"Tsk! Kung alam niya lang sana ang mga sinasabi mo." Natawa pa si Ethan at napa-iling.

"Go get her." Tawa pa ni Maegan, "Aalis na ako, stop acting like a love sick man, you are Ethan Tyler Sy, every girl bow down to you. So go get her." Sabay tayo na ni Maegan at hinalikan sa noo si Ethan and she whispered goodbye.

Naiwan na lang si Ethan. He was thinking.

Oo nga, ako nga si Ethan Tyler Sy, I can have every girl I want, unfortunately I want her, I love her, I need her. Yun naman ang problema.

Tumayo siya and left.

7:28 p.m. Tristan's Residence

"Aminin mo na kasi!" sigaw ni Sophia kay Tristan.

Kanina pa niya pinapaamin si Tristan na talagang pinlano lang nila ang pagpunta ni Sophia sa so-called dinner daw.

"Hindi nga, ang kulit nito. Kulang pa ba kinain mo?" Katatapos lang kasi nila mag dinner. Dito rin kasi minsan kumakain si Sophia, either andiyan ang girlfriend niya o wala.

"Ayaw pa kasing aminin." Na-irita na si Sophia.

"Kasi hindi nga. Paulit-ulit? Ano ka echo?" sabay mahinang batok niya kay Sophia.

"Masakit ha." Reklamo lang niya.

"So nag-usap na pala kayo." It was not a question, but rather a statement.

"Oo." Mahinang sagot ni Sophia. Nahihiya siya a kabobohan na ginawa niya.

"So what ha---"

"Sir! Sir! May nagwawala sa gawas ng bahay! Hinahanap si Maam Sophia." Naputol si Tristan ng biglang sumigaw ang katulong niyang si Miling. Tonong ilongga pa.

"Ha?!" sabay na sigaw ni Tristan at Sophia.

"Oho. Bag.o lang po." Tarantang-tara ang katulong.

Tumayo si Tristan at may kinuha sa drawer, nakita ata ni Sophia na baril yun.

"For protection," sabi lang ni Tristan ng makita niya si Sophia na nakatingin, "... stay here."

"Teka... sasama ako, ako daw hinahanap diba?" sabay sunod-sunod naman si Sophia sa likod ni Tristan habang papunta sila sa front door.

"Sophia! Sophia! Lumabash ka diyan!" sigaw ng taong nagwawala sa labas, siya nga ang hinahanap.

Medyo pamilyar ang boses pero hindi nila maisip kung sino. Kasi talagang lasing.

Pagbukas ng pinto.

Sophia's POV

"Anung ginagawa mo dito?" Ugh! Sira ulong tao to! Gabi na ah! Ba't nandito siya?

"Oh hi babe, tara na, uwi na tayo..." pa-ekis ekis pa siya sa labas ng gate ng bahay nila Tristan, nakakahiya talaga sa mga kapit bahay niya.

Lumabas ako ng pinto, pero hinawakan ako ni Tristan.

"Dito ka lang, lasing siya." Sabi niya na nakatingin pa rink ay Ethan.

"Baabbeee... uwi na tayo... Shige naaa..." Aist! Iinum tapos hindi naman pala kaya.

"Okay lang, hindi niya naman ako ina-ano eh." Bumitaw siya sa'kin tapos sabay kaming pumunta sa gate.

Pero hindi pa binuksan ni Tristan.

"Anung ginagawa mo dito?" tanung ko.

"Shinushundo ka, gabi na oh..." turo niya pa sa ulap, baliw na talaga.

"Sinusundo mo ako tapos lasing ka, diba sabi ko naman sayo wag na tayong mag-kita? Paano mo ba nalaman na nandito ako?" Kasi naman! Eh kung napano siya! Gabi na nga tapos lasing na lasing at pumunta pa dito. Pwede namang ipag-bukas!

Sold For Ten MillionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant