Part 21

2K 40 1
                                    

DAHAN-dahang sinara ni Laurisse ang pinto ng kanilang bahay. Naging isang mahabang araw iyon para sa kanya dahil sa dami ng trabahong tinapos niya sa ospital. At katulad ng mga ordinaryong araw, ayun siya at mariin na naipagdikit ang mga labi habng nakamasid sa kabuuan ng kanilang bahay. Twenty-nine years. Twenty-nine years living in the same house. At nasa bahay na iyon ang lahat ng alaala niya. At umaasa siyang sa bahay na iyon babalik ang lahat ng nawala sa kanya.

Panigurado, wala pa ang kanyang ama sa bahay. Lagi itong abala kahit hanggang sa ospital. Lagi siyang nauunang makauwi sa kanilang dalawa. Sa laki ng kanilang bahay, bihira silang magkita ng kanyang ama. And it feels like she's living her own life alone for almost ten years.

Halos sampu ang binilang ng bawat hakbang niya sa hagdan. Isang mabagal na takbo ng buhay. Isang mabagal na pag-andar ng oras. Bawat hakbang, isang pagsubok patungo sa nakaraan.

At isang butil ng luha ang naramdaman niyang bumagsak sa kanyang pisngi mula sa kanyang mga mata pagtapak niya sa sahig ng pangalawang palapag ng kanilang bahay. Ni hindi niya namalayang nagtubig na pala ang mga mata niya. Bakit parang binalot ng lungkot ang pagkatao niya ngayon?

Inipon niya ang lahat ng lakas upang ihakbang ang mga paa. At isang hikbi ang umalpas mula sa kanyang bibig nang marating niya ang pinto ng isnag kuwarto sa dulo ng pasilyo. Hindi niya iyon kuwarto. Ay, hindi iyon ang kuwartong tinutuluyan niya ngayon.

Upon reading the name signed on the door, her heart suddenly felt sadness and it feels like mourning. But why?

Lauraine...

Ang puso niya'y gustong buksan ang pintong halos sampung taon nang hindi binubuksan. Hindi iyon nila-lock ng kanilang ama pero wala ring naglakas-loob sa kanilang buksan ang kuwartong iyon matapos ang aksidente.

May kung anong napunan na puwang sa kanyang puso nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng kuwartong iyon. Unti-unti niyang tinulak ang pinto at sa ilang sandali pa ay bumungad sa kanya ang katahimikan ng buong silid. Ang mga gamit ay hindi nagalaw. Iniikot niya ang paningin sa bawat sulok na makita niya. Pilit niyang inaalala kung ginamit niya ang bawat na makita sa loob ng kuwarto. Pero blanko. Wala siyang maalala. Walang pumapasok sa isip niya.

Lumapit siya sa mahabang study table kung nasaan nakapatong ang ilang libro. Tiningnan niya isa-isa ang mga iyon. Those are medical books. Ginusto niya ba talagang maging isang doktor?

Tiningnan niya ang mga libro. She couldn't remember the time she was spending time reading those books. The Heart Health. The Art of Human Heart. The Simple Heart Cure. Napakunot ang kanyang noo. Gusto niyang maaalala ang mga panahong sinubukan niyang basahin ang mga iyon pero wala siyang mapiga sa utak niya.

Pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang ilang display sa loob ng kuwartong iyon. Lauraine truly loved pink. A so-much girly designs. Hindi niya alam kung bakit parang miss na miss niya ang kuwartong iyon. And it feels that her heart is longing for that room. Hindi tumitigil ang mabilis na pintig ng kanyang puso.

Sumilip siya sa bintana  ng kuwarto. Tanaw mula roon ang bahay nila Erik. At sa isnag iglap isnag munting alaala ang biglang rumehistro sa kanyang isip. Napahawak siya sa kanyang sentido.

She saw a girl looking outside from that window. Sino? Sino sa kanila? Sino ang nagmamasahid kanino? "Ako ba iyon? Binabantayan ko si Laurisse mula sa bintanang ito?" tanong niya sa kanyang sarili. "Bakit?"

Napahakbang siya paatras hanggang sa mapaupo siya sa gilid ng kama. Ang kanina'y lungkot na nararamdaman ay napatungan ng pangungulila. Pakiramdam niya ay may nawala sa kanya. Ang bigat-bigat ng nararamdaman niya ngayon. Isang malakas na ihip ng hangin ang dumaan sa kanya dahilan upang makaramdam siya ng lamig. Kakaibang lamig. Para bang may yumakap sa kanya. At gusto niyang paniwalaan na niyakap siya ng kanyang kapatid.

"Lauraine?" tawag niya. "Laurisse?" Nayakap niya ang sariling mga tuhod habang nakaupo sa kama at nakasandal sa headrest ng kama. Hanggang sa sunod-sunod na hikbi ang bumalot sa kabuuan ng kuwarto. "T-Tulungan mo naman ako. Gusto ko nang maalala ang lahat. Gusto ko nang malaman ang mga nangyari. Gusto ko nang makilala ang sarili ko. Sino ba talaga ako? Gusto ko nang magkaroon ng tunay na pangalan."

Naramdaman niya ang pagkawala ng malamig na hangin sa paligid niya. Hindi siya natatakot. Naniniwala siyang ang kapatid niya iyon na nakagabay sa kanya. Patuloy lang ang paghikbi niya nang makarinig niya kalabog na may nahulog sa sahig.

Naiangat niya ang tingin at tumambad sa kanya ang bookshelf. Bumaba siya ng kama at lumapit doon. Tiningnan niya ang lahat ng nakalagay roon. Mga libro na naman. Sobrang hilig niya ba talaga sa mga libro? At ang mas pinagtataka niya ay puro medical books ang naroon. Her desire to be a doctor is really from her childhood dreams?

Aabutin niya sana ang isnag libro mula sa bookshelf nang makaramdam siya na may nasagi siya sa sahig. Paglingon niya sa baba ay napakurap-kurap siya nang tumambad sa kanya ang isang stationary notebook na may Hello Kitty prints. Dinampot iyon at pinakatitigan ang balot.

The stationary notebook is not familiar to her. Akin ba ito? tanong niya sa sarili.

And upon opening the first page, her heart didn't stop beating above the normal rate. And it feels like her heart remembered that stationary notebook because one name printed on it.

Lauraine Galvez.

BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]Where stories live. Discover now