08- Let's Get This Party Started

Start from the beginning
                                    

"James! Saan ka pupunta" Pero hindi ko nalang tinuloy magsalita

"Paano na ang plano natin guys, gusto ko nang umalis dito" Sinabi naman ni Erika na kinakabahan

"Teka pagiisipan ko muna" Sabi naman ni Carly

------

[Bea's POV]

Nakahiga lang ako sa aking kama nang biglang may narinig akong parang may nahulog na bote

Lumabas ako sa aking kwarto at naisip ko bigla na malamang sa chemistry lab yun

Naglakad ako hanggang makarating na ako sa pintuan ng chemistry lab, pero hindi ko inaasahan ang mga makikita ko

Nakita ko sa salamin na may nakahiga na lalaki sa tabi ng mga upuan, tinakpan ko nalang ang bibig ko ng nakita ko yun, gusto ko sanang tignan kung kaninong bangkay yun, pero nakasisigurado na akong si Chris yun, pero hindi natuloy ang pagpunta ko sa loob

May narinig akong yapak na parang dahan dahan na lumalapit ito sa akin, tinignan ko ang buong paligid at bigla akong napatingin sa kaliwa ko

Nanlaki ang mga mata ko, at parang nanigas ang mga paa ko sa mga nakita, nakita ko na may nakatayo sa kaliwa ko, nakamaskara ito ng happy face at nakabalot ng telang itim, may hawak-hawak itong itak na punong puno nang dugo

At nagsalita ito bigla

"Bea, Flores, right?!" Agad niya itong tanong sa akin pero hindi ako nakasagot dahil sa matinding takot

"Magiging masaya to, pero bago ikaw, uunahin ko muna ang mga kasama mo" Sabi nito sa akin habang unti-unti itong lumapit

Pero diko inaasahan na bigla siyang tatakbo at agad agad din akong tumakbo, sa sobrang bilis ng takbo ko, naisip ko na ito ang pinakamabilis na takbo ko sa buong buhay ko

Hindi ko nalang nilingon ang likuran ko at patuloy parin ang pagtakbo ko ng mabilis kahit hinihingal na ako, ang tibok ng puso ko, para nang tambol sa sobrang lakas, at napaiyak nalang ako habang tumatakbo

Sumasakit na ang paa ko at natatanaw ko na ang cafeteria pero hindi parin ako tumigil hanggang tinulak ko bigla ang pintuan at agad-agad na nagulat ang mga nasa loob ng cafeteria

------

[Carly's POV]

May nakita akong 4 na pair ng walkie-talkie sa loob ng cabinet, at agad kong pinapunta lahat ng estudyante sa iisang lamesahan

"Ganito ang mangyayari, kailangan nating maghiwahiwalay sa apat na grupo" Sabi ko

Nanlaki lahat ng mata ng mga kaharap ko nang bigla kong sinabi yun

"May dalawang maiiwan dito sa cafeteria para magbantay, at si Katrina at Bea nalang yun" Agad kong ibinigay ang isang walkie-talkie sa kanila

"Sila Erika, Eonne at Yang naman ay pupunta sa chemistry lab para kumuha ng asido at mga poisons, magdala kayo ng marami kung ilan ang kaya niyong buhatin" Sabi ko at agad kong ibinigay sa kanila ang isa ding walkie-talkie

"Sila Daylin at Anthon naman, pumunta kayo sa bodega ng school natin, malapit yun sa janitors room sa 3rd floor, maraming kagamitan sa bodega, kunin niyo rin lahat ng bagay na pwedeng pangpatay at makakatulong pa sa atin, yung mga kaya niyo lang buhatin baka mahirapan kayong magbuhat kaya sasama nalang si Nico sa inyo" At inabot ko din ang pangatlong walkie talkie sa kanila

"At kaming dalawa naman ni Jane, hahanapin namin ang principals office para humingi nang tulong" At kinuha ko na ang huling walkie-talkie

"Teka pano naman ako" Biglang sinabi ni Yin na kakagising lang

"Maiwan ka pala dito, hindi ka muna pwedeng maglakad lakad kasi kakatapos mo lang magpahinga, mabibinat ka lang" Sabi ko sa kanya sabay pinaupo ko ulit sa sofa

"Gising kana pala!" Sabi ni Yang at agad niyakap ang kakambal

"Pero gusto ko ding makatulong" Pilit na sinabi nito

Susumbat na sana ako pero nagsalita na si Yang

"Bro, makinig ka sa akin, dito ka lang, wag na wag kang aalis, hintayin mo kami dito kasi alam kong ligtas kayo dito" Sabi naman ng kapatid nito

Napangiti nalang ako sa nakita, at tumayo na si Yang

"Okay guys! Tapusin na natin to, wala nang mamamatay ni isa sa atin, diko na hahayaang mangyari yun" Sabi naman ni Yang

Matapos nun, ay sabay sabay kaming nagdasal na sana walang mapahamak at ligtas parin kami hanggang sa huli

"Tara na, marami pa tayong kailangang gawin, naguumpisa palang ang tunay na laro" Sabi ni Jane

"Tama, at sisiguraduhin kong mapapabagsak naman natin kung sino man ang salarin" Sagot ko din

Maglalakad na sana kami nang biglang nagsalita si Anthon

"Eh paano naman si James?" Tanong naman ni Anthon

"Oo nga pala" Sabi ko nalang tapos bigla akong napakamot ako sa ulo ko

"Kami nalang bahala doon" Sagot naman ni Jane

At inumpsahan na naming naglakad at binuksan ang pintuan ng cafeteria, matapos naming makalabas lahat ay binilin ko ang mga naiwan sa cafeteria na ilock nila ang pintuan, at wag na wag silang magpapapasok ng kahit sino hanggang hindi umiimik ang kumakatok

-----END-----

ATTENDANCE!

*FLORES, BEA

*GREEN, CARLY

*LEE, YANG

*LEE, YIN

*MANZANO, NICO

*RAMOS, ERIKA

*RAMOS, KATRINA

*REYES, ANTHON

*SANTOS, DAYLIN

*SAYAKA, EONNE

*TRANSFIGURATION, JAMES

*WOOLF, JANE

SCHOOL STATUS

*STUDENTS LEFT= 12

School 26 UniversityWhere stories live. Discover now