sa daanan kung ayaw niyong matapakan. Tulad nito." napanganga si Leen nang ihulog ng lalaki sa sahig ang libro niya at tinapakan. Tapos agad ding lumayas tulad ni Maddie. Nagkibit-balikat na lang si Leen at pinulot ang libro niya saka pinagpagan. Hahaha! Nagtitimpi iyan ngayon kasi first day namin. Ayaw niyang lumaki ang gulo.

"Hoy brad! Saglit. Aray! Tsk!" daing ni Mr. Boy Nextdoor habang nakahawak pa rin sa tuhod niyang masakit. Tapos sumunod na siya kay Mr. Headset na masungit.

Nabulunan naman ako nang magkatitigan kami nung lalaking may bangs. At may makapal na salamin. Walang emosyon ang itsura niya. Neutral lang ganon. Psh. Ang weird.

"Excuse me, Miss. But that shade doesn't suits you." nakangising sabi nung lalaking mukhang mayaman sabay alis. Napanganga naman si Louise.

"I hate that guy! Wala pang nanglait sa kagandahan ko ha?!" sigaw ni Louise. Napailing-iling na lang ako at saka hinatak na si babaitang nagtatatalak pa sa hallway.

Nang mahanap na namin ang aming room, ay agad kaming naghanap ng vacant seat. Saka nagtabi-tabi kaming apat.

"Kalilipat lang natin dito may delubyo agad." sabi ni Leen.

"I told you. May pagkahudas mga estudyante dito." sabi ni Maddie.

"Mas hudas ka naman sa kanila gurl. Keri lang." natatawang sabi ni Louise. Marahan naman siyang tinampal ni Maddie.

"Ouch ha. Wag ang precious face ko." sabi ni Louise habang busy sa pagbubura ng lipstick niya.

"Himala ah? Removing lipstick?" nakangising sabi ni Maddie.

"Eh paano kasi na-realtalk nung isa sa apat na lalaki kanina na hindi daw bagay sa kaniya yung lipstick." pagkkwento ko. Humagalpak naman sa tawa si Maddie.

"Well, totoo naman." sabi pa ni Maddie. Inirapan na lang siya ni Louise.

"Tss. Kamahal-mahal pa naman ng lippies na ito." singhal ni Louise.

Nang biglang bumukas ang pinto. Napanganga naman yung tatlo nang pumasok yung apat na lalaki. Napatingin din sila sa amin na parang hindi din nila inaasahan na makita kami.

"Well, well, well. Look who's here." sabi nung lalaking tinadyakan ni Maddie kanina.

"No way." sabi ni Louise. Napairap na lang si Maddie. Tapos si Leen ay hindi pa din makapaniwala.

Uh-oh. Hindi maganda ito. Lilipat na naman ba kaming school nito? Hehe. I smell war. Ay cheetos pala. Tapos binalewala ko na lang ang namumuong tensyon sa pagitan nila at kumain na lang ng cheetos.

***
(Andy's photo on the gallery...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Where stories live. Discover now