Chapter XLIX

3.9K 166 4
                                    

    Isang oras bago mag-alas nuebe ng gabi, Kit arrived at their subdivision

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isang oras bago mag-alas nuebe ng gabi, Kit arrived at their subdivision. He was walking carelessly while humming to the tune of Moonlight Sonata. When he reached the gate of their house, noon niya lamang napansin na may nakaparadang luxury van sa mismong tapat ng gate nila. Sandali siyang tumigil sa harapan nito at ineksamin ang kabuuan ng sasakyan. Iniisip niya kung sinong bastos na driver ang basta na lamang nagpark sa tapat ng bahay nila. Sa huli ay hindi niya nagawang hulaan kung kanino ang misteryosong sasakyan. Pumasok siya sa bahay nila habang pakamot-kamot sa ulo.

Isang malaking sorpresa ang nadatnan niya sa loob. He was flustered to see Mr. Buendoza, his father, having a serious talk with his mother and older sister at their living room.

Nahinto ang seryosong usapan ng matatanda nang makuha ni Kit ang kanilang atensyon.

Mr. Buendoza stood up and gave his son a warm hug.

The young man remain dumbfounded and flustered. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagbisita ng kanyang ama. Sa loob ng mahigit sampung taon, nasa Canada lamang ito, subsob sa trabaho, at ngayon lamang ito muling umuwi sa Pilipinas. Kit found the hug and everything a bit awkward, dahil doon.

After the quick hug, Mr. Buendoza, being a forthright man, said the reason for his unexpected visit. "Kit, your mom and I have decided that you will continue your studies in Canada. After your graduation, you're going to come with me."

Kit was surprised to hear the plan that he never agreed on. His small eyes became big. Naroon ang pagkagulat at pangamba. Tinapunan niya ng tingin ang kanyang ina at nakatatandang kapatid na nananatiling naka-upo sa kanilang sofa. Seeing how his mother nodded at kung pa'no umiwas ng tingin ang kanyang ate, nakumpirma niya na napagplanuhan na nga iyon ng lahat at hindi lamang iyon desisyon ng kanyang ama na ngayon lamang nagpakitang muli. He felt betrayed for some reasons. Napahigpit ang pagkakayukom ng kanyang mga kamao. Without looking at the strange man in front of him, he announced his own decision. "Hindi. Hindi ako sasama sa'yo sa Canada!" Nagtatakbo siya paakyat sa kanyang kwarto at doon ikinulong ang sarili.

Studying abroad has never crossed his innocent mind. Sa katotohanan ay wala pa siyang nabubuong plano para sa magiging kinabukasan niya pagkatapos ng graduation sa SDHS. But one thing was for sure, iyon ay hindi siya sasama sa kanyang ama sa Canada nang walang sapat na dahilan para iwanan niya ang mundong nakagisnan niya sa probinsya ng Yonhwa.

Suddenly, he remembered Jiwon Natividad. He sat on the edge of his bed and immediately dialed her phone number. Isang mabilis na ring back tone ang narinig niya mula sa kabilang linya, bago tuluyang sinagot iyon ng dalaga.

"Hello?" Jiwon's voice was so silvery.

"Jiwon..." For a moment, he tried to assemble the words in his head to form a proper question na maiintindihan ng dalagang kausap niya.

"Hmm?"

Hearing how the young lady was focusing and waiting for his question, he gathered enough courage to ask what he really wanted to ask her. "Nakapagdecide ka na ba kung saan ka magcocollege? Ah.. Hindi ko tinatanong 'to para sundan ka sa university na papasukan mo. Gusto ko lang talagang malaman." Bakas ang hiya sa boses niya.

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now