"Walang mag-uupload bessy ha!"

"E kaya nga ako nagpapaselfie kasi maguupload ako! Dali na!"

"Baka makita yan nina Stephanie at magtampo!"

"Hindi yon, dalian mo na bago kita sipain palabas ng kwarto!"

Wala na din akong nagawa kundi makipose, kaysa naman maupload pictures ko na epic mukha ko diba.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Ngayon na kasi ang balik nina Anthony sa St. Peter, tapos di pa kami ayos, di din ayos sina Stephan at ni hindi kami nakapagbonding kahapon.

Nakakainis lang kasi, ni hindi man lang nagtext si Anthony kagabi, ni good night o kahit sabihin niya lang na nakauwi na sila, wala! Nagtext lang siya ng good morning kanina. Nakakainis!

"O? Aga aga ganyan mukha mo?" Lumapit ako sa kanya at humingi ng tinapay, halata pa din yung mata niya, kaya siguro makapal ang make up nito sa mata.

"Wala to, bad mood lang ako." Nagkibit balikat naman siya,

"Sabi mo e,"

"Teka... bawal mag make up sa Academy, nasabi ko naman nasayo yun diba?"

"Oo nga, pero di lang naman ako nagmemake up dun! Isa pa di naman ganon kakapal. Yung iba ngang school mates natin kala mo hindi school ang pupuntahan. Parang pupunta sa children's party e, mukha na kasing clown,"

Sabagay, madami nga doon ang ganon. Minsan di ko maintindihan ang school. Siguro kasi pera pa din ang nagpapatakbo non kaya nalalabag pa din yung mga rules.

Pagdating namin sa gate ng Academy ay naabutan namin doon sina Lisa, at ang mga teachers. Mukhang nagpapaalaman na.

Agad kaming lumapit sa kanila, napansin naman kami kaagad ni Jandi kaya tumango siya, tumango din ako at ganon din si bessy.

"Ate Ven! Ate Max! Huwaaaa." Agad na yumakap si Stephanie samin, tapos ay humarap siya kay Maxine

"Ate M-max... s-sorry---"

"Okay na yon. Wag kang iiyak, papangit ka!" Nagtawanan naman kami don.

Nilibot ko yung paningin ko, bat parang wala yung mga lalaki?

"Wala sila, nauna na sa school." Biglang sabi ni Jandi. Napatango na lang ako.

Umalis na sila? Ni hindi man lang sila nagpaalam sa amin? This is it. Galit na talaga ako!

Nagkaroon pa ng konting dramahan na akala mo'y hindi na kami magkikita kita, e plano panaman nilang mag overnight sa bahay bukas tutal ay friday naman na. Girls over night yon. No boys allowed. Ugh!

Buong maghapon akong badtrip. Buong maghapon kaming badtrip. Wala ngang nagtatangkang lumapit saming tatlo nina Maxine at Lisa dahil siguro sa aurang bumabalot samin.

Maghapon ding walang paramdam si Anthony, naiintindihan ko naman na busy siya, pero kasi e. Pwede namang magpaalam diba? Tapos di pa niya ako hinintay kanina. Nakakainis. At dahil sa pagkabadtrip namin ay hindi na namin napansin na kamingbtatlo nan lang pala ang tao dito sa classroom, buti na lang at may naglakas loob na mangalbit sakin

"Uwian na, hehe. Kanina pa, baka lang uh... gusto niyo ng umuwi? Hehe." Halatang kinakabahan siya, hindi ko naman siya aawayin,

"Ah... salamat." Ngumiti nalang akong tipid atsakainayos yung gamit ko, nung maayos ko na yon ay ginising koyung dalawang nakaubob sa mesa nila.

"Huy, tara na umuwi." Inilibot pa nila yung mata nila bago sila tumayo at sumunod sakin sa paglabas sa pinto. Mga to e.

Sabay sabay na kaming naglakad pababa nitong building namin, may mga edstudyante panaman sa hallway at pare pareho nila kaming tinitingnan, buti na lang at di sila nagbubulungan dahil baka pag ako napuno ma-office kami ng wala sa oras.

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now