Para sa self prompt na "Matagal naghintay si Baekhyun na maging sila ni Chanyeol. Nanatili siyang kaibigan nito at hinayaan niya lang na magkaroon ito ng iba't ibang kasintahan. At nang sa wakas ay mapansin na siya ni Chanyeol at naging sila na, hindi naging madali ang lahat dahil sa umpisa lang pala sila masaya."
First time ko sumali sa ganitong ficfest. Sana magustuhan niyo. Hindi ako masyadong bihasa sa third person's POV kaya pagpasensyahan niyo na hahaha anyway salamat sa mga mababait na mods sa paggawa ng ficfest na ito at sa pag extend ng deadline. Maraming salamat mods! Thumbs up! ߑᅧSalamat sa beta reader kong si S na lagi kong tinatanungan sa mga bagay bagay na may kinalaman sa kwentong ito.
Ang fic na ito ay para sa mga nagmahal, umasa, nasaktan at natuto ulit na magmahal.
Enjoy reading!
I do not own any of the songs.(See end notes for the playlist and songs used in this fic)
(See the end of the work for .)
Work Text:
2005
Nagising si Baekhyun sa pagyugyog sa kanya ng kuya niyang si Baekbeom. Nung una sinipa pa niya ito pero nang hilahin nito ang kumot niya upang pwersahan siyang bumangon ay wala na siyang nagawa. Naiinis siya dahil ginising siya nito. Naroon pa naman sa panaginip niya si Chanyeol. Masaya silang dalawa habang magkahawak ng kamay. Sa panaginip na nga lang siya masaya tapos naudlot pa.
"Kuya naman." Angal niya rito habang pupungas-pungas pa. Umupo siya sa gilid ng kama at inismiran ang kapatid na hindi maipagkakaila ng kahit sino dahil kamukhang kamukha niya ito.
"Alam mo ba kung anong oras na Baekhyun Byun? Malapit nang mag-7. Male-late ka na." Alam niya na kapag binanggit ng kuya niya ang buong pangalan niya ay senyales na ito ng sunud-sunod na pangaral. Kaya naman sumunod na lang si Baekhyun sa nakatatandang kapatid. Tumayo na siya at nagsimulang maghanda para sa pagpasok sa school. Habang nag-aagahan sila ay panay sermon pa rin ang kuya niya tungkol sa pag-uwi niya nang 11 ng gabi. Ito ang tumatayong magulang niya dahil nasa US ang magulang nila. Doon nagtatrabaho ang mga ito simula pa lamang noong nasa elementarya si Baekhyun at high school ang kuya niya.
"Uwi ba yon ng matinong high school student?" Tanong ni Baekbeom sa kanya. Hindi na sana siya sasagot pero sinamaan siya nito ng tingin.
"Kuya, hindi na ko bata. 4th year high school na ko. Kaya lang naman ako ginabi kasi sinamahan ko si Chanyeol na maghanap ng gagamitin para sa project namin." Pagsisinungaling niya. Ang totoo kasi niyan, sinamahan niya si Chanyeol sa bahay ng nililigawan nito.
"Chanyeol na naman. Tingin ko hindi nakakabuti sa'yo na maging kaibigan siya. Hindi ba nung nakaraan napatawag ako sa school dahil nahuli kayong dalawa na nag-cutting classes?" Pagpapaalala nito kay Baekhyun habang mataman na nakatingin. Hinihintay ang magiging reaksyon niya ngunit pinili na lamang niyang manahimik.
Nasasaktan siya kapag naririnig niya ang mga ganyang bagay mula sa Kuya niya. Hindi niya naman masabi rito na hindi niya kayang tiisin si Chanyeol. Paano mo nga naman magagawang tiisin ang taong gusto mo? Oo matagal nang gusto ni Baekhyun si Chanyeol at wala itong kaalam-alam sa nararamdaman niya. Para kay Baekhyun, masaya na siyang maging kaibigan ni Chanyeol dahil mayroong dahilan para magkasama sila. At kapag nagkakaroon ito ng kasintahan ay hinahayaan niya lang. Hindi naman siya umaalis sa tabi nito kapag sobrang lungkot na niya.
Pagkalabas ni Baekhyun sa bahay nila, nakita niyang nasa may gate na si Chanyeol. Nasa iisang baranggay lang sila kaya naman palagi rin silang sabay na pumapasok sa school. Nang makita siya ni Chanyeol ay ngumiti agad ito sa kanya. Bahagya siyang kinilig pero agad niyang pinigilan.
VOUS LISEZ
Hintay
Fanfiction[BaekYeol Paraluman Fic Fest] Nanatili si Baekhyun sa tabi ni Chanyeol kahit na nga kaibigan lang ang tingin sa kanya nito. Para sa kanya, ayos lang na maghintay nang matagal para sa taong mahal mo. At nang dumating ang panahon na mahalin na rin si...
