Walang hesitation na ipinutok ni Lieutenant Lim ang baril. Tumama ang bala sa tabi ng ulo ni Bola. Kaunting espas'yo lamang ang pagitan. "Pasens'yahan na lang tayo, ganu'n ba?"

Bola was startled. Narealize niya na hindi ganoon kadaling kausap ang binata. Now, he's aware na hindi ito magdadalawang isip na patayin siya kung tuluyan niyang ititikom ang bibig. "Oo na! Oo na! Magsasalita na 'ko! Boss, wala namang ganyanan. Sasabihin ko na lahat."

The young lieutenant smirked.

"Saan mo ba gustong magsimula?"

"Bakit ka bumalik dito sa Yonhwa?"

"Akin 'tong bar. S'yempre kailangan kong--"

Muling itinapat ng binata ang baril kay Bola. This time, talagang nakatutok na ang baril niya sa ulo nito. "Kailangan mo yata ng pampagising--"

"Hindi! Hindi! Boss, hindi ka na mabiro eh! Bumalik ako dito kasi... nabalitaan kong patay na si Mamerto Punzal."

Lubos ang pagtataka ni Lieutenant Lim sa natanggap niyang sagot. But on the other hand, mas kapani-paniwala ito kumpara sa unang dahilan.

"Bago siya mamatay, tinawagan niya ako. Ang sabi niya sa 'kin, magkakadatung na naman kami ng malaki. Nauto na naman daw niya ang sponsor niya."

"Sinong sponsor?"

"Hindi ko alam! Wala talaga akong alam, boss. Bumalik lang ako dito para kuhanin 'yung pinapakuha sa 'kin ni Mamerto. May usapan kasi kami na kapag namatay siya bigla, kukuhanin ko 'yung bagay na 'yun dito sa Yonhwa."

Lieutenant Lim's curiosity started to control himself. Tumayo siya at nilapitan si Bola. Iniluhod ang isang tuhod at itinutok ang baril sa dibdib ng takot na takot na swindler. "Anong bagay? May kinalaman ba 'yun sa Water Pipe Serial Murder Case?"

Isang mabilis na tango ang isinagot ni Bola. "Oo! Malaking ebidensya daw na makakapagturo sa totoong serial killer! 'Yun din ang ginagamit niyang panakot sa sponsor niya. Ewan ko ba kung bakit minalas siya ngayon!"

"Nasaan? Nasaan ang ebidensya?" Buong lakas na binitbit patayo ng batang lieutenant ang manggagantso sa kwelyo nito.

"Teka lang! Teka lang, boss! Nasasakal ako! Hindi na 'ko makahinga!" Nakataas ang dalawang kamay niya as a sign of surrender.

Napilitan si Lieutenant Lim na bitawan ang kwelyo nito.

"Hindi ko pa nakukuha. Sandali lang, kukuhanin ko 'yung address na ibinigay niya." Pasimple siyang naglakad papunta sa desk niya. "Nandito lang 'yun eh." He was searching everywhere sa wooden desk. Hindi niya iyon nakita sa ibabaw, kaya't pasimple siyang yumuko upang buksan ang mga drawers sa ibabang bahagi nito.

Nang hindi na matanaw ng batang lieutenant ang madulas na swindler, nilapitan na niya ito sa desk. There he saw him crawling out of the small hole sa sementadong pader. Huli na upang maabutan pa niya ito. Gustuhin niya man na sundan ito sa butas, hindi siya kasya.

Bola managed to escape dahil sa maliit na katawan niya.

Pagkalabas ng bar ni Lieutenant Lim, nakadaan na ang van na kinasasakyan ni Bola. He even received a salute mula sa nang-iinis na swindler na talagang sumilip pa sa bintana. Napamura na lamang siya sa sobrang frustration.

***

Patapos na ang oras ng tanghalian, ngunit puno pa rin ang tent ng Section Hertz. Majority of their customers ay mga lalaki. Parte ng rason ng pagkain nila sa tent na iyon ay upang masilayan lamang ang ganda ng nag-iisang school beauty ng SDHS.

Kit didn't like the idea na nagseserve ng pagkain ang dream girl niya sa mga lalaking iba ang pagtingin dito. That's why hindi na siya nakapagpigil at inagawan niya ng tray ang dalaga. Siya na mismo ang nagserve ng pagkain sa table ng mga kapwa estudyante niyang lalaki.

LOHIKA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon