Chapter XXI

5K 191 37
                                    

Detective Sariin furiously went inside the interrogation room kung saan kanina pa naghihintay si Delia Clave

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Detective Sariin furiously went inside the interrogation room kung saan kanina pa naghihintay si Delia Clave.

Halata sa mukha ni Delia ang matinding pagkainip. Nakadekwatro at matalas niyang tiningnan ang detective na kararating lang. "Ano pa bang kailangan ni'yo sa akin? Hindi pa ba tapos ang imbestigasyon ni'yo? Isang katerba pa ang kailangan kong asikasuhin para sa libing ng matandang 'yun! Anak ng tokwa naman oh!"

Nanatiling nakatayo sa harapan ng babae si Detective Sariin. Hindi siya makapaniwala na walang galang ang babaeng kaharap niya ngayon. Bukod kasi sa maayos na itsura nito ay mukhang may napag-aralan naman. Pabagsak niyang inilapag ang dokumento sa lamesa. "Hoy Misis! Kumanta na ang kapatid mo! Ikinuha mo ng premium life insurance ang sarili ni'yong ina!"

For a second, tila ba naapektuhan si Delia sa nalaman ng detective. Ngunit hindi naman iyon nagtagal. Nilunok niya ang kaba at taas noo at kilay na sinalubong ang tingin ng matandang detective. Sumandal pa siya at naghalukipkip to show na hindi siya apektado. "May problema ba du'n? Sa pagkakaalam ko, hindi labag sa batas ang pagkuha ng premium life insurance!"

The old detective was surprised sa tapang ng middle age woman. His teeth grind dahil sa pagkainis. "Alam mo kung ano ang labag sa batas?"

She doesn't look interested. She's busy checking her manicured nails.

"Ang pag-utos mo sa kapatid mo na tumawag sa funeral home at hindi sa mga pulis! At pinapadoktor mo pa talaga ang cause of death ng nanay ni'yo! Manunuhol ka pa ng bente mil para lang makuha ni'yo 'yung lintek na life insurance!"

She heard everything, pero hindi iyon sapat para matakot siya. She smiled as she looked upon the furious detective. "Isang milyon at pitong daang libong piso..." She leaned forward. "Kung ikaw ang nasa posisyon ko, sigurado akong gagawin mo rin ang lahat para lang maclaim ang halagang 'yun. Pera ang nagpapaikot ng mundo! Masisisi ni'yo ba ako kung nagawa ko 'yun? Patay na 'yung matanda! Ano bang pake ni'yo kung anong desisyon ang gawin ko sa katawan ng matandang 'yun? Krimen ba na pagkakitaan ko ang pagkamatay niya? Isa pa, hindi naman ako ang pumatay sa kanya! Ang kapatid kong adik ang gumawa ng krimen, pero bakit ako ang pinag-iinitan ni'yo? Nananahimik ako tapos kekwestyunin ni'yo ang life insurance na 'yan eh hindi ko naman na mapagkakaperahan 'yan! Walang hiya naman oh!"

Sa kabilang kwarto ng interrogation room, naroon si Lieutenant Jiho Lim. He was there since the interrogation started. Narinig niya ang lahat, kitang kita rin niya ang ikinilos at inasal ni Delia Clave. Isang malalim na paghinga ang reaksyon niya sa lahat ng iyon. 'Kailangan kong pagsalitain ang dalawang magkapatid... sa kahit na anong paraan.'

After the interrogation of Delia Clave sumunod na ininterrogate si Jophet Clave, ang panganay sa tatlong magkakapatid.

"Pinagsususpetsahan ni'yo ba ako? Hindi ako ang pumatay sa matandang 'yun!" Just like Delia, mukha rin siyang kagalang-galang at may pinag-aralan base sa damit at itsura.

But Detective Sariin was again... disappointed. 'Kagaya ng kapatid, wala rin galang sa magulang na nagpalaki sa kanya!'

"Hinuli ni'yo na si Gerald! Pakakawalan ni'yo pa ba 'yung hayop na 'yon? Sigurado ako, kahit hindi ko nakita ang nangyari, sigurado akong siya ang pumatay kay mama! Detective, nakikiusap ako..." Bahagya siyang naglean forward upang mapalapit sa detective na kaharap. "Bulukin ni'yo na sa kulungan ang lalaking 'yon! H'wag ni'yo na rin akong tatawagan ulit! H'wag ni'yo na akong pabalikin dito! Ano na lang ang iisipin ng asawa't mga anak ko? Sa ginagawa ni'yo sa akin ngayon, pinagmumukha ni'yo akong kriminal! Labas ako sa kasong 'to! Nasa kamay ni'yo naman na ang pumatay! Nagsasayang lang kayo ng oras, eh kung isinasara ni'yo na ang lintek na kasong 'yan eh 'di natatahimik na kami ngayon!"

LOHIKA [COMPLETED]Where stories live. Discover now