Chapter XXXI

3.9K 162 9
                                    

​Lahat sila ay nagtataka kung bakit may nakasakay na dalaga sa police mobile

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Lahat sila ay nagtataka kung bakit may nakasakay na dalaga sa police mobile.

​"Ah! Hindi ba't ikaw 'yung anak na babae ni Director Natividad?" Detective Polaryo sounded so sure while pointing a finger sa flustered na dalaga.

​The rest of the team agreed, ngunit hindi pa rin nawawala ang pagtataka nila sa presensya ni Jiwon.

​Until their team leader came. "Jiwon? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakasakay diyan?" Buo ang pagtataka ni Captain Teodore nang ang una niyang napansin sa mga nakasakay sa loob ng van ay ang pamangkin niya.

​"Sir..." Lieutenant Jiho Lim caught the attention of the old man. "..on the way na sana kami sa Camino." Ibinaling naman niya ang tingin sa dalaga. "Bilin na bilin sa akin ng papa mo, h'wag ko daw hayaan na magcommute kang mag-isa. Bumaba ka muna, babalik din ako dito agad."

​Jiwon had everyone's attention. They were all waiting for her na bumaba, but she remained sitting awkwardly sa gilid. She looked at her uncle na naghihintay ngayon sa labas ng sasakyan. "Uncle, ayokong maghintay sa office. Okay lang po ba na sumama ako?"

​Nalipat ang tingin ng lahat kay Captain Teodore.

​Sandaling nag-isip ang tito ni Jiwon. Thinking na isasama nila ang dalaga sa isang mapanganib na misyon is definitely not a good idea. But then, he can't say no to her. "Sige. But Jiwon, hindi ka bababa ng sasakyan. Maliwanag?" He had this powerful voice na kayang kontrolin ang kahit na sinuman, tulad ng sa pinsan niya na si Director Natividad.

​After that risky decision, nakasama nga si Jiwon sa lakad ng unit 1 ng Violent Crimes. They gave her enough space upang hindi maipit sa gilid ng sasakyan. The man sitting beside her even leaned on the opposite side na tila ba pahiga na siya sa mga tropa, just to make sure na hindi niya masasaling ang nag-iisang anak ni Director Natividad.

​Buong biyahe, tahimik ang buong tropa. Considering na may kasama silang dalaga sa loob ng sasakyan, hindi nila magawa ang natural at nakasanayan nilang kwentuhan about vulgar things.

​Nang makarating sila sa Consolacion Highway, traffic ang bumungad sa kanila. Their car stopped at the end of dozen cars na nakahinto. The whole team went out of the car at tinungo ang cause ng traffic.

​Jiwon was left alone sa loob ng sasakyan. Curiosity hits her hard. She went out of the car too and curiously went near the ruckus na nagaganap ngayon sa unahan ng mga nakahintong sasakyan. Nosy people were swarming in front, kaya't kinailangan pang sumiksik ni Jiwon upang makapunta sa pinakaunahan at makita kung ano bang nagaganap roon. When she successfully made her way through the crowd, she was surprised to see what's actually happening in front.

​Nakapaligid ang mga naka-uniform na pulis sa isang SUV na mag-isang nakahinto sa gitna ng malawak na kalsada. Nakatutok ang mga baril nila sa sasakyan na iyon. Captain Teodore's team was talking out a plan, just meters away sa kinatatayuan ngayon ni Jiwon.

​"Kawawa naman 'yung bata! Paano kung patayin na siya ng dimonyong 'yun?"

​"Wala pa rin bang gagawin ang mga pulis?"

LOHIKA [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt