Susunduin na niya si Glaiza at pakikiusapan niya itong bumalik na ng Pilipinas at sa kanya.

--------

Glaiza's POV

Pagkalipas ng mahigit labindalawang oras ay lumapag na din ang eroplano sa Paris Airport. Nang makuha niya ang kanyang bagahe ay agad na niyang hinanap ang kanyang magandang sundo.

"Bonjour!" Masayang bati sa kanya ni Daniella saka niyakap siya at hinalikan sa magkabilang pisngi.

"Kumusta? Buti naman at pinaunlakan mo ang invitation ko sayo na samahan ako dito sa Paris."

Noong minsan kasi itong tumawag sa kanya ay inaya siya nitong samahan ito sa Paris dahil may special event daw itong pupuntahan at siya ang gusto nitong date. Hindi agad siya umoo dito pero after ng pag uusap nila ni Victoria ay nakapag desisyon na siyang omoo kay Daniella, kaya narito na siya ngayon sa Paris, France.

"Im good, medyo masakit lang katawan ko. Napakahaba kasi masyado ng byahe."

"Kung ganoon, ay tara na sa hotel na tinutuluyan ko para mabigyan kita ng masarap na masahe." May pagka seductive na sabi nito, with matching lip bite pa.

Natatawa nalang siyang sumunod dito patungo sa kotse nito.

--------------

Rhian's POV

Isang linggo pa bago siya nakalipad patungong Korea, dahil hindi agad pumayag ang network na hindi muna niya tapusin ang mga natanguan na niyang commitments.

Sakay na siya ngayon ng taxi na maghahatid sa kanya sa apartment na tinutuluyan daw ni Glaiza. After siguro ng mahigit isang oras ay inihinto na ng driver ang taxi sa harap ng bungalow style na apartment. Tinanong pa muna niya sa driver kung iyon na nga ang address. Nang tumango ito ay saka lang siya nagbayad at bumaba.

Tila walang tao sa apartment dahil halos mapudpod na ang daliri niya sa kapipindot ng doorbell ay walang nagbubukas sa kanya. Giniginaw na siya dahil panaka-naka ay umuulan ng snow. Pinagdaop niya ang mga kamay niya at hinipan-hipan iyon, kung bakit kasi nalimot niyang magsuot o magdala man lang ng gloves. Umupo na lang muna siya sa may hagdan at doon siya magtatyagang magintay. Inilabas na din niya ang comforter na regalo sa kanya ni Glaiza. Naalala pa niya ng minsan ay isinama niya ito sa taping niya. Sa sobrang tagal ng eksenang kukunan sa kanya at sa lamig ay nag cuddle na muna sila sa couch habang nakabalot sa comforter na iyon. Nasa gallery pa nga niya ang kinunan nilang picture noon.

Madilim na ng may pumaradang van sa harap ng apartment. Hindi na siya halos makatayo dahil sa sobrang pagkakabilad sa lamig. Muntik pa nga siyang matumba, buti na lang at nakalapit agad iyong babaeng pula ang buhok at naalalayan siya.

"Unnie, Are you okey?" Nag aalalang tanong nito.

Hindi na siya nakasagot dahil bigla na lang siyang nanlambot at nagdilim ang paningin niya.

------
Nagising siya sa pakiramdam na may nagpupunas sa kanyang mga kamay at braso.

"Unnie, okey ka na ba? Anong nararamdaman mo ngayon?" Bungad na tanong sa kanya ng babaeng pula ang buhok na siyang nagpupunas pala sa kanya. "Unnies, she's awake." May kalakasang tawag nito sa kung sino.

"Victoria?" Agad niyang tawag sa kaibigan ni Glaiza. Nagpilit din siyang bumangon, inalalayan naman siya ng hindi nakikilalang kapatid sa Ama.

Nagkatinginan ang mga myembro ng f(x) dahil tila ata kakilala ng leader nila ang babaeng hinimatay sa harap ng apartment nila.

"Guys, iwan ninyo na muna kami, please." Seryosong sabi ni Victoria na hindi inaalis ang tingin kay Rhian na nakaupo na ngayon sa ibabaw ng kama nito.

Hinaplos pa muna siya ng babaeng pula ang buhok sa likod bago ito umalis, kasama ng tatlo.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang tanong agad ni Victoria ng maisara ng mga ka grupo nito ang pinto ng silid.

"Im here for Glaiza. May nakapagsabi kasi sa akin na dito siya sa iyo ngayon tumutuloy."

"You're a week late, wala na dito si Glaiza at hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. So, kung okey ka naman na ay makakaalis ka na." Malamig na turan nito. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang isa ito sa mga saksi ng pagkamiserable ni Glaiza noong iwan niya ito ng basta na.

"I dont believe you, alam kong andito siya at tinatago ninyo lang siya sa akin."

"If you dont believe me, go, feel free to search this whole house! But once you are done at hindi mo nakita si Glaiza ay makakaalis ka na!" Sinlamig ng panahon ang boses na sabi nito saka siya tinalikuran na at iniwan.

Kahit medyo nanlalambot pa ay bumangon na nga siya at lumabas ng kwarto para hanapin si Glaiza. Tinatawag niya ito ng malakas habang nililibot niya ang hindi naman kalakihang bahay. Nasa sala ang lima at mga nagtatanong ang tingin ng apat, habang nakaismid naman na kakahalukipkip si Victoria sa tabi ng nakabukas na front door katabi nito ang luggage niya.

Pakapit-kapit siya sa pader dahil parang any moment ay bibigay ang tuhod niya. Hindi yata nakatiis iyong babaeng pula ang buhok lumapit ito sa kanya at inalalayan siya na makaupo sa sofa doon.

"Unnie, Unnie Glaiza is not here anymore. Umalis na siya last week pa." Sabi nito sa kanya.

Sa sinabi nito lang siya naniwala, para kasing ang gaan ng loob niya dito.

"Why are you looking for her ba? Ano ka ba ni Unnie Glaiza?" Magkasunod na tanong nito.

"Huwag kang masyadong maging mabait dyan sa babaeng yan, Krystal. Dahil iyan ang dahilan kaya naging lagalag si Glaiza." Sabat ni Victoria.

"Huh?" Naguguluhang nagpalipat-lipat ang nagtatanong na tingin nito sa kanilang dalawa ni Victoria.

"So, ex ka pala ng honey my love kong si Glaiza." Pataray na singit ng isa pang babae na medyo mamula-mula din ang buhok.

"Oo, Sulli! Ex nga yan ni Glaiza." Kumpirma ni Victoria. "Ano, Rhian? Wala na dito ang kaibigan ko, kaya pwede ba umalis ka na!"

Wala na nga siyang dahilan para mag stay doon, kaya naman tumayo na siya para umalis.

"Unnie Victoria, hindi pa nya kayang umalis. She's sick, baka kung ano pang mangyari sa kanya sa daan." Sabi niyong si Krystal na hinawakan pa siya sa braso para pigilan na umalis. "You can stay in my bed, Unnie? What is your name nga po?" Cute na tanong nito kaya naman genuine siyang napangiti dito.

"My name is Rhian."

"Ah, ako naman po si Krystal. Tapos siya po si Unnie Amber." Turo nito doon sa tomboy na kumaway at ngumiti sa kanya. "Then sya po si Unnie Luna." Kumaway din sa kanya ang pinakilala nitong si Luna. "Eto naman po si Unnie Sulli." Tukoy nito sa nagtaray sa kanya kanina. "At kilala mo naman na po si Unnie Vic." Tumango lang siya. "Halika na po, balik na tayo sa room para makapahinga ka pa."

Tumingin muna siya kay Victoria pero nag iwas lang ito ng tingin sa kanya. Kaya naman sumama na nga siya kay Krystal pabalik sa kwarto.

===========================

A/n: mukhang nag giveway na si Glaiza para sa friend ninyang si Victoria ah. Magdiwang mga KrysToria fan noon.

Sinong nagakala na muling makikipagkita si Glaiza sa porn star na si Dani or Daniella? Kuh! Klaseng masusundan pa ang hot na elevator scene nila ah.

At si Rhian ay nag effort talaga, bigyan ng jacket yan 😂😂. Yun nga lang late na sya hindi na niya inabot si Glaiza sisihin ang network na kampon ng MTRCB.

Ang sweet talaga ni Krystal, kahit pa nga hindi naman niya kilala si Rhian. Ganoon pa rin kaya siya once na nalaman niyang Unnie pala niyang talaga si Rhian, dahil kapatid niya ito sa Ama? Hmm?

Lets find out. Daldal ko la naman ako masyadong reader haha.😂😂😂

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now