Maging si Erik ay natawa sa sarili. "Nag-breakfast ka na?"

Kinunotan niya ito ng noo. "Puwede tayong mag-usap ng hindi tayo gaano kalapit sa isa't isa." Halos isang dangkal na lamang ang layo ng mukha nito sa mukha niya sa pagkakakulong nito sa kanya sa likod ng mesa.

"Puwede rin naman tayo mag-usap ng ganito kalapit sa isa't isa," pagbaliktad nito sa sinabi niya. "Or do you wanna do anything else other than talking."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

"We can eat. Hindi pa ako nag-aalmusal."

At mas lalong nanlaki ang mga mata niya sa sinabi. Well, iba ang tumatakbo sa isip niya.

"We can do what is running on your head next time."

"Erik!" saway nito sa kanya. "Walang ibang tumakbo sa isip ko!" anito sabay tulak sa kanya.

"Well, your body doesn't acting the same thing as you said."

"Hindi, ah!" tanggi niya. Nakadalawang hakbang na siya paikot ng kanyang mesa nang hilahin ulit ni Erik ang braso niya at ikulong ulit siya nito sa pagitan ng mesa.

"Nagbibiro lang ako," ani Erik sabay hawi sa buhok niyang humarang sa kanyang mukha at inipit sa likod ng kanyang tainga.

"Hindi magandang biro," aniya sabay irap. Hindi magandang biro dahil panigurado namumula na ang mga pisngi niya!

"But honestly, I want to kiss you again right now, in this position."

"Erik!" pigil niya rito. "Darating si Jess----!"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang sa isang iglap lang ay nasakop ng mga labi ni Erik ang mga labi niya. Naramdaman na lamang niyang umikot ang isang kamay ni Erik sa kanyang likuran samantalang ang isa ay humawak sa kanyang batok. At kusang pumikit ang kanyang mata sa sensasyong dulot ng pagkakalapat ng mga labi nila.

She doesn't even aware of this bizarre feeling inside her chest when she could finally feel again Erik's lips against hers. At aminado siyang mas nanabik siya sa pangalawang pagkakataon. Kusang napakapit ang mga kamay niya sa balikat ng binata habang sinusuportahan nito ang likod niya. And as the time was running, she felt the kiss was getting deeper... and wild. And the warmth was spreading all over her body.

Lumipat ang mga kamay ni Erik sa kanyang magkabilang pisngi nang payagan niya ang gusto nito. His tongue was seeking for an entrance that she gladly welcomed in. She tried to kiss back with the same sensation that Erik let her feel. At hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng sayang dulot ng mga halik nito.

"Laurisse!"

Gulat na naitulak niya si Erik palayo. At sapo niya ang mga labi ng palad habang nanlalaki ang mga matang napatingin sa binata. Hindi siya puwedeng magkamali.

"Laurisse! Bakit naka-lock itong clinic mo! Papasukin mo ko marami ng pasyente sa labas!"

And that's Jessie.

And before she forgot, nasa clinic sila! Tarantang napaikot siya sa kanyang mesa at napaupo sa swivel chair sabay tatayo ulit. Pakiramdam niya ay nahuli siya sa akto kahit na nasa labas palang ng clinic ni Jessie.

"Relax," Erik said. Hinuli nito ang kamay niya at pinigilan siya sa pagkataranta niya.

Pinanlakihan niya ng mga mata ang binata. Jessie is outside! At parang wala lang iyon kay Erik.

"Huwag kang mataranta. May ginawa ba tayong mali?"

Hindi siya makapaniwala sa tinanong nito. Napanganga siya sa sobrang kalmado nito. Well, hindi naman sila nahuli.

Binuksan ni Erik ang pinto ng kanyang clinic. Magsasalita pa sana si Jessie nang makapasok ito pero hindi nito natuloy nang mapatingin ito kay Erik at sa magkasaklob nilang kamay na ngayon niya lang din napansin.

"Well," ani Jessie saka pinagkrus ang braso na para bang sinusuri ang itsura nila sa klase ng pagkakatingin nito sa kanila. "Iisipin kong wala kayong ginawa habang nandito sa loob at naka-lock ang pinto."

Tumawa naman si Erik na kinabilis ng tibok ng puso niya. At hindi niya alam kung paano lulusot sa kaibigang mapanuri, mapangmatyag, matanglawin.

"Excuse me, Dr. Villena," tawag ni Jessie sa binata. "Lagpas na po ng start ng working hours."

"Ikaw, ha. Sungit mo na sa akin. Hindi ko naman aagawin kaibigan mo. Well, hindi mo rin naman siya maaagaw sa akin."

"Talaga lang, ha!"

"Tama na nga 'yan!" pigil niya sa hamunan ng dalawa. "Magtrabaho na tayo." Naupo na siya  sa kanyang swivel chair at kinuha mula sa kanyang drawer ang mga report na kailangan niyang tapusin.

"I'll go ahead," narinig niyang saad ni Erik nang hindi tinitingnan.

"Okay," sagot niya. Abala ang mga mata niya sa pagbasa sa report. Akala niya ay lumabas na si Erik kaya laking-gulat niya nang may humawak sa baba niya ay iangat ang kanyang mukha. And in just a snap of fingers, Erik was able to give her a smack kiss. Ehem, in front of Jessie.

Upon the door closed when Erik went out, isang tili ang umalingawngaw sa apat na sulok ng kanyang clinic.

"Hindi ako mag-e-explain." Pinutol niya agad ang kuryosidad ng kaibigan dahil nakikita niya sa mga mata nito na gusto bitong magkuwento siya.

BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon