Chapter XL

3.9K 292 42
                                    

Halos maglupasay sa parking lot ng Yonhwa Police Intelligence Division Office si Sebastian Roxas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Halos maglupasay sa parking lot ng Yonhwa Police Intelligence Division Office si Sebastian Roxas. Hindi siya makapaniwala na puno ng gasgas ang pinakaiingatan niyang sasakyan. Bukod sa mga gasgas nito sa katawan, basag rin ang side mirror nito. Gustuhin man niya na sapakin ang kaibigang lieutenant ay hindi niya magawa. Isang simpleng note lamang ang iniwan nito bilang apology. Nakadikit ang isang sticky note sa upuan ng luxury motorcycle.

'Pasensya na bro. Libre kita ng paborito mong ramen next time.'

Umuusok ang ilong ni Sebastian, habang pinipilas niya ang sticky note na iyon. Hindi maipinta ang mukha niya. Hindi maintindihan kung galit ba o paiyak na. Isa lamang ang sigurado, hindi niya magagamit sa loob ng ilang buwan si Nancy, dahil magmumula pa sa ibang bansa ang mga gagamiting materials upang maisa-ayos muli ito.

***

Last day of October, bakas ang excitement sa mukha ni Kit Buendoza, habang naghihintay siya sa loob ng Starcups Coffee Shop sa lungsod ng Maynila.

Hindi rin maitatangi ang excitement ng dalawa niyang kaibigan na sina Henrix Delacorte at Leyson Samonte. Ang kaibahan lamang nila sa inosenteng binata ay paulit-ulit nilang inaayos ang buhok at hindi mapakali sa pagkakaupo.

Makalipas ang 15 minutes na paghihintay, dumating na rin si Sujin Lim. She was wearing a floral off shoulder dress. Agad niyang nakita ang barkadahan ni Kit. Habang papalapit pa lamang siya sa table ng mga kalalakihan, pansin na niya ang weird and malicious smiles sa mga mukha nina Henrix at Leyson. Dahil doon ay awkward siyang umupo sa bakanteng upuan sa harapan ng tatlo at itinuon na lamang ang atensyon sa nag-iisang normal-looking person sa table.

"I'm Henrix." Ipinunas ni Henrix ang kanang palad sa pantalon niya, bago inextend kay Sujin. He was expecting na makikipagkamay ito sa kanya.

Ngunit imbis na pansinin ang binatang naghihintay ng shakehands, hindi inalis ng dalaga ang mga mata kay Kit. "Ikaw 'yung buyer, right?" Inilabas niya sa itim na paperbag ang vintage music box na nakabalot pa sa mamahaling handkerchief.

Tila ba nagningning ang mga mata ni Kit, dahil sa bagay na nasa harapan niya ngayon. Habang inirereveal ni Sujin ang music box, mabilis niyang inilabas ang isang white envelope mula sa bulsa ng jacket niya.

"I'm not a bogus seller. As you can see..." Binuksan ni Sujin ang music box. Beethoven's Piano Sonata No. 14, Moonlight, played. "real stuff ang mga binebenta ko. According to my antiquarian, this music box was a limited edition music box from Germany. Originally, hindi talaga Moonlight Sonata ang music ng limited edition set na lumabas kasama nito, so I thought at first na hindi 'to real stuff. But thanks to my research and antiquarian from France, I confirmed na kasama talaga 'to sa limited edition set na kung icoconvert sa Philippine Peso, the original price was 150,000. Pinacustomized ng first owner ang music para maging Moonlight Sonata. You can also confirm na totoo siya. You just need to ask a professional and ipakita 'tong serial code na nasa loob. This music box is really... precious. Nag-iisa lang siya sa buong mundo. That's why... I realized that 10k is so.... maliit. I need to sell this precious stuff for 50k. Deal or no deal?"

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now