4: New School

66K 1.9K 162
                                    

Andy's POV

So, this is the day. Ngayon na kami papasok sa bagong school na nilipatan namin. Ang Eastwell University. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Kaba dahil bagong environment na naman. At excitement dahil sa cafeteria nila. Hihi. Dami daw variety of foods. Can't wait na matikman lahat.

Pagkatapos ko magbihis, bumaba na ako sa may garage namin para kunin na ang napakacute kong kotse.  Papasok na sana ako sa loob ng kotse ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nakadisplay ang name ni Louise. Ano kaya pumasok sa isip ng babae na ito at nagtext? Inopen ko ang message niya at binasa ko.

_

From: Louise

Hi! Guys. Goodluck in our new school! Kita kits na lang tayong lahat sa may parking lot ah?! Don't be late! Don't be absent! Magpaganda kayo. Dapat maganda first impression natin.

_

Pagkabasa ng text niya ay inistart ko na ang sasakyan ko. At nilagay sa waze ang Eastwell University. Mahirap na at baka maligaw pa ako. Although nakapunta naman na kami one time nung pumirma sa admission office. As if naman matandaan ko ang daan non? Eh si Louise ang nagdrive non. Mahina pa naman ako sa directions.

Nang sa wakas ay successful akong makarating sa Eastwell University ay napa-yes na lang ako. Hahaha! Successful hindi ako naligaw. Thank you dito kay Waze. Saktong pagkababa ko ng sasakyan ay siya namang dating ni Maddie na nakabisekleta.

Pambihirang babae ito oh. Binilhan siya ng Mama niya ng sarili niyang kotse para gamitin niya sa school, tapos di ginagamit? Mas prefer niya daw kasi magbike. Bawas polusyon daw. Well, Maddie. Ikaw makakasinghot ng polusyon.

"Nasaan sina Leen at Louise?" tanong niya sa akin pagkalapit.

"Aba, malay ko. Di ba nga wala dito? Malamang di pa dumadating." pilosopo kong sagot kay Maddie. Bet ko kasi asarin itong babaeng ito. Pikon eh.

"Aba! Masama na pala magtanong ngayon? At bakit mo pinipilosopo? Ano gusto mo huh? Away o gulo?!" pabanta niyang sabi sa akin sabay amba ng kamay niya.

"Gulo na lang para walang away!" sagot ko sabay tawa. Asar na siya eh.

"Aba! talagang--" naputol ang sasabihin ni Maddie dahil may bumusinang kotse sa amin. Kaya napalingon kami ni Maddie sa direksyon ng kotseng bumusina.

That car caught Maddie's attention. And now I have a chance to escape! Tumakbo ako papunta sa may kotse at nakatakas kay Maddie. Hahaha! Tapos sakto bumaba na si Leen sa sasakyan.

"Hi, there! Goodmorning sa inyong dalawa!" bati niya sa amin.

"Goodmorning din sa'yo Leen" sagot ko.

"Tss. Anong good sa umaga?!" masungit na sabi ni Maddie. Hindi na ako nabibigla sa kasungitan nito. Kasi sa tuwing magkakasama kami. 90% kasungitan, 10% kabaitan yan. Joke.

"Oh why? Chill ka lang." sabi ni Leen.

"Paanong hindi iinit ang ulo ko? Eh itsura pa lang ng mga estudyante dito mukhang mga hudas na! Ano naman masama kung nakabisekleta ako at sila naka kotse. Eh sa trip ko magbike eh." inis na sabi ni Maddie.

"Bakit nga ba hindi mo ginagamit kotse mo na bigay ni Tita Liyanel?" tanong ni Leen.

"Wala di ko lang feel gamitin. Mas gusto ko magbike." simpleng sagot ni Maddie.

"Nga pala, nasaan na si Louise?" sabi ni Leen sabay tingin sa paligid.

"Baka malelate iyon ah? Magtatime na eh. Tapos wala pa." sagot ko sabay tingin sa relo ko.

Truth or Dare [PUBLISHED]Where stories live. Discover now