Maya maya'y sabay sabay kaming napabuntong hininga, nagkatinginan kami bago matawa.
"Hindi man lang sila nagpaalam. Kainis," mahinang sabi ni Lisa at yumuko, alam kong maya something na din sa kanila ni Luhan e, loko yun, akala ko siya pinakamabait!
"Bayaan mo na, kumain na lang tayo sa labas! Idaan sa pagkain!" Parang sirang sigaw ni bessy. Um-agree naman kami, bahala nga siya. Idadaan ko na lang sa pagkain to lahat!
Nagpunta kami sa isang fast food chain at um-order ng kung ano ano. Sobrang puno na ng mesa namin at sa amin na napunta ang atensyon ng iba pang kumakain. Nakauniform pa naman kami. Lagot kami nito.
"Dukutin ko mga mata nito e. Ngayon lang ba sila nakakita ng mga dyosang kumakain dito?" Umiirap na sabi ni bessy, nagkatinginan naman kami ni Lisa at nagkibit balikat.
Karamihan din sa mga kumakain dito ay mga teen agers at galing sa ibang school. Minsan ay hindi ko maintindihan kung bakit ang taas ng tingin nila sa mga galing sa pribadong paaralan, minsan naman ay pinag-iisipan nila na mapangmata at mapagmalaki. Oo, may mga ganoong estudyante pero hindi naman lahat. Bitch ako, pero may puso naman ako no. Binabangga ko lang naman ang mga bumabangga din sa akin.
Matapos naming kumain ay napagdesisyonan na naming umuwi. Kanina pa din kasi nag-aaya si Lisa, hinahanap na daw siya sa kanila.
"Ihahatid ka na muna namin sa inyo ah? Kami na din mag eexplain kina tita." Sabi ko habang nagmamaneho. Letse kasi tong si Maxine e, napakatamad.
"Ha? Huwag na, doon din naman kasi sa Village niyo ang punta ko."
"May kakatagpuin ka doon ano? Ikaw ha! Pinagpalit mo kaagad si Luhan," pang-aasar ni Maxine,
"Hindi kaya!" Namumulang sabi ni Lisa, halata talagang gusto niya si Luhan, ganyan din ba ako? Ugh! Hindi naman siguro.
Pagkadating namin sa village ay nagpababa na si Lisa sa may kanto.
"Sigurado ka bang dito ka na lang namin ihahatid?" Sabi ko, baka mapano to aba. Ang dilim ba naman e, madami pa namang nag gagala ngayong mga walang hiya.
"Ayos nako dito, isa pa malapit na yung susundo sakin. Sige na, gabi na din o."
Tumango na lang ako at ganoon din si Maxine, isa pa malapit naman siya sa may guard house at ligtas naman dito sa loob ng village,
Malapit na kami sa bahay nung mahagip ng mata ko si Jandi, may kausap siyang nakamotorsiklo. Hindi ko masyadong makita yung kausap niya pero base sa pangamgatawan ay lalaki yon. Ano namang ginagawa niya dito?
"O bessy, bat ka huminto? Nalipat na ba yung bahay dito?"
"Sira, si Jandi kasi, diba siya yon?" Napatingin naman siya sa tinuro ko.
"Oo nga no? Anong ginagawa niya dito? Diba ay sa kabilang village pa sila?"
Napakibit balikat na lang ako.
"Puntahan natin?" Aya ko,
"Huwag na, mukhang nagmamadali e, tingnan mo o, paalis na. Tara na sa bahay, inaantok na ako."
Sumunod na lang ako atsaka nagdrive pauwi. Ano kayang ginagawa non dito? Baka kaklase nila yong lalaking kausap niya doon sa St. Peter?
Pagkarating namin sa harap ng bahay ay madilim dito. Anong oras na din kasi at wala namang umuwi dito simula kanina kaya walang nagbukas ng mga ilaw.
"Bessy dalian mo. Inaantok na talaga ako!"
"Teka nga, hinahanap ko 'yong susi..."
Nasan na ba 'yon? Nasa bag ko lang naman yon e. Naiwan ko ba sa loob kanina? Ugh!
"Naiwan ko yata yung susi kanina, hindi ko mahanap e," Inis kong sabi, napasimagot naman si Maxine, pero alam ko nilagay ko talaga 'yon sa bag ko. Imposible namang mawala yon bigla. Hayst, lumapit ako sa pinto at sinubukan tong pihitin, nakarinig kami ng click at bumukas ang pinto.
"Oh my god! Swerte yata tayo ngayon!" Sabi ni Maxine at agad ng pumasok, oo nga! Pero bakit bukas ang pinto? Siniguro kong nakalocked ito kanina bago umalis ah. Napakibit balikat na lang ako,
Sinundan ko na sa loob si Maxine at ang bruha ay tuloy tuloy lang naglakad papuntang hagdan, hindi man lang binuksan ang ilaw. Hay nako.
Agad kong hinanap ang switch ng ilaw at binuksan iyon, pagkabukas ko ng ilaw ay may sumabog na confetti sa mismong hagdan, napatingin ako kay Maxine at natigil siya sa pag-akyat at napanganga. Nakita ko naman ang barkada, kumpleto. Andito din sina Tyler, Lex, Lisa, at Jandi. Pareho kaming gulat ni bessy. Siya gulat sa mga nakita, ako gulat dahil walang alam sa pakulong 'to.
"I'm sorry Max, I really do." Dinig kong sabi ni Stephan.
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 27
Start from the beginning
